Their Privacy (BTS Book 2)

51.5K 786 87
                                    

Tatlong taon.

Ang mahigit tatlong taon ay hindi biro sa dalawang taong nagmamahalan sa industriyang ito.

Isang lalaking dugo ng babaero ang dumadaloy sa katawan at isang babaeng hindi magising-gising sa katotohanan, yan ang pinaniniwalaan ng mga walang kaalam-alam.

Lahat ng galaw ang binabantayan.

Lahat ng kilos ay binabatikos.

Lahat ng taong nakakasama ay binibigyan ng malisya.

Lahat ng salita ay ginagawang 'di kaaya-aya.

Marami ang hindi naniniwala sa kung ano mang namamagitan sa dalawa.

Lalong-lalo na sa isang pagkakamaling nagawa ng binata.

Isang babae pa rin ang pilit na kinokonekta sa dalawa.

Scripted.

Promotion.

REEL.

Love team lang.

Hindi magkakatuluyan.

Peke.

Ganyan kung tawagin ang kanilang relasyon. Mga salitang tinatawanan nalang ng mga taong alam ang katotohanan.

Mga taong pilit hinuhulaan ang petsa ng kanilang pag-iibigan.

13.

26.

25.

30.

Kelan nga ba nagsimula ang lahat?

Ano pa ba ang nangyayaring hindi nalalaman ng publiko?

Bakit nga ba nakikitang kasama ng dalaga ang mga kaibigan ng binata?

Madalas ba talagang nagsasama ang pamilya ng dalawa?

Sa panibago nilang proyekto ano ang mga problemang darating?

Paano nila haharapin ang pagbabalik ng isang nakaraan?

Pag-ibig pa rin ba ang mananaig?

Paano nga ba malalaman ang lahat kung ang kailangan ng dalawa ay isang malaking... PRIVACY?

Special thanks to Dimple Julia (@djaaxo) for the cover of this new story. Thank you girl! Love you! 💕😘

Their Privacy (BTS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon