It was like the skies were giving me a sign dahil narinig kong may tumama sa bintana ko. And I bet it's Vince.

Pagkabukas ko ng bintana ay sa akin tumama ang maliit na bato na binabato ni Vince, nahuli ko pa nga siya sa akto na parang magbabato na naman siya ulit. But in just a blink of an eye, nawala na siya.

Then I heard a knock downstairs.

"Julie. Can you please open the door? Julie, I'm sorry."

Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Vince. Lumapit siya kaagad sa akin ang hinawakan ang mukha ko.

"Okay ka lang ba?" Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mukha niya habang tinitingnan kung may galos ba ang mukha ko.

"Okay lang ako." Lumayo siya sa akin na para bang napagtanto niya na kung ano ang ginagawa niya.

"I'm sorry about that, hindi ko sinasadya. I won't—"

"May donuts ka 'di ba?" Sabi ko nalang dahil baka humaba pa ang explanation niya.

"Ha? Ah. Oo. Bakit? Gusto mo? Kukunin—"

"Midnight snack tayo!" Hindi ako makapaniwalang sinabi ko 'yun.

"Sure." Kumaripas siya ng takbo and I think it's just less than a minute at nasa harap ko na siya ulit. "Taran!" Nakangiti siya habang itinaas ang box ng donuts.

Ano bang pumasok sa isip ko? It's already midnight and I'm inviting a man at my house.

"Sigurado ka ba na okay lang? Pwede naman na sa'yo nalang 'to. Comfortable ka ba na nandito ako sa bahay mo?" He's not even stepping inside my house.

"Oo nga. Gusto ko rin ng kasama ngayon." Once again, hindi ako makapaniwalang sinabi ko 'yun.

Ano bang nangyayari sa akin?!

"Should we watch a movie?" Tanong ko at tumango si Vince.

Ini-on ko lang ang tv at hinayaan ko na si Vince na mamili ng movie.

"Wala ka bang gustong panuorin?" Umiling ako. "Ito?" Tumango ako.

I'm actually thinking na kailangan ko pang mag-aral pero hindi ko nagawa kanina dahil busy ako sa pagbabasa ng comments. But oh well, it won't hurt if magpapahinga muna ako. Deserve ko naman siguro.

"Horror?!" Gulat kong sabi habang nakatakip ang unan sa mukha ko.

Tawang-tawa si Vince kaya naman sinipa ko siya. Nasa magkabilang gilid kasi kami ng sofa.

"Hinaan mo 'yung volume! Palalayasin talaga kita dito!" Hindi ako tumigil sa pagsipa pero nagawa niyang hawakan ang mga paa ko gamit ang isa niyang kamay.

"Sinasabi ko sa'yo, Vince! Papa—" Napatigil ako sa pagsasalita dahil hinila niya ang mga paa ko kaya gumagalaw ako para kumawala sa kanya pero nahulog ako sa sofa.

"Vi—" Napatili ako dahil pagtingin ko ay bumungad sa akin ang mukha ng multo plus 'yung sounds pa na sobrang lakas. Kaagad akong tumalikod para umupo na sana ulit kaso natapilok ako sa isa ko pang paa at natumba ako kay Vince.

Shit. Heto na naman tayo. Parang bumalik lahat sa utak ko 'yung nangyari sa amin nung nakatulog ako sa bahay niya.

"Ikaw naman kasi!" Tinampal ko ang dibdib niya at umupo sa gilid niya na para bang walang nangyari.

"I'm sorry. Hihinaan ko na 'yung volume."

Ang awkward. Ang tahimik na naming dalawa habang nanunuod. Ni hindi man lang ako nakaramdam ng takot dahil nangingibabaw talaga 'yung awkwardness.

"Vince, pwede bang ikaw ang mag-off?"

No response.

Nang tingnan ko si Vince ay mahimbing na siyang natutulog. Nasa tiyan niya 'yung remote kaya dahan-dahan ko itong kinuha at pinatay ang tv.

Should I wake him up?

It's already 2 am. Baka wala pa siyang tulog, kaya hinayaan ko nalang siya na matulog.

Oh, shit. I haven't study yet. Ngayon ko pa talaga nabasa 'yung message ni Madie na may quiz kami bukas. Kinuha ko nalang ang libro ko at kumuha rin ako ng kumot para kay Vince. Umupo ako sa tabi niya at nag-aral.

But it seems like I can't focus. I kept on glancing at him.

OH MY GOSH! Nakatulog ako!

Pagdilat ko ng mga mata ko ay nakahiga na ako sa chest ni Vince and we're already sharing the blanket!

Ano ba 'yan?! Paano ako napunta dito? Kapag gumalaw ako, magigising siya and it will only make things awkward. Shems!

As of this moment, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Kaba? Takot?  Awkwardness? Butterflies? Embarrassment? I don't know!

Dahan-dahan kong ginalaw ang ulo ko para tingnan kung natutulog pa si Vince pero he's already looking at me.

"Good morning, Julie."

Something stirred inside me, something unfamiliar. A feeling I couldn’t quite name.

And before I could stop myself, I blurted out, “Do you like me, Vince?”

"I do..."

Celestial Strings Tied To YouTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang