Bakit? May ibig sabihin ba 'yung pag-atras niya? Pero bakit? Bakit parang kahit maliit na bagay na ginagawa ni Vince ay napapaisip ako ng sobra? What did he do to me?

"'Yung ano?"

He doesn't even know what he did to me?!

"Ang bait mo."

"Alangan naman awayin kita 'di ba?" And now, he's being sarcastic. "Pero pakiramdam ko kasi deserve mo tratuhin ng tama."

What's that supposed to mean?!

"Ako naman ang magtatanong. Bakit mo ba talaga ako iniiwasan? Tuwing nakikita mo ako, pumupunta ka sa ibang daan. Kapag naman nakikita mo akong palapit sa'yo sa canteen, umaalis ka kaagad. Bakit, Julie?" Umiwas ako ng tingin.

Dapat niya pa ba talagang itanong 'yan?

"Nahihiya lang ako sa'yo. Ang dami mo na kasing nagawa para sa'kin."

It was like my heart skipped a beat when he pat my head. Ginulo niya rin ang buhok ko at ngumiti.

"Magulo na 'yung buhok ko!" He chuckled at inayos ang buhok ko.

"Bakit naman may lovey dovey sa hallway?"

Lumayo ako kay Vince dahil nasa harap namin si Rence and isang lalake na hindi ko kilala.

"Benedict! Ang tagal na kitang hindi nakita dito." Oh? Kaibigan siya ni Vince and kaibigan din siya ni Rence?

"Matagal na nga. Hindi ko nga alam na may girlfriend ka na."

"Oh—"

"Mauna na ako." Nilagpasan ko sila at mabilis na naglakad para hindi na nila ako mahabol pa. Kung meron mang hahabol.

Nilapag ko ang bag ko at umupo sa bench.

Nakakainis talaga!

Bakit ba palagi kong nakikita ang pagmumukha ng lalakeng 'yun?!

"Boyfriend mo ba 'yun?" Napataas ang kilay ko.

Speaking of the devil.

"Pakialam mo ba?" He chuckled.

"Nagkaboyfriend ka lang, tinatarayan mo na ako?" Hindi ko siya pinansin at naglakad.

Shit. 'Yung bag ko.

Pagharap ko ay si Rence ang bumungad sa akin at dala-dala na niya ang bag ko.

"Thanks." Kukunin ko na sana ang bag ko sa kanya pero itinaas niya iyon. He's way taller than me so siyempre hindi ko abot.

As if naman aabutin ko.

"I don't really care kung aabutin tayo ng gabi dito kung hindi mo ibibigay 'yung bag ko willingly." I crossed my arms and looked at him with irritation.

Ang kapal talaga ng mukha para magcheat, hindi naman ka-gwapohan.

"Paraan mo ba 'to para magkasama tayo ng matagal?"

Unbelievable.

"Wow. Ang kapal naman ng mukha mo! For goodness sake, Rence! Isip bata ka ba o sadyang bobo ka lang? Hindi ka ba marunong makiramdam? I want you completely out of my life pero lapit ka nang lapit sa akin! Kailangan ko pa bang i-spell out sa'yo 'yun?!"

Ibinaba na niya ang bag ko kaya inagaw ko sa kanya iyon. Paalis na ako nang hawakan na naman niya ang pulsohan ko, pero kaagad kong inagaw iyon at sinampal siya.

"Don't you dare touch me again, Rence. It disgusts me so much."

"I didn't cheat on you, Julie." Tinaasan ko siya ng kilay.

Celestial Strings Tied To YouWhere stories live. Discover now