chapter nineteen:

9.3K 191 2
                                    

----

It's been two weeks since I'm not a Villarama anymore. Ang sarap na isipin na ako na si Mrs.Mercado. Tsk! yup ! you heard me right, kasal na kami ni Zion. I don't know kung paano niya ako napapayag pero eto na. Natatandaan ko pa yung araw na yun.

"Papakasalan kita!"

Hindi agad nagproseso iyon sa utak ko dahil nabigla ako, tsaka baliw ba siya?hindi pa nga niya alam kung ano ang nararamdaman niya sa akin gumaganon na siya.

"You're joking right?"natatawang sabi ko. Siguro ginu-good time pang ako nito. Diretso pa din sa kalsada ang tingin niya. Huminto siya nang nag red ang stop light.

"Do I look like joking Kenneth Shane?"

Tinignan ko siya mabuti, walang bahid nang anu mang biro ang mukha niya. Agad akong kinabahan sa expresyon na pinapakita niya.

"Hindi magandang biro yan Drake, what makes you think na papayag ako?"

Bumalik ang tingin niya sa kalasada at muling pinatakbo ang sasakyan nang nag green ang stop light. Marahan siyang tumungin sa akin pero seryoso ang kanyang mukha.

"You said you love me and you trust me?" tanong niya kaya naptango ako.Totoo naman talaga na sinabi ko iyon, but I'm not ready for this, he didn't even know his real feelings, paano naman ang lola niyo pag nangyari yon.

"But you don't love me." mahinang bulong ko. Kung tutuusin wala naman talagang masama dahil nasa legal na edad na kami. Ang masama ako lang ang nagcommit sa kanya.

"Who says?"

"You!"

"I never said that I love you, but I didn't say I don't either."

"So what's the point of getting married?"

"To assure you and me will end up together."

Oo na tanga na kung tanga, pabor din naman sakin iyon. Mag work kaya itong pinasok namen? actually ganun pa din naman, we do our things like normal, our marriage is a big secret. Nagulat nga ako when he admitted na inayos niyo ito year ago, kung baket niya ginawa yun hindi ko din alam. Nakatulong din na may mayor na tito si Drake. He told us that our secrete is safe, so kampante ako. Handa akong sumugal kahit kalayaan ko makuha ko lang siya masabi niya lang na mahal niya din ako.

Bigla akong nagulat nang tumunog ang cellphone ko, mabilis ko itong dinampot at tinignan.

From:Mallows

-Be ready.. I'm on my way.

Napairap naman ako sa sinabi niya, he's so bossy as always. And that mallow thing na tawag ko sa kanya? wala na siyang magawa. Nung una nga naiinis siya kase ma-keso daw pero sa huli ako pa din nanalo, abuso naman siya kung hindi pa siya papayag noh.

Nagbihis ako nang kulay dilaw na dress at flats, ipinusod ko ang buhok ko at naglagay nang konting blush on at lip gloss. Ewan ko ba kung saan na naman niya ako dadalhin. Simula kase nang ikasal kami palage na niya ako hinahatid at sundo sa work ko, minsan nga nagtataka na si Cristine and kept asking me kung baket ginagawa sakin ni Zion iyon. And the conclusion she had made is boyfriend ko si Zion. Kung alam lang niya ang totoo ay baka hindi na siya makarecover.

"Shin! nandito si Zion." sigaw ni mommy. Mabilis akong tumingin sa salamin para makita ko ang mukha ko, nang ok na ako ay mabilis akong bumaba.

Nakangiti ako habang papalapit sa kanya.Tahimik lang siya at nakatitig sa akin. Ang gwapo niya talaga sa suot niya ngaung simpleng white shirt at khaki pants idagdag mu pa ang magulo niyang buhok.

Napasinghap ako nang bigla niyang pagsiklupin ang mga daliri namen habang papunta sa sasakyan niya. Ramdam ko na naman ang pag-iinit nang pisngi ko at di mapigilang mapatingin sa kanya at mapangiti. Diretso lang siyang nakatingin sa daan na parang kampante na nakahawak sa kamay ko. Hindi niya lang alam na para na akong mahihimatay sa kaba at kilig na nadadama ko. Iba si Zion ngaun naging mas malambing at maalaga siya though, hindi pa din niya sinasabi kung ano ba talaga ang nararamdaman niya.

"Saan mo naman ako dadalin ngaun?" tanong ko habang namimili nang kanta sa cellphone niya. Nang nakapili ako ay bahagya kong sinabayan ang kanta. Si Zion ay diretso pa din ang tingin sa kalsada. Napansin kong paliko siya sa bagong mall ni Enzo na siya ang Engineer.

"So you want us to date, huh?"sabi ko.

Natawa siya nang bahagya. Marahan niyang ibinaling ang sasakyan niya para makapagpark. He's not answering me.

"Ano nga?" this time medyo may bahid na nang pagkairita ang boses ko. Nang makahanap siya nang parking ay mabilis siyang pumwesto at pinatay ang sasakyan.

"Let's go.." aya niya sa akin. Sumunod nalang ako kahit hindi ko alam ang gagawin namen. Bahagya ko siyang hinila para matigil siya. Ang bilis naman kase maglakad.

"San nga tayo!" parang batang maktol ko.

"Ribbon cutting nang Chocolate and Berries." kalmadong sabi niya. Ok sabi niya eh, kahit di ko alam kung ano sinasabi niya ay oo nalang ako.

Pumasok kami sa mall nang magkahawak pa din ang kamay. Maya-maya ay nakita ko si Maico na papalapit sa amin kasama si Enzo. Agad akong natigilan nang makita ko s Sunny at Tricia na nakapang chef uniform ang suot. Malaki ang ngiti nila sa dami nang tao dun sa shop. Agad akong napatingin kay Zion na ngaun naman ay nakatingin sa shop or kay Tricia, I'm not sure. Parang nanghina ang katawan ko sa mga nangyayari. I didn't expect na dito niya ako dadalin.

"You're kinda late, love birds." pabirong sabi ni Maico. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako or ano dahil ngaun naiinis ako.

"Sorry for that. Kaninong shop yun Maico?" hindi ko napigilang itanong.

"It's Tricia and Sunny." nakangiting sagot niya.

****

I know sabaw medyo mahirap na kase siya.Sinasabay ko na ang pangyayari sa book 1 at 2 nang sa please love me at please take me again. So far sa book 1 patapos na nang lumabas si Kenneth Shane. Kaya eto mahaba pa ang lalakbayin nito may epilogue na nga ako sa utak ko eh hahaha kaso kayanin ko kaya iraos ang dugtong dugtong na kwento na ito?hahaha

Ciao!

How Can I fall?(COMPLETED)Where stories live. Discover now