Chapter 45- My endgame

5.3K 83 10
                                        

Mikha’s POV

Haplos ng hangin sa balat ko, tunog ng alon na humahampas sa baybayin—lahat ng ito ay parang panaginip. Ang langit ay may halong kahel, rosas, at ginto habang lumulubog ang araw, pero wala pa rin itong sinabi sa tanawin sa harapan ko.

Si Aiah at Aurora, tumatakbo sa dalampasigan, nagtatawanan habang hinahabol ang isa't isa. Napangiti ako nang makita kung gaano sila kasaya. Ilang araw na rin ang lumipas mula nang tuluyang makalaya si Aiah, at ngayon, kasama namin ang mga kaibigan namin, nilalasap ang katahimikan na matagal naming hinintay.

"Tama na yan, baka sipunin kayo!" tawag ko nang makita kong halos lumubog na sa tubig si Aurora sa kakalaro.

Lumingon si Aiah, nakangiti nang pilya. "Live a little, love!"

Napairap ako, pero hindi ko napigilan ang ngiti sa labi ko. Hay, ang kulit talaga ng babaeng ‘to.

Sa likuran ko, abala ang mga kaibigan namin sa paghahanda ng bonfire. Sina Sheena at Gwen, nag-aaway kung paano ito sisindihan, habang si Colet ay abala sa pagkuha ng litrato ng papalubog na araw. Sina Stacey at Jho naman ay nag-aayos ng pagkain, nagtatawanan sa hindi ko alam na biro.

"Hoy, lovebirds!" sigaw ni Jho, kinawayan kami. "Halika na rito! Malapit nang matapos ‘tong bonfire!"

Nilingon ako ni Aiah, may malambing na ngiti sa labi niya. Basa pa rin ang buhok niya sa tubig dagat, at hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko palayo sa mukha ko. "Tara, love?"

Tumango ako, mahigpit na hinawakan ang kamay niya habang naglakad kami pabalik sa tropa. Nauna nang tumakbo si Aurora, excited na umupo sa tabi ni Stacey.

Habang nakapalibot kami sa apoy, nagkukuwentuhan, nagtatawanan, at nilalasap ang sandali, naramdaman ko ang init sa puso ko—isang bagay na matagal ko nang hindi naramdaman.

Kaligayahan.

Ito na ‘yun. Ang buhay na matagal naming hinintay. At sa unang pagkakataon sa matagal na panahon, alam kong wala na kaming ibang hihilingin pa.

Napuno ng tawanan sa paligid ng bonfire habang ang usapan namin ay kung anu-ano na lang. Si Aurora ay masayang nakasandal kay Aiah, habang ako naman ay nakatingin lang sa kanila, hindi mapigilang mapangiti.

"Grabe ‘tong trip natin, no?" sabi ni Gwen, iniikot ang baso ng juice sa kamay niya. "Parang kailan lang, halos giyera na ang buhay natin. Ngayon, andito tayo, chill lang."

"Oo nga," dagdag ni Sheena, nakatingin sa apoy. "Dati, punong-puno tayo ng drama, away, sakit. Pero ngayon…" Napangiti siya at tumingin sa amin ni Aiah. "Mukhang lahat may happy ending na."

"Aba, hindi pa tapos ang kwento!" singit ni Colet, nakangiti nang pilya. "Malay natin, may kasal nang magaganap soon?"

Biglang napatingin ang lahat sa amin ni Aiah.

Nagtaas ako ng kilay. "Excuse me?"

Tumawa si Stacey. "Huwag ka nang mag-deny, Mikha. Matagal nang obvious na kayo ang endgame."

Napailing na lang ako, pero ramdam kong namula ang mukha ko. Naramdaman kong hinigpitan ni Aiah ang hawak niya sa kamay ko, at nang lumingon ako sa kanya, nandoon na naman ang pilyang ngiti niya.

"Hayaan mo sila, love," aniya, nakangiti. "Pero hindi rin naman sila nagkakamali."

Lalo lang silang naghiyawan.

Napailing na lang ako, pero sa totoo lang, may tama sila. Ngayon lang ulit ako naging ganito kasaya, at lahat ng ito ay dahil kay Aiah.

"Basta," sabi ni Jho, sumandal kay Stacey. "Ang mahalaga, wala na si Adrian sa buhay niyo. Wala nang hahadlang. Wala nang dapat ikatakot."

No strings attached |(UNDER REVISION)Where stories live. Discover now