chapter twenty eight:

9.9K 222 4
                                    

"Sample naman dude.." sabi ni Maico kay kuya Troy. Nandito kami ngaun sa Bataan isa sa resort ni Enzo, nagkaayaan sila kaya ayun kasama kami. Pinilit lang naman talaga ako ni Sunny na sumama, ang totoo ayoko talaga. Hanggang ngaun ay nagkakainisan pa din kami ni Zion, though everyone thinks na napakapeaceful namen dalawa. Akala lang nila yon'. Kanina nga nung nasa van kami pilit niya akong hinaharot pero hindi ko siya pinapansin. Ang pabebe naman kase. Pilitin ba naman akong lumayo kay Tristan eh wala naman ginagawang masama yung tao. Eh kung siya kaya ang pilitin kong layuan si Tricia tignan ko lang kng magawa niya.

"Marunong ka palang mag-gitara.." narinig kong sabi ni Tricia kay kuya. Ang kuya naman ay parang tangang nagningning ang mga mata. Agad akong lumakad para makalapit sa kanila. They need to be distracted, alam ko ang feelings ni kuya at ayoko siyang umasa.

Lumapit ako sa kanila nang nakangiti. Nanlake ang mata ni Kuya na parang sinasabi na umalis ako at nakakaistorbo ako sa kanila. Napansin ko naman ang paninitig ni Zion at umupo sa tabi ni Sunny at Maico, break na kase sila kung baket? nasa Please take me again ang dahilan natatamad na si author na ikwento kaya pag may time pakibasa nalang. Hahaha!

"Hindi lang siya marunong mag gitara, marunong din siyang kumanta."

Nagsimula na si kuya mag gitara. Si Tricia ay napansin kong nakatulala at parang may hinahanap, actually bigla nalang kasing nawala si Enzo at hanggang ngaun ay wala pa. Sa side vision ko naman ay tinitignan ko kung ano ang ginagawa o saan nakatuon ang pansin ni Zion. Nakakainis siya promise! hindi manlang mageffort na mag kaayos kami, simula nang hindi ko siya pansinin kanina ay hindi niya na din ako pinansin. Edi wow! Nang kumakanta si kuya ay napatingin na ako kay Zion, nagulat nga ako nang paglingon ko ay nakatingin siya mabuti kay kuya at lilipat kay Tricia, seryosong seryoso ang mukha niya at hindi ko mabasa ang nasa isip niya. I smiled bitterly habang nakatitig sa kanya. Nakakaramdam ba siya about kuya's feeling kaya ganyan siya? nagseselos ba siya? Bigla nalang akong sumingit kay kuya kumanta kaya napatigil siya kumanta itinuloy niya lang ang pag gigitara.

At kahit mahal mo siya, wala na kong

magagawa, tanggap ko na aking sinta,

pangarap lang kita..


Habang binibigkas ko ang huling stanza nang kanta ay nakatitig lang ako sa kanya. Totoo naman hanggang pangarap lang kita Zion. Nakatitig din siya pero agad nag iwas nag tingin.

Nagulat kaming lahat kay Tricia nang biglang tumayo at hahanapin daw si Enzo.

Nagpatuloy kaming mag barbeque dito. Sunny is nagging about sa pangungulit ni Maico sa kanya. Pumusisyon ako paharap sa dagat at malamlam na tinitigan ito. Agad akong napayakap sa sarili ko dahil sa ihip nang hangin. Ang sarap sana dito kung ang taong mahal mo ang makakasama mo. Kaso hindi eh, kasama ko man ang taong mahal ko pero hindi naman yata ako ang gusto niyang makasama. Naramdaman ko na may umupo sa tabi ko kaya agad akong napaayos.

"Are you still mad?" sabi ni Zion habang kumuha nang isang saklop na buhangin at nilaro ito sa mga kamay niya.

"I'm not mad Zion." maikling sagot ko. Hindi naman talaga ako galit, ewan ko ba, pakiramdam ko kase naawa ako para sa sarili ko. Naramdam ko ang bahagyang paglapit niya kaya naman nagkadikit ang aming mga balat. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakaramdam nun parang kuryente na dumaloy sa akin nung nagdikit ang aming balat sabay kase kaming napasinghap.

"Baket hindi mo ako kinakausap?"

"You should asked yourself why.." pagkasabi ko noon ay agad kong tumayo para lumapit kay Sunny.

"Ok lang kayo?" agad na sabi sa akin ni Sunny pagkalapit ko. Bahagya lang akong ngumiti at lumapit sa kanya para tulungan siya.

"Ako ba honeybunch hindi mo tatanungin kung okay ako?" pagsingit ni Maico kaya naman medyo natawa ako, ang cute kase ni Maico dahil sa bahagyang pagpula nag kanyang pisngi at tenga dala nang pag inom niya.

How Can I fall?(COMPLETED)Where stories live. Discover now