chapter seventeen:

9.4K 257 10
                                    


"Where. The. Hell. Are. You !!"

Halos mabingi ako sa pagsigaw ni Cristine sa kabilang linya. Galit na galit at bigla daw akong nawala. Mabilis kong inilayo ang cellphone ko sa aking tainga at baka mabangga pa ko sa ingay niya.

"Okay, love you too, Tin!" sagot ko habang nakasigaw dahil nakalayo sa akin ang cellphone ko. Mabilis akong napabuntong hininga nang nakita ko na ang makulay na Ice cream parlour nila Tricia. Abo't ang hinga ko lalo na nang nakita ko ang sasakyan niya. Ganoon pa din ito, hindi nagbago. Naging matunog ang pangalan niya sa industria na tinahak niya. Alam ko na ang biggest break niya ngaun ay ang isa sa mga mall nang mga Martinez na siya ang may hawak. Malake na ang napatunayan niya pero until now mag-isa pa din siya. Alam ko din sa loob nang dalawang taon na hindi kami nagkita ay patuloy pa din ang pagpunta niya kay Tricia every summer. I don't know what's their real score, pero, alam kong hindi sila. Why do I know? Hello! what's the used of Facebook and IG? Hindi naman ako tumigil i-istalk siya. Mahal ko nga diba?

Dinampot ko ang cellphone ko para i-text si Maico.

To:Maico

-I'm at the parking.. What to do now?

Pag kasend ko nang mensahe ay bahagya akong nag-ayos, mabuti nalang at may dala akong scarf. Pina-ikot ko ito sa aking leeg. Perfect. Habang naglalagay ako nang lip gloss ay biglang tumunog ang cellphone ko..

From:Maico

-Baba ka sa kotse mo, tapos maglakad ka at pumasok dito.

Napairap ako bigla. Sira-ulo talaga! hindi ko alam kung ginagago ba ako nito oh ano. Ang tinong kausap e. What to do now? tutuloy ba ako o tutuloy? miss ko na siya eh. Oo tanga na kung tanga pati pride ko nga linunok ko na. Mahal ko eh.

"Kaya mo yan Kenneth Shane." Huminga ako nang malalim at bahagyang hinamapas ang dibdib ko. Kalma lang muna. Nang medyo maayos na ako ay bumababa ako nang kotse ko. Bahagya akong nanalamin at inayos ang scarf ko. Dahan -dahan akong humakbang hanggang natigil ako sa tapat nang Flavours. Dahil glass wall ito kitang-kita ko sila sa luob. Si Sunny at Tricia na busy sa pag kukwentuhan. Si Tita Connie, si Maico na may katawagan sa cellphone. At siya, si Zion na tahimik lang na nakatingin sa labas na akala mo'y may iniisip.

"Excuse me.." natauhan ako nang may babaeng nagsalita. Ngaun ko lang napansin na nakaharang pala ako sa entrance nang shop. Mabilis binuksan nang babae ang pinto kaya sumunod ako. Nang nakapasok ako ay nakita ko ang pag-ngisi sa akin ni Maico. Bigla akong napairap kaya natawa siya dahilan para mapatingin sa akin si Sunny at Tricia. Hindi ko alam kung yuyuko ako or tatakbo. Si Sunny ay nakatingin sa akin nang diretso habang si Tricia ay nagtatakha ang mukha. I need to go. Pero hindi ko manlang nasilayan si Zion dahil nakatalikod siya. I can't help it, so sumigaw ako.

"Drake!!"

Biglang natauhan si Zion sa ginawa ko. Bumaling siya bigla at nanlake ang mata niya halata ang pagkagulat. Akmang tatayo na siya nang tumakbo ako palabas. Nag mamadali akong tumakbo papunta sa pinag parkingan ko nang sasakyan. Humihingal akong huminto sa tapat nito. Bubuksan ko na sana ito nang bigla akong nanigas dahil may yumakap sa likod ko. Alam ko siya iyon. Ito man ang kauna-unahang beses na niyakap niya ako pero may ibang pakiramdam na nabuhay sa katawan ko. Ilang saglit kaming nasa ganuong posisyon nang bigla niya akong pinaharap sa kanya. Ilang saglit ay nag-angat ako nang tingin.Kitang kita ko ang bahagyang pagpula nang mukha niya at pagning-ning nang mga mata. Bahagya siyang napangisi kaya napangiti ako, namiss ko siya, yung tipid na ngiti nya na gustong gusto ko. Yung pagsusuplado niya. Lahat lahat sa kanya.

"You came.." malumay na sabi niya habang titig na titig sa akin. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"You know I'm coming?" takang tanong ko. Bahagya siyang tumawa at tumango.Kainis! kaya pala ganun magsalita si Maico e, he's so confident na haharapin ako ni Zion ngaun.

"Yes!I asked Maico na papuntahin ka. I'm glad you made it."

Biglang nawala ang ngiti ko. Hindi ko alam kung baket iba ang dating sa akin. Dahil ba tumigil na ako maghabol kaya siya naman ang lumalapet? does he want me to chase him again?

"What the hell is wrong with you?" nangagalaiting sagot ko. Naalala ko pala kaya ko siya hinahabol para sa closure na hinahanap ko alam kong walang titolo kung anu man meron kame pero kailangan ko ito, to move on.

Nakita ko ang pagkagulat niya sa sinabi ko. Ang kaninang ngiti niya ay biglang nawala.Tahimik lang siya na para bang hinihintay ang sunod kong sasabihin.

"Nung hinahabol kita lumalayo ka, ngaun tumigil ako lumalapit ka? Ano ba talaga? Alam kong alam mong mahal kita, pero Zion naman, tao lang ako. Naintindihan kita nung iniwanan mo ako. I tried my very best para ibalik sa normal ang sarili ko, but I failed. Kase bawat araw ikaw pa din ang hinahanap ko. But I know when to stop. I came here para humingi nang closure. Anu ba naramdaman mo nung magkasa tayo dati? or meron ba?"

Diretsong sabi ko. Bahagya akong huminto dahil naubos yata ang hangin sa katawan ko sa dami nang sinabi ko. Hindi siya kumibo. Nakakatitig lang siya sa akin pero ang daming emosyon ngaun nang mga mata niya. Hindi ko mabasa iyon. Lalong nag-alab ang galet ko so I slapped him. Hindi siya natinag.

"What now? you hurt me and still hurting me.You leave me hanging Drake e, just this once give me closure para makapagmove-on na ako seyo." nanghihinang sabi ko hanggang tumulo na ang luha ko. Akala ko ubos na ang luha ko para sa kanya. Now I know hindi pala, pagdating sa kanya unlimited ang luha ko at unlimited ang katangahan ko.

"Pl-"

Hindi ko pa natutuloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong siniil nang halik. Dug! Dug! Sa sobrang gulat ko ay pakiramdam ko ay lalabas ang puso ko sa sobrang bilis nang tibok. Lahat nang galet ko kanina ay nawala bigla . Just one kissed?

"Para san naman yun?"sabi ko sa kanya sabay tulak. No! this is not right. Ayan na naman siya e, paparamdam na naman niya na may something siya seyo pero pag hulog na hulog kana ay bibitawan na naman ako.

"Para tumigil ka."sabi niya. Unti-unti naman sumilay ang ngiti niya.

Nagwalk out ako bigla dahil duon. Is that his answer? tumigil na ako? bigla siyang sumunod at hinablot ang braso ko.

"Tigin ko hindi mo naintindihan. I kissed you to stop you from nagging, ang ingay mo e." medyo iritableng sabi niya.

"Just stay Kenneth Shane, and I don't want you to move on."

How Can I fall?(COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora