chapter twenty:

9.8K 226 4
                                    

Napatingin ako kay Zion. Agad siyang nag-iwas nang tingin, the jerky Zion is back on track. Baket naman niya naispan na dalin ako dito? alam naman niya kung gaano ako naiilang pagkaharap ko si Tricia, and gosh! her bitchy friend Sunny is here also. Oh great! Bumalik na si Maico sa shop nang tinawag siya si Sunny.

"Lets go!"mabilis niyang hinawakan ang kamay ko pero agad ko itong binawi dahil naiinis ako. Halata ang pagkairita sa mukha niya sa ginawa ko kaya naman pinakita ko din sa kanya ang pagkainis ko.

"Baket hindi mo sinabi na dito mo ako dadalhin?" may halong tampo na sabi ko. Lumayo kami nang kaonti dahil sa dami nang tao na papasok duon.

"Coz' I don't know how you will react." malumay na sabi niya. Ang malamlam niyang mata ay nakatitig sa akin na parang nagsasabi na pagbigyan ko na siya. "And you reacted just like the old times." natatawang sabi niya.

Obvious ba masyado na ayaw ko siya makaharap? alam ba niya na na iinsecure ako kay Tricia?

"And what you did was just like the old times." pairap na sabi ko na ikinahagikgik niya. "insensitive!" Pabulong kong sabi pero narinig pa niya. Muli niyang pinagsiklop ang mga daliri namen, hindi ko alam kung baket pero ayoko na makita kami nila nang ganito. Hindi sa nahihiya ako. Of course I love it, siguro naiilang lang ako. I know Zion has a thing for her, I'm not even sure nga kung hanggang ngaun.

"I'm not Kenneth Shane, I just want you to be friends with them, give it a shot, wala naman mawawala diba? mabaet si Tricia and Sunny." seryosong sabi niya. Mabaet si Sunny? I doubt it, the last time I checked she's bitching me and I can never forget the first person who called me whore..

"Kailangan pa ba noon?" sabi ko.

"Oo naman, parte na sila nang buhay ko, kahit ano mangyari hindi na sila mawawala sa pagkatao ko." seryosong sabi niya.

"You're now my wife." Napahinto siya nang sinabi niya iyon na parang nagiisip nang tamang sasabihin. "Technically.." pahabol niya. Ok na sana eh, kinilig na ako kaso biglang bawi. Bwiset naman. "Kaylangan tanggapin at yakapin mo ang mundo ko kase ganoon din ang gagawin ko, yayakapin ko ang mundo mo, pati mga flaws mo completely accepted." nangingiting sabi niya sabay kindat pero hindi ko pa din maalis sa sistema ko ang kaba. What if bitch din Tricia? paano kung ayaw nila sa akin?

"So pwede na tayo pumasok?" tanong niya na lalong nagpakaba sa akin. "don't worry mallows, I'm here ok?" Hindi ako napatango dahil sa sinabi niya napatango ako dahil first time niya ako tinawag na mallows. Baliw na kung baliw, tiwala naman ako na nanjan lang siya at alam ko naman na hindi niya ako papabayaan.

Pag pasok namen ay pumunta agad si Zion sa table na naka reserved sa amin. Inalalayan niya akong maupo habang ako naman ay hindi makaimik dahil sa pagtitig na binibigay ni Enzo at Maico sa kamay namin ni Zion na ngaun ay magkahawak pa din. Nang napansin ko iyon ay bigla ko itong binawi na ikinatawa naman ni Maico.

"Chill KS, I know your secret." natatawang sabi niya. Agad ko siyang kinurot sa tagiliran kaya medyo napasigaw siya. Nagbaba ako nang tingin dahil nakuha namen dalawa ang attensyon nang mga tao sa loob. Napabaling ako kay Enzo na ngaun ay nakatingin sa akin at nakakunot ang noo. God! ang gwapo din niya just like Zion. Pero syempre kay mallows pa din ako noh. Loyal kaya ako.

"Sister ka ni Troy diba?" napabaling ulit ang tingin ko kay Enzo nang nagsalita siya. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o magsasalita kaya napatango nalang ako.

Paunti na ang tao sa shop dahil pasara na din ang mall. Si Zion ay tumutulong kila Tricia at Sunny to assist other costumer. I smiled bitterly. Sinabi niya na he wants us to end up together at yakapin ko ang mundo niya. Pero sa nakikita ko gusto ko man yakapin ang mundo niya, nandito pa din sa sarili ko ang insecurities para sa mga tong mahal niya. Natauhan ako nang isang malaking buntong hininga ang pinakawalan ni Enzo habang nakatingin sa gawi ni Zion at Tricia na ngaun ay nagtatawanan. Nag iwas ako agad nang tingin dahil hindi ko kaya.

"Party time! first day palang boom na ang shop nila honeybunch!" tawa-tawang sabi ni Maico habang palapit sa table namen may dala siyang wine at mga wine glass. Nakasunod naman si Sunny sa kanya na madaming dalang sweets. Hindi ko naiwasan na nagtama bigla ang paningin namen. At first nakatitig lang ako at ganon rin siya, pero nang tumagal ay bigla siyang ngumiti at mabilis na nilapag ang sweets na dala niya sa table. "Hi!" ramdam ko ang pagkailang sa boses niya, ngumiti lang din ako sa kanya.

Nakaupo ako ngaun sa tabi ni Enzo,si Maico at Sunny ay nakaupo naman sa tapat namen dalawa.Narinig ko ang boses ni Tricia na papalapit na, ang tanging bakanteng upuan na lamang ay sa gilid ko at sa gilid ni Enzo. Mabilis nakarating si Tricia sa katabing upuan ko pero naunahan siya ni Zion maupo.

"I hate you Zi." mariing sabi ni Tricia na ngaun ay nagmamartsa papunta sa bakanteng upuan na katabi ni Enzo. Awkward silence. Nagsimula nang magingay si Maico para mabasag ang katahimikan.

"Such a bad guy Zion.. would you introduce that pretty lady beside you." cute na sabi ni Tricia. Nakita ko ang bahagyang pagpula nang pisngi ni Zion dahilan para mapangiti ako sa isip ko.

"Yah, sorry, she's is Kenneth Shane." mahinang sabi ni Zion na parang nahihiya. Rinig ko pa ang pagtukso sa amin dalawa. Mahihinang mura ang pinakawalan ni Zion at pulang pula ang mukha.

"Is she a friend to you Zion?" Biglang sambit ni Enzo kaya natahimik kaming lahat at nakamata sa kanya. O god don't answer Drake. Nagtitigan sila ni Enzo na akala mo ay may kuryenteng dumadaloy sa pagitan nila. Tumingin ulet sa akin si Zion at muling hinawakan ang aking kamay sabay nag-igting ang kanyang panga. Dinig na dinig ko ang pagsinghap nila at pagsasalita ni Sunny. "O my god!" then halos maghabol ako nang hininga habong hinihintay ang sagot ni Zion.

"No, she's my girlfriend."

How Can I fall?(COMPLETED)Where stories live. Discover now