Chapter 44: Busted

Magsimula sa umpisa
                                    

"Nalaman ko na nga 'yan kanina. Halatang iritang irita siya. Nabadtrip ako syempre sa sinabi niya kasi tinutulungan ko na nga siyang magligpit kahit customer ako tapos sisigawan lang niya ako at sasabihan ng hindi maganda."

"But? I know may karugtong 'yang gusto mong sabihin."

"But I realized that everything is my fault. Hindi ko dapat siya kinulit kasi nagtratrabaho siya. Wala sa lugar, eh."

I smiled at him. I'm so proud sa kaniya kasi he knows and he admits kung mali siya. And he knows kung anong fault niya.

"Kaya lang, bakit naman parang ang OA ng reaksyon niya? Inis na inis, eh." Pagsimangot ulit niya.

"Maybe she hates your existence?"

Lalo siyang napasimangot kaya I ended up laughing, "Joke lang. Hate is a big word. Baka ano lang.. she's going through something? Or.. maybe sadyang nakakainis lang ang ginawa mo kasi she's working and stuff tapos nanggugulo ka. And! Do you know na bawas sa employee na nakabasag ang mga nabasag niya? Cut sa sweldo niya 'yon."

"Ang dami namang rason niyan. Paano ko malalaman kung alin rason niya diyan?"

"I-assume mo na lang na all of the above ang answer."

He frowned, "It's not nice to assume things. It might lead to misunderstandings."

"Well, yeah. You've got a point there."

"Gusto kong mag-sorry. Kaya lang kung magsosorry ako, gusto ko alam ko ang ikinasosorry ko. Hindi maganda kung magsosorry lang ako dahil sa tingin ko kailangan kong gawin 'yon. Kahit hindi ko alam kung bakit."

"Ask her, then."

"Dyahe."

"Eh di find someone who's same case sa kaniya and ask that person kung ano ang ikaiinis niya."

"People have different personality and different ways on how they'll react to things, you know."

"Then wala ka ng choice. Ask her yourself. To stop complicating things, the best thing you could do is to ask her what's wrong - what made her mad. After that, saka ka magsorry. At least alam mo na 'yong reason mo for saying sorry 'di ba? Hindi sorry na labas sa ilong."

Napanguso siya pero napatango rin, "Sige. Magsosorry ako kapag nag-community service na tayo. Kasalanan ko naman."

"Don't blame yourself. Yes, you've made a mistake but at least you know that what you did was wrong and you're willing to correct it."

"Hindi ko talaga alam gagawin ko kung wala ka," he chuckled.

"I know you can't live without me. Para saan pa at ako ang super bestfriend mo."

***

"Piper? Nate?"

We stopped walking nang may tumawag sa amin. Nang tingnan namin 'yon, Nate and I shouted in unison.

"Ate Keila!/Kuya Kean!"

"Anong ginagawa niyo dito? Hindi ba school hours pa ngayon?"

Nagkatinginan kami ni Nate and we both smiled sheepishly. Napangiti si Kuya Kean dahil sa ginawa namin, "Astig! Cutting kayo, ano? Ano 'yan date?"

Nagkatinginan  ulit kami ni Nate and we both laughed to death. Me and Nate? On a date? I can't imagine.

"Baliw ba ang mga 'to, babe? O sinasaniban lang ng masamang elemento? Ano sa tingin mo, gagamitin ko na ba 'yong relo at magtratransform na ako para mapuksa ang - "

The Trouble with the RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon