Hinintay ko lang siya dun sa labas ng CR. Oo nga pala. Pinasuot ko na lang sa kaniya ‘yung polo ko. Wala lang. Para naman may takip pa rin siya. Alangang naka-white shirt lang siya habang naglalakad sa hallway, ano. Sa mga lalaki, ayos lang ‘yun. Pero sa mga babae, parang hindi bagay. Tapos naka-palda pa sila. Weird lang tingnan.

“’Yun oh! Gwapo!”

Ang hilig ding mangulat nang babaeng ‘to ah? Hahaha! Bigla-bigla na lang lumalabas. Sa sobrang panggugulat niya, ayun. Nahulog ‘yung puso ko. Nahulog sa kaniya.

Hindi ko alam kung pano ko nagagawang bumanat rito. Pero sa loob-loob kom nag-aalala na ako. Pano kung hindi pa dito natatapos ‘yung panggugulo ni Sam? Pano kung mas malala pa rito ‘yung gawin niya sa susunod? ‘Yung bangungot. Pano kung ganun na nga lang ‘yung mangyari? Hindi ako natatakot para sa sarili ko. Natatakot ako para sa aming dalawa. Lalo na para sa kaniya.

“Tapos ka na pala Babe…” Sabay lapit sa kaniya. Yakap nang mahigpit at kiss sa forehead. “Sorry kanina ah. Sinubukan ko namang pigilin ‘yun si Sam eh. Kaso wala eh. Ayaw talaga. Sorry.”

“Ayos lang ‘yun Babe.” Pampawi talaga nang lungkot ‘yung ngiti niya eh. Pero hindi yata umepekto sa akin ‘yun ngayon.

“Thanks, Babe.” Sabay kiss ulit sa forehead niya. “Balik na tayo sa room.”

“Leggo.”

Pagdating namin sa room, kinausap kaagad siya nila Kathleen. Ako, lumabas muna ako. Magpapahangin lang, kumbaga. Naguguluhan na ako. Nahihirapan na rin.

Kaya ko gustong makita kung lalaban ba si Steph kasi hindi namin alam kung kailan ba may aatake sa amin. Hindi sa lahat ng pagkakataon eh magkasama kami. Pano kung ‘di niya ako kasama? Pano siya lalaban? ‘Yun ‘yung gusto kong makita. ‘Yung palaban niyang side. Gusto ko alam niya rin kung pano protektahan ‘yung sarili niya, o kahit depensahan man lang ba ‘yung sarili niya.

Gustuhin ko man na maging palaging nandyan para sa kaniya, kaso hindi ‘yun pwede. Sino nga ba ako sa kaniya? Isa lang akong kaibigan na niyaya siyang sumali sa isang deal. At ngayon, nadawit pa siya sa gulo. Langyang buhay oh.

--

Hinatid ko siya sa may sakayan kanina. Lagi ko naman ‘yung ginagawa eh. Ang masakit nga lang, lagi ko naman siyang tinatanong kung pwede ko ba siyang ihatid, kaso laging “NO” ‘yung sagot niya sa akin. Saklap nga eh. Gusto ko lang naman siyang maging safe ‘yung pag-uwi niya, kaso parang tinataboy  niya langa ko. Kaso, may dahilan naman siya kung bakit niya ginagawa ‘yun eh. Strict parents niya. TAPOS.

Ma-chat na nga lang ‘yun.

Thom Yvan Cruz

     | hi babe

     | :*

With kiss pa ‘yan ah! Sweet ko, dba? Hahaha!

Stephanie Xyra Abelardo

     | Hi Babe! :”>

Oh. Sa kaniya naman with kilig. Hahaha! Mga emoticon na hindi mo alam kung totoo ba o hindi. Bakit, habang tinatype mo ba ‘yung kiss na emoticon eh finoform mo ‘yung lips mo na para kang mangki-kiss? Hindi naman, dba? Pero ‘yung emoticon naman na ngiti, tawa, etc eh ginagamit kapag napangiti ka ba talaga o napatawa. Ewan. Basta ‘yun. Hahaha!

Thom Yvan Cruz

     | buti naman safe ka

Kitams! Wala akong emoticon kasi ‘di naman ako nakangiti. Hahaha! Joke lang. Grabe ako, ano? Pati emoticon pinupuntirya ko. Hahaha!

I Remember It All Too WellWhere stories live. Discover now