chapter thirty one:

9.8K 219 4
                                    

Maaga akong nagising dahil may kung ano sa sikmura ko na hindi ko maintindihan. Nag-unat muna ako bago tumayo at lugo-lugo na pumunta sa cr dito sa kwarto ko. Dinampot ko ang facial wash na ginagamit ko sa pang araw-araw. Marahan ko itong binuksan pero nang naamoy ko ito ay agad na naman bumaligtad ang sikmura ko and this time tuluyan na akong nasuka. Siguro ay dahil nalilipasan ako nang gutom nitong mga nakaraang linggo, madami kaseng trabaho ngaun at maraming pasyente ang inaasikaso ko.

Nagpalit ako nang damit at dumiretso sa dinning namen dahil nakaramdam ako nang gutom. Pagbaba ko palang ay nakita ko si mommy na nagluluto nang sinangag. Nang naamoy ko palang ang bawang ay agad na naman bumaligtad ang sikmura ko.

"Ayos ka lang anak?" tanong sa akin ni mommy.

"Ok lang ako mom." marahang sagot ko. Pinipigilan kong tumayo dahil medyo nanlalata pa ako.

"Sigurado ka? namumutla ka." sagot niya habang nakatitig nang seryoso sa akin.

Inihain ni mommy ang pagkain sa lamesa kaya lalong bumaliktad ang sikmura ko nang nailapag na niya ang sinangag. Agaran akong tumayo at mabilis na nagtungo sa banyo malapit sa dinning namen. Pag katapos kong ilabas lahat nang katas nang sikmura ko ay napaupo ako sa bowl nang cr.

"Kenneth Shane, lets eat." sabi sa akin ni mommy paglabas ko nang cr. Tumango ako at mabilis na naupo sa pwesto ko.

"I'm here!" natigil kami sa pagkain nang biglang dumating ang kapatid ni mommy na si tita Lisa galing Davao. Mabilis lumapit sa amin si tita at umupo sa bakanteng upuan.

"Nasaan si Troy?" tanong niya.

"Hindi ko nga alam ate, madalas inuumaga ang bata na iyon at palaging lasing." sagot ni mommy kaya napatingin ako sa kanya.

"May problema ba si Troy Kenneth Shane?" tanong ni mommy. Umiling ang ako bilang sagot. Ano naman ba ang nagyayari kay kuya? he's always pre occupied these past days kaya hindi ko na nakakausap, namimis ko na nga siya eh. Nagkibit balikat lang ako sa tanong ni mommy.

"Nako, Kenneth Shane, ang ganda mo lalo ngaun, mabuti at hindi kapa nabubuntis iha?" sabi sa akin ni tita Lisa kaya naibuga ko ang juice na iniinom ko. Literal.

"Ate, ano ba naman yang tanong mo sa anak ko? ofcourse hindi pa, kailangan ikasal muna siya." sagot ni mommy at dahil duon ay lalo akong inihit nang ubo. Tumayo si mommy at hinimas ang likod ko. Ngumiti ako sa kanila at nag paalam na magpapahinga muna ako.

"Shit!"nanginginig akong napa upo sa kama ko. Buntis?paulit ulit yun gumulo sa utak ko. Actually delayed na ako for two weeks at may mga kakaiba akong nararamdaman. Naisip ko pa ang sabi ni mmmy kailangan kasal muna? Well, technically, kasal na naman ako, yun nga lang, ako lang ang may alam. Napailing ako sa iniisip ko hindi naman siguro. Pero kung buntis man ako, magbibigti na ako mamaya.

Nang maghahapon na ay medyo gumaan ang pakiramdam ko. Nag ayos ako nang kaonti dahil naiinip din ako. Kinuha ko ang susi nang sasakyan ko at mabilis nagdrive papuntang Flavours. Ang weird ko ngaun nag ke-crave kase ako sa Avocado icecream kaya doon ko naisip pumunta.

"Oh iha, mabuti at napadaan ka, Zion is here.." bati sa akin nang mommy ni Tricia. Malaki ang ngiti ko na lumapit sa kanya at humalik sa pisngi.

"Gusto ko po kase nang Avocado icecream." nahihiyang sagot ko. Tumango naman si tita at mabilis ako kinuha nang gusto ko. Umupo ako sa bakanteng upuan malapit sa pinto.

"Kenneth Shane.." napalingon ako kay Zion na may hawak na papel ngaun at may nakaimpit na lapis sa tainga niya. Nakasuot siya nang salamin na nakadagdag nang kagwapuhan niya.

"What are you doing here?" walang ganang sagot ko. Bigla naman siyang naupo sa katapat kong upuan at nakakunot noo akong tinignan. Ewan ko ba, medyo nairita kase ako pagnakikita ko siya.

Sinabi niya sa akin na pina rerenovate daw ni tita ang Flavours. Kaya siya nandito para ipakita at planuhin ang designs. Iniaabot sa akin nang isa sa tauhan sa shop ang ice cream na kanina ko pa hinihintay, si Zion ay nakatitig lang sa akin habang kumakaen ako nang manggang hilaw na nabili ko kanina sa daan. Isang sasaw sa icecream tapos subo nang mangga.

"Gusto mo pa?" sabi ni Zion habang nakangiti na nakatingin sa akin. Nagningning ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Mabilis siyang lumabas at ilang saglit lang ay may dala ulet siyang manggang hilaw.

Nilantakan ko agad ang binili niyang mangga kaya naman lalo siyang natawa.

"Feeling better?" tanong niya. Napatingin naman ako sa kanya dahil duon. Ang weird niya.

"Oo?" patanong na sagot ko dahil nagtataka ako sa ikinikilos niya.

Tumayo ako para kumuha ulet nang ice cream dahil pakirdam ko ay gusto ko pa. Mga ilang hakbang palang ang nagagawa ko nang naramdaman ko na naman ang pagbaligtad nang sikmura ko. Nagmamadali akong tumungo sa cr dahil nasusuka na naman ako. What's is wrong with my stomach? Halos lahat nang kinain ko ay nailabas ko na naman. Bigla nalang bumukas ang pinto at narininig ang boses ni Zion at tita Connie.

"Is she ok Zi?" narinig kong sabi nang mommy ni Tricia may halong pag aalala ang tono niya.

"She's fine tita." sagot naman ni Zion.

"Baka masama pakiramdam niya, lets take her to the hospital."sabi naman ni Tita Connie. Marahang humalakhak si Zion sa sinabi n tita Connie.

"If you say so, alam mo naman ang nangayari sa kanya last time na kumaen yan nang icecream dito." natatawang sagot ni tita  kaya medyo napangiwi ako. I remembered that day.

Naramdaman ko na nakaalis na si tita kaya naman lumabas na ako sa cubicle. Dahan-dahan akong naglakad dahil sa panglalata dala na din nang pagsusuka ko. Lumapit ako sa sink at mabilis na naghilamos.

"Palagi kabang ganyan?" tanong ni Zion. Agad naman akong humarap sa kanya at kinunot ang noo ko.

"What do mean?"sabi ko.

"C'mon mallows, nasa medical fields ka, nurse ka pa, you know what I mean." seryosong sabi niya. Ang mga mata niya ay nakatingin pa din sa akin.
Siguro nga alam ko kung baket ako ganito pero nasa denial stage pa din ako. Ano nalang ang sasabihin ko sa magulang ko? Hindi pwede. Hindi dahil ayaw ko, pero mali pa din ito. At isa pa, I don't know what will Zion feel about it, ayokong pakisamahan niya ako dahil dito, kung buntis nga ako.

Nagulat ako nang may inilabas si Zion sa bulsa niya na hugis parihaba at kulay puting maliit na plastic.

"Here." agad niyang inabot sa akin iyon. Ilang minuto ko muna itong tinitigan. Medyo nanginig pa ang kamay ko nang abutin ko ito. Pumasok ulet ako sa isa sa mga cubicle at mabilis umupo sa bowl. Kumuha pa nga ako nang tabo para masahod ang urine ko. Nang naka ihi na ako ay kinuha ko ang maliit na plastic na parang gota para masipsip ito. Nang matapos iyon ay kinuha ko ang maliit na parihaba at nanginig ipinatak ang urine ko doon.

Ilang saglit akong nagpigil nang hininga habang tulalang nakatingin sa magiging resulta. Halo-halong emosyon ang nadadama ko ngaun, masaya ako kung buntis man talaga ako, pero natatakot ako. I don't want to dissapoint my parents most specially si mommy. Ilang minuto ang lumipas at lumabas ang isang linya kasunod ay isa pang linya na unti-unting lumilinaw. Agad akong napangiti kasabay nang pagtulo nang luha ko. Lumabas ako at naabutan si Zion na nakatingin sa mga papeles ma hawak niya. Agad siyang ngumiti at lumapit sa akin.

"I bet positive.." may kumpyansang sabi niya. Makikita mo ang pagningning ng mga mata niya. Lutang na lutang ako sa mga oras na ito. Ini abot ko sa kanya ang pregnancy kit, ni hindi ko na natanong kung baket meron siya nito. Agad lumawak ang ngiti niya at halos madurog ang katawan ko nang yakapin niya ako nang sobrang higpit. Hinalikan niya ang noo ko, ang tungki nang ilong ko, at labi ko. Wala pa din akong madama dahil sa kaba na nararamdaman ko. Bumitaw siya sa akin at unti-unting nawala ang ngiti niya.

"What's wrong?" Seryosong sabi niya habang titig na titig sa akin. Hindi ko alam pero dahan-dahan akong napa-upo sa sahig.

"Mali ito Zion e, Hindi pa pwede." Humagulgol na ako nang iyak. Napabagsak agad ang balikat ni Zion dahil sa sinabi ko. Dahan-dahan siyang tumayo at nagsimulang maglakad palabas, pero bago siya lumabas ay nagsalita siya. Kitang kita ko ang sakit sa mga mata niya sa bawat salitang binitawan niya.

"Kahit kailan hindi ka naging mali sa akin Kenneth Shane, Kung hindi ka handa sana hindi ka pumayag, for fuck sake! anak ko yang dinadala mo!"

---

This chap is dedicated to @icheeichee #teamtabo

How Can I fall?(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon