Aiah's POV
Hinawakan ko siya nang mas mahigpit, baka kung bibitawan ko siya, baka maglaho ulit siya sa buhay ko. Tangina. Ilang taon kong inantay 'to-na marinig sa kanya na ako pa rin ang mundo niya.
Hindi ako makapaniwala. Kahit yakap ko na siya ngayon, kahit naririnig ko na ang mga salitang matagal ko nang gustong marinig, may parte pa rin sa akin na takot. Kasi ilang beses ko na siyang hinayaang makaalis.
"Mikha..." Hinawakan ko ang mukha niya at pinunasan ang mga luhang hindi ko alam kung sa kanya o sa akin. "Alam mo bang ilang beses kong ginustong habulin ka noon? Ilang beses kong ginustong pilitin kang bumalik?"
Tumango siya, hinawakan ang kamay kong nasa pisngi niya. "Pero hinayaan mo akong umalis."
"Kasi mahal kita." Bulong ko. "At alam kong hindi kita puwedeng pilitin kung hindi mo ako pipiliin. Pero Mikha, tangina... mahal na mahal kita. At kung ipaglalaban mo ako ngayon, hayop ka, Mikha-hindi kita papayagang sumuko ulit."
Napangiti siya, kahit may luha pa rin sa mata niya. "Hindi na ako susuko, Aiah."
Dahan-dahan kong inilapit ang noo ko sa noo niya, dinama ang init ng balat niya. "Good. Kasi pagod na akong mawala ka ulit."
At bago pa niya masabi ang kahit ano, hinila ko siya papalapit at hinalikan-isang halik na puno ng sakit, ng pangungulila, pero higit sa lahat, ng pagmamahal na hindi na kailanman mabubura.
Habang hinahalikan ko si Mikha, pakiramdam ko parang huminto ang mundo. Ilang taon kong hinintay 'to-na maramdaman ulit siya, na madama ulit kung paano niya ako yakapin pabalik.
Pero biglang-
"PUTANGINA! WHAT THE HELL?!"
Napatalon kaming dalawa nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Sheena, nakatulala, nakanganga, at hawak-hawak ang dibdib niya na parang na-heart attack.
Napamura ako, agad na lumayo kay Mikha habang siya naman ay namula nang todo at halos mahulog sa kinauupuan niya.
"S-Sheena?!" sigaw ni Mikha, mukhang hindi alam kung matatawa o magpapaliwanag.
Napatingin ako sa kaibigan kong mukhang hindi pa rin makapaniwala sa nasaksihan. Tumuro-turo pa siya sa amin bago napailing at tumawa nang malakas.
"Holy shit! I just walked into something scandalous!"
Napabuntong-hininga ako at pinilig ang ulo ko. "Tangina, Sheena. Hindi ka ba marunong kumatok muna bago pumasok?"
"I knocked! Pero sino bang mag-aakalang may-" Napahinto siya, tapos biglang ngumisi nang malawak. "-MAY GANAP SA LOOB NG OFFICE?"
Tumawa siya at umupo sa sofa, parang nanonood ng isang blockbuster na eksena. "Wow. Just wow. Aiah and Mikha, ladies and gentlemen, back at it again!"
Napahawak si Mikha sa mukha niya, obviously embarrassed. "Sheena, shut up!"
Pero imbes na tumigil, mas lalo pang nang-asar si Sheena. "So... does this mean kayo na ulit? Or was that just an intense closure kiss?"
Napairap ako at huminga nang malalim bago inirapan si Sheena. "If you don't get out in five seconds, I swear to god-"
"Okay, okay! I'm leaving! Pero grabe kayo, ha. Sabihan niyo naman ako next time para may dala akong popcorn." She winked at us before heading out, pero bago tuluyang lumabas, sumilip pa siya ulit at sinabing, "Sana all."
YOU ARE READING
No strings attached |(UNDER REVISION)
FanfictionMIKHAIAH | WATTPAD | COMPLETED When ruthless CEO Aiah Navarro hires her bold and unpredictable ex, Mikha Dela Cruz, as her secretary, their office turns into a battlefield of power, passion, and unresolved desire-where love and war collide, and no o...
