chapter twenty one:

9.2K 196 9
                                    

"Shin, punta kang operating room,  hinahanap ko nang mommy mo.."sabi ni Tessa, isa sa mga nurse namen dito.

"Ok sige, thank you." nakangiting sabi ko at naglakad patungo sa lift. Pinindot ko ang floor number seven dahil nandoon ang operating room. Nangigiti ako habang sinasabayan ang kanta sa cellphone. Marahang bumukas ang lift at agad akong lumabas.

"Good evening, Shin!" nakangiting bati ni Tristan, isa siya sa mga nurse sa ospital na ito. Napangiwi ako nang kaonti pero nginitian ko siya. Everyone here is calling me Shin. Thanks to my mom na ayaw paawat. Lumiko ako sa kanan at tumapat sa malaking pinto. Nagpagpag ako nang kaonti bago sana pumasok. Hinawakan ko na ang knob nang pinto nang biglang nagring ang cellphone ko. Si Zion, baket siya tumatawag nang ganitong oras? it's already 11 pm,  and besides he knows na may duty ako ngaun. Ano problema? binitawan ko ang pinto at lumayo nang ka onti.

"hey.." sabi niya pagkasagot na pagkasagot ko. Malungkot at mahina ang boses niya. Agad akong nag-alala. What's wrong?

"Ayos ka lang?" mahinang sabi ko. Narinig ko ang marahang paghinga niya sa kabilang linya. There's something wrong on him. Zion never call pag alam niyang may duty ako.

"Drake what happened? hey.." pagsasalita ko ulet.

"Can you come over?" mahina at malungkot na sabi niya.

Hindi na ako nagdalawang isip at nagmadali akong bumaba papuntang parking. Hindi ko na inintindi na kailangan ako ngaun sa operating room. I asked Tessa na palitan muna ako dahil may emergency lang.

Halos paliparin ko ang sasakyan ko mapuntahan lang si Zion sa condo niya. Maya-maya lang ay natatanaw ko na ang building kung nasaan ang unit niya. Mabuti nalang at gabi dahil walang traffic. Agad akong bumaba nang sasakyan ko at mabilis na sumakay nang lift papuntang 16th floor kung nasan nandoon ang unit niya. Nang nakarating ako ay mabilis kong kinuha ang duplicate card ko na binigay niya. Wag niyo akong husgahan, in case of emergency lang use ito.Ok?

Pagbukas ko nang pinto ay gumulat sa akin ang miserableng Zion na nakaupo sa carpet sa may living room habang madaming bote nang alak siyang katabi. Nanghina ako bigla sa nakikita ko. He looked devastated.

Agad akong lumapit sa kanya dahil mukhang hindi niya ako napansin. Umupo ako para magpantay ang aming mukha. Agad umangat ang ulo niya. I got stiffened at the moment sa nakita ko, he is crying.

"Drake what's wrong?"nanghihinang sabi ko. Ngumiti siya nang pagak at agad akong niyakap. Ilang sandali kami sa ganoong posisyon. Kumalas siya sa pagkakayakap at marahang pinusan ang luha niya. Dumampot siya nang isang baso para salinan nang alak pero mabilis ko itong hinablot.

" Stop it.. ano ba nangyari?" malumanay ngunit may diin na sabi ko. Nag iwas siya nang tingin.

"Enzo proposed to Tricia a while ago, they're engaged."

Ako naman ngaun ang natigilan nang magsalita siya. I shouldn't have asked him. Yung saket na nakikita ko sa kanya ngaun ay parang lumipat sa akin. Akala ko ok na siya? Baket ganito?

"K-Kaya ka umiiyak? akala ko ba tapos kana sa kanya?" hindi ko maiwasan pumiyok ang boses ko. Ang saket eh nagmadali akong puntahan siya dahil sa sobrang pagaa-lala then eto lang pala ang mapala ko? absorber nang pain na nararamdaman niya? Pero mahal ko eh, kahit nasasaktan ako pilit ko nalang siyang iintindihin. Kahit ang manhid niya at makasarili siya ok lang. Hindi ako mapapagod. "You know I love you Drake, pero baket mo sa akin sinasabi ito?" hindi maiwasan ang pagpatak nang luha ko at paet sa bawat salitang binibitawan ko. Akala ko ok na siya, akala ko ok kami pero baket ganito pa din siya? what's wrong with me?

"I'm sorry Kenneth Shane.." mabilis siyang lumapit at niyakap ako. Lalong bumuhos ang luha ko sa ginawa niya. Palagi naman siyang ganyan everytime na sasabihin kong mahal ko siya, it's either mag sosorry siya or magtha-thank you. Ang lupet diba? alam ko naman na pinapahalagahan niya ako pero hindi ko alam kung ano mismo ang nararamdaman niya until now. He's hurt.

"Y-you still love her.." pumipiyok na sabi ko. He tapped my head at ngumiti ang tipid.

"I do." maikling sagot niya na nagpakalabog sa puso ko, parang may maliit na karayom na unti-unti tumutusok dito. "But not in a romantic way, I admit I'm still hoping, but, hindi eh may iba, may nag bago."

Napakunot ang noo ko, ang gulo niya.

"Hindi kita maintindihan." bahagya siyang humagikgik.

"That's it. I was crying coz I'm a little bit hurt.Tanggap ko na at masaya ako. Hindi mo pa din matatanggal sa akin na masaktan ngaun. Pero ok na ako kase dumating ka. You're always there for me, I know I'am jerk for dragging you into this situation, I'm a fucking selfish asshole who's not even considering what will you feel about this." bahagya siyang huminto. "I'm sorry for being like this. To marry you even If I'm not really sure what I feel for you. But believe me Shin, as of now isa ka sa pinaka importanteng tao sa buhay ko. I never regret that I'd marry you, thank you Shin for the trust, starting now ikaw naman ang papahalagahan ko nang sobra-sobra just don't leave me."

Sa dami nang sinabi niya ay wala akong masabi. Yumakap lang ako sa kanya at ganoon din siya sa akin. Naramdaman ko ang pagbigat nang talukap nang mata ko. Sa ngaun pakiramdam ko ay ligtas ako sa bisig niya, though nasasaktan pa din ako. I may not be the Juliet for him right now but I assure him that he will always be my Romeo.

How Can I fall?(COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum