chapter thirty five:

10.6K 182 4
                                    

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Napapikit pa nga ulet ako nang nasilaw ako sa liwanag. Naramdaman ko na may pumisil sa kamay ko. It was Zion, nandito din si mommy. Bahagya akong umangat dahil sa pagkakangawit nang likod ko.

"Careful, Shin." sabi ni mommy. Dahan-dahan akong inalalayan ni Zion. Nang nakaayos ako ay naalala ko ang nagyari kaninang hapon, medyo madilim na din kase sa labas. Napahawak ako kay Zion.

"Si K-kreon.." nauutal na sabi ko. Hinimas ni Zion ang ulo ko at hinalikan ako sa noo.

"He's fine now Kenneth Shane.." marahang sabi niya.

"Ang tigas kase nang ulo mo."

"I'm sorry.."sagot ko tapos ay huminga nang malalalim. Ok na ako ngaun lalo na at alam kong ok ang anak ko.

"Muntik ka nang makunan Shin, please anak, kaonting ingat.. Hindi lang ikaw ngaun ang inaalagaan mo, may buhay na diyan sa sinapupunan mo." Alam kong medyo iritable si mommy base sa pagkakasabi niya tumalikod siya at tuluyan nang lumabas. Napayuko nalang ako dahil duon. Kinuha ni Zion ang mangkok na may lamang lugaw sa side table at sinubuan ako. Nang makalimang subo na siya ay tinanggihan ko na. Medyo nanghihina pa ako eh. Bigla ko nalang naalala ang nangyari si Enzo.

"Drake, ano nangyari kay Enzo?" tanong ko. Zion looked exhausted at parang namamaga ang mga mata niya. Gusto ko sana siyang lapitan pero siya ang lumapit sa akin. Hinawakan niya ulet ang kamay ko. Mukhang wala siya sa katinuan kaya hinawakan ko ang pisngi niya. Marahan siyang napapapikit.

"You scared the hell out of me Kenneth Shane, hindi mo alam kung paano ako nagalala.. kulang nalang ay magwala ako dahil sa sobrang takot at pag-aalala, please mallows, makinig ka naman you're pregnant now, hindi muna pwede gawin ang mga ginagawa mo noon." Natulala ako sa burst out na nangyari kay Zion. Tears started falling from his eyes. Parang nadudurog ang puso ko dahil duon. Gusto ko tuloy batukan ang sarili ko dahil sa tigas nang ulo ko. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang umiiyak, but everytime na nakikita ko siyang ganyan nasasaktan ako.

"Hindi ko na uulitin Drake, promise! wag kana umiyak." Pang-aalo ko sa kanya umupo ako sa gilid nang kama ko pero agad siyang lumapit at niyakp ako nang mahigpit. There's something wrong. Alam na alam ko hindi lang ito ang dinadala niya. Inalayo ko siya nang bahagya at pinunasan ang mga luha niya gamit ang kamay ko.

"Drake ano problema?okay ako, okay si Kreon, baket ganyan ka?" Dala siguro nang emosyon ko ay nagtuluan na din ang luha ko.

"Enzo has a brain tumor Shin, he's dying."

----

"Ang lake na ah!" bati sa akin ni Sunny.

Ibang iba na siya the last time I saw her. Ngumiti lang ako at nagpatuloy mag make-up, papunta kami ngaun sa Bataan for Enzo and Tricia's wedding. Hindi alam ni Tricia na kasal niya ngaun. Naki usap lang si Enzo sa kanila na tulungan siya. Five months na din akong buntis ngaun. Medyo maumbok nga ang tiyan ko eh at sa mga nag daang buwan ay naging smooth ang flow nang relation namen ni Zion. I kept their secret. As I promised, gusto ko man sabihin sa kanila pero ayoko sa akin manggaling, Enzo chose to kept it. Sino ako para pangunahan siya? At si mommy ang doctor niya so alam kong gagawin lahat ni mommy para mapagaling siya.

About kuya naman, hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi na siya ang kuya ko na kilala ko. He'd changed a lot. Ayaw niyang damayan ko siya sa pinagdadaanan niya, palage nalang siyang wala at kung umuwi naman ay palaging lasing. Pinagbawalan ako mastress nang doctor dahil na din maselan ang pagbubuntis ko. So hinayaan ko nalang muna si kuya.

Nakapag pa ultrasound na din ako. At tuwang tuwa naman si Zion nang nalaman namen na lalake ang anak namen. As of now, ok kame sana lang tumagal kami nang ganito. Madami pa kaming pinagdadaanan at hindi na namen makakayanan kung madagdagan pa.

Pasakay na kame ngaun nang yatch na magdadala sa amin sa private resort ni Enzo. Inalalayan ako ni Zion at magkatabi kaming naupo sa loob nang cabin. Bago pa man umandar ang yatch ay nagvibrate ang cellphone ko. Bahagya akong lumayo kay Zion na ngaun ay nakikipagkwentuhan na kay Sunny.

"Kuya!"sagot ko sa tawag niya.

"Where are you Shin? Kasama mo ba sila Zion?" tanong niya kaya medyo napakunot ang noo ko. Should I tell him? wala naman masama diba?

"On the way to Bataan kuya, it's Enzo's wedding." pagkasabi ko noon ay bigla nalang nagmura si kuya at tingin ko ay may kausap pa siya sa kabilang linya. Nagtataka man ako ay pinatay ko nalang. Bumalik ako sa pwesto namen at nakipag kwentuhan na. Pero ang totoo ay gumugulo pa din sa isip ko ang babaeng kausap ni kuya.

"Ok ka ba? di kaba nahihirapan? I told you, pwedeng hindi ka sumama." Marahang sabi ni Zion sabay halik sa noo ko. Napangiti ako dahil duon pakiramdam ko mahal na mahal niya ako. Kahit naman isang beses niya iyon sinabi ay nararamdaman ko naman ngaun.

"Malapit na tayo!" Sabi ni Sunny habang inaayos ang mga bulaklak sa deck. Ang ganda nang ayos nito. Napakaswerte ni Tricia kay Enzo. Napayuko ako sa iniisip ko at the same time ay nalulungkot baket ang daya nang tadhana? of all people na masama, si Enzo pa ang nagkaganyan.

Nakakita ako nang electric piano sa cabin, kahit nagtataka si Zion ay nag set-up pa din niya iyon sa gilid nang deck, plano ko kaseng kantahan sila ni Enzo.

Nagsimulang magmartsa si Tricia kasabay si Sunny. Napatigin ako sa kanya na malake ang ngiti at medyo maluha-luha. Nag iwas agad ako dahil sobrang guilty ang nararamdaman ko. How could fate do this to them? baket si Enzo pa? nagsimula akong kumanta. Habang nag eexchange vows sila ay nagkatitigan kami ni Zion and then lumipat ang tinging niya kila Enzo. Kita ko ang malungkot na ngiti niya. They're all family to Zion, ngaun ay medyo naiintindihan ko na kung baket ganuon siya mag-alala para sa kanila, hindi lang para sa isa. Sana noon palang nakilala ko na sila, edi sana mas naintindihan ko why Zion is so attached to them. Para silang magkakapatid na isa para sa lahat at lahat para sa isa. Ang problema nang isa dala nang lahat. Nakaka-ingit ang samahan nila.

Nagsimula na ang party umiinom sila. Dahil preggy ako ay juice lang muna ang sa akin. Napansin kong nagsolo sila Tricia at Enzo na sinundan ni Zion.

"Nagseselos ka pa ba kay Tricia?" Napangiti ako sa tanong ni Maico sa akin. Nagpapasalamat ako at naging kaibigan ko si Maico, even if he is a jerk casanova, meron seryosong part si Maico na makikita mo pag napalapit ka sa kanya. Agad akong umiling at binatukan siya.

"Hindi na noh!"medyo natawa pa ako dahil napangiwi siya nang bahagya.

"Ang saket ah, wag mo akong paglihihan KS, baka magduda si Zion pag ako kamukha niyan." marahang sabi niya pero napayuko siya at ngumiti nang tipid. Kung kilala ko si Zion ay ganun din ako kay Maico.

Nagkwento si Maico about sa di nila pag kakasundo ni Zion. Ang totoo feeling ko outcast ako sa kanila dahil wala akong kaalam alam pero hindi ako naniniwala na kayang gawin iyon ni Maico. Nagpatuloy lang sila sa kasiyahan nang biglang tumunog ulet cellphone ko. Napakunot ulet ang noo ko dahil duon si kuya ulet. Ano ba ang nagyayari sa kanya? Binuksan ko ang mensahe niya.

From:kuya

-I don't know what will I do Shin. I'm sorry if I looked completely lost to you. I miss you Shin. Mahal na mahal kita.

Bigla nalang nagsikip ang dibdib ko dahil sa mensahe ni kuya. Ano ba talaga ang nagyayari sa kanya? Mahal na mahal ko din siya. Pero hindi ko na siya maintindihan. Mabilis kong itinago ang cellphone ko. Nandoon pa din si Zion kila Tricia, napansin ko ang pamumutla ni Enzo habang nakasandig ang ulo niya sa balikat ni Tricia.

Bigla nalang kaming natahimik nang may isa pang yatch na dumating. It was Sydney. Nagsigawan sila ni Enzo. Bahagya akong lumapit sa yatch dahil may naaninag ako na nagtatago sa likod nang deck. Nakasuot ito nang sumbrero habang humihitit nang sigarilyo. Maya-maya ay napatakip agad ako nang bibig ko.

"Kuya..."

--

How Can I fall?(COMPLETED)Where stories live. Discover now