...

INIANGAT KO ANG aking cellphone na nasa aking palad dahil tumatawag si Lord K. Pinagmamasdan ko lang ito hanggang sa mawala ang pagba-vribate nito. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses ko na itong ginagawa habang pinagmamasdan sya sa malayo. Hayun sya sa kalayuan at panay ang pagtipa sa kanyang telepono para kontakin ako. Isang daang missed calls na yata sya pero dahil hindi ko magawang sagutin ang mga ito.

Just like some cliché stories, narito ako sa Cebu airport kung saan kami nakatakdang magtagpo.

Kanina pa ako nakatanaw sa kanya dalawang oras na ang nakakalipas. Ni minsan ay hindi sya umalis sa kanyang pwesto sa nakalipas na iyon. Tuloy lang sya sa pagda-dial ng kanyang cellphone at paulit-ulit akong tinatawagan. Walang akong magawa kundi pagmasdan sya sa gitna ng aking pagluha. Kumilos lang ako nang makita kong humakbang na sya bitbit ang kanyang bagahe. Mukhang plano na nyang puntahan ako kaya patakbo ko syang tinungo.

Namilog ang bughaw nyang mga mata nang makita nya ako. He's wearing a masqurade pero nangingibabaw ang magagandang mga matang ito. "Why are you late? I've been calling you for hours." Napatitig sya sa akin dahil napansin nyang wala akong bitbit. "Where are your things?"

Nalaglag ang aking paningin sa lupa at tiningala ko lang sya nang makalapit na ako sa kanya. Wala ako maapuhap sabihin kundi ang mga luhang nasa aking mga mata.

"Are you all right? Is everything okay?" bakas sa tanong nya ang pag-aalala after he he cupped my face.

Nanatili lang akong nakatingala sa kanya at matamang pinagmamasdan sya. Hindi ko kasi ang alam kung magkikita pa kami pagkatapos nang gabing ito.

"Listen to me." Binitawan nya ang bitbit nyang mga gamit. Pagkatapos ay ikinulong nya ang mukha ko gamit ang kanyang mga palad. "I assure you, nothing will happen, if that's what you're worried about. I will be a good husband. If I'm not, then teach me how to be. I am willing to learn. Tell me what to do and I will follow your order."

Wala syang kaalam-alam na lalo nya lang akong pinahihirapan sa mga sinasabi nya.

"I already took care of everything. So stop crying, okay?" Pinisil nya ang aking baba. "I will take care of you. Hindi kita pababayaan, I swear."

Iyong pananagalog nya, nakaka-in love lalo. At kahit alam ko pa ang nakaraan nya, kampante ako na kaya nya talagang magbago. Alam ko na magiging mabuti syang tao at asawa. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin kung paano magpapaalam sa kanya. Ang sakit lang dahil hindi ko na sya makakasama.

Bahagya syang yumuko upang humugot sa kanyang bagahe. Pag-angat nya ay may dalawa syang hawak na plane tickets. Hinuli nya ang aking palad at inilagay iyon doon. 

Sa tono nya ay para bang nakakahalata na sya subalit nagbubulaglagan lang.

Hindi na nya ako hinintay tumugon. Kinuha nya ang mga bagahe nya at sa kabila naman ay ang aking pulso. Hinila na nya ako papasok at wala akong nagawa kundi ang magpatianod sa kanya. "We have to move fast. I don't want us to be late in our wedding."

Masarap pakinggan iyon ngunit awtomatikong pumreno ang aking mga paa.

Napahinto sya sa paglalakad pero hindi nya ako nilingon.

Matagal ako bago nakapagsalita. I'm still mending myself, fixing every word that I have to tell him. "S-sorry..."

Napayuko sya at malungkot na ibinaba sa lupa ang mga bagaheng bitbit nya. "I bought a house in Britain. No... its not just a house. It's a mansion and it's really beautiful. I'm sure matutuwa ka kapag nakita mo iyon. Doon tayo - "

"S-sorry talaga..." hindi ko na sya pinatapos.

Napabuntong-hininga lang sya saglit bago nagpatuloy muli. "I decided to quit in my dad's black organization. I think I could find a better job." Humarap sya sa akin. "I'm smart, young and educated. I have savings kaya hindi ka maghihirap sa akin. I will—"

Love Me HarderWhere stories live. Discover now