Nang tuluyan na akong makalabas ay binaybay ko ang daan sa sala.

Subalit malapit na ako sa aming pinto nang matigilan ako. Sa gilid ng aking mga mata ay para bang may lalaking nakaupo. Nilingon ko ito at ganoon na lang ang kabog ng dibdib ko. The guy was just staring at me with his threatining bluish eyes. Plakado ang kanyang kilay at kalmado syang nakapangalumbaba.

Si  Don Ybarra!

Kamuntik na akong mapatalon sa gulat. Sa kanyang likuran ay may mga unipormadong lalaki na sa bilang ko ay nasa sampu. Abot langit ang takot ko na baka makita sila nila Amang at Mama. Lalo lang akong mahihirapang magpaliwanag kapag nagkaganoon.

Sumandal sya sa upuan kaharap ang isang lamesita. "Have a seat, Ms. Castillo."

Kahit nag-aalangan ay umupo ako sa kaharap nyang bangko. "A-ano pong ginagawa nyo rito?"

Napatingin sya sa btibit kong bagahe. "It looks to me that you are about to leave?"

Namutla ako sa tanong nya. Kahit hindi nya sabihin sa akin ay nararamdaman kong alam na nya kung saan ako pupunta. Iniba ko na lang ang usapan. "A-ano po bang kailangan nyo sa akin?"

"What do I need from you? Well..." umayos sya sa pagkakaupo. "I need you to do something for me." He snapped his fingers at pagkuwan ay may lumapit na isa sa mga tauhan nya. Humugot ito ng baril mula sa tagiliran at iniabot sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko iyon.

Inilapag nya baril na iyon sa lamesita. "I gave my son a chance to choose between you and his nanny." Sumandal muli sya sa upuan at inayos ang kanyang kurbata. "And he chose you, right?" 

Tumango ako habang ang aking mga mata ay nakapako sa baril na nasa harapan ko.

"Now..." napapalakpak pa sya. Kung kumilos sya ay para bang sya ang may ari ng bahay na kinaroroonan nya. "Ikaw naman ang papipiliin ko."

Bumalatay sa mukha ko ang labis na takot. Papipiliin nya ako? Katulad ba ito kung paano nya pinapili si Lord K? Naninigas ang aking panga ngunit sinakap kong makapagsalita. "H-hindi ko po kayo maintindihan?"

"Come on, Ruby. I know you know the mechanics. You were there when my son made his choice."

Naikuyom ko ang aking kamao. "A-ano po bang kasalana ko sa inyo? G-ginulo ko po ba ang bunbunan nyo? Gustong-gusto ko nga po ang kilay nyo kasi plakado. B-bakit nyo po ginagawa sa akin ito?"

Humalakhak sya subalit panadalian lang. Kinuha nya ang baril na nakapatong sa lamesita at saka ito kinasa. "Clock is ticking."

Napalunok ako nang mariin. "D-derechahin nyo na po ako?"

Tinitigan nya ako at matapos ang ilang minuto ay bumuka ang kanyang bibig. "You have to choose... it's either my son..." bahagya syang natigilan. "...or your family."

Daig ko pa ang nabagsakan ng bomba nang magsink in sa akin ang sinabi nya.

"If you choose my son, I have to kill your family."

Isa-isa nang naglandas ang aking mga luha.

"But if you choose your family, you have to let go of my son and shall bring him back to me." Sumeryoso muli ang kanyang boses. "I'll let you live with your family like nothing happened." Pagkatapos ay itinutok nya sa aking ang baril na hawak nya. "You have only given a few seconds to decide."

Napayuko ako kasabay ng aking paghagulhol. "H-hindi nyo na po ako kailangang bilangan dahil nakapili na po ako... H-hindi ko na po kailangang pag-isipan ang isasagot ko..."



Love Me HarderWhere stories live. Discover now