Tumingin ako diretso sa mata niya, willing her to see the truth in my words. "Kung ayaw mo na talaga, sabihin mo. Kung wala na talaga, sabihin mo nang harapan. Pero kung kahit konti, may natitira pa... sabihin mo, Aiah."
Aiah clenched her jaw, her grip tightening on the coffee cup she was holding. Alam kong may gusto siyang sabihin. Pero ang tanong-ano?
Hinayaan ko siyang lunukin ang mga sinabi ko, pero hindi ko siya binigyan ng pagkakataong makasingit. Hindi pa ako tapos.
"Alam mo ba kung anong pinaka-nakakapagod itago?" my voice wavered, but I kept going. "'Yung katotohanang kahit ilang beses kitang subukang kalimutan, hindi ko kaya. Hindi ko kaya, Aiah. I tried-God, I tried so hard."
Napakuyom ako ng kamao. Nararamdaman ko ang bigat ng emosyon sa dibdib ko, pero hindi ko hinayaang pigilan ako nito.
"Akala ko dati, aalis lang ako, lilipas din 'to. Na kapag lumayo ako, mawawala lahat. Pero hindi ganun, Aiah. Kahit saan ako magpunta, ikaw pa rin."
Tumawa ako ng mahina, pero hindi ito masaya. "Nakakatawa, 'no? Ako 'yung umalis, pero ako 'yung hindi makabitaw. Hindi ko alam kung anong sumpa ang meron ka, pero hanggang ngayon, ikaw pa rin ang gusto kong makasama."
Pinunasan ko ang mga mata kong hindi ko namalayang namasa. Huminga ako nang malalim bago lumingon ulit sa kanya.
"Pero hindi ko sinasabi 'to para pilitin kang bumalik. Hindi ko sinasabi 'to para magbago ang isip mo kung gusto mo nang tuluyang lumayo sa akin. Sinasabi ko 'to kasi wala na akong pakialam kung mahal mo pa ako o hindi. Wala na akong pakialam kung gusto mo pa akong ipaglaban o hindi."
Nilunok ko ang sakit bago ko tinapos ang sasabihin ko.
"Gusto ko lang malaman mo na ikaw pa rin ang pipiliin ko, kahit ilang beses akong masaktan. Ikaw pa rin, Aiah. Kahit paulit-ulit."
This time, I finally let her speak.
Tahimik.
Walang kahit anong sagot mula kay Aiah. Hindi ko alam kung iniisip niya pa ba ang mga sinabi ko o hindi lang talaga siya sigurado kung anong dapat niyang sabihin.
Ang tagal ng katahimikan.
Napahinga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili ko. "Okay," I whispered, forcing a small smile kahit ang bigat na ng dibdib ko. "At least nasabi ko na."
Tumayo na ako para umalis. Hindi ko na kayang hintayin kung anong magiging sagot niya. Kasi paano kung sabihin niyang wala na talaga? Paano kung sabihin niyang hindi na niya ako mahal?
Hindi ko yata kakayanin marinig 'yon.
Pero bago pa ako makalabas, bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Mahigpit.
Napatingin ako sa kanya, at sa unang pagkakataon simula nang magsimula ang usapan namin, nagsalita na siya.
"You think I don't want you back?" Her voice was quiet, pero may bigat. "You think hindi kita gusto sa buhay ko?"
Napatigil ako. Hindi ako makapagsalita.
Tumayo siya, hindi pa rin binibitawan ang kamay ko. "Mikha, tangina naman. Ikaw ang umalis. Ikaw ang nag-decide na tapusin 'to. And now, you're telling me na kahit ilang beses kang masaktan, babalik at babalik ka pa rin sa akin?"
Ramdam ko ang sakit sa boses niya. Hindi lang ako ang nasaktan. Hindi lang ako ang nahirapan.
"You left," she repeated, her voice cracking slightly. "And now, you're saying all these things like I can just forget everything?"
Napakagat ako sa labi. "I'm sorry," bulong ko.
She sighed, closing her eyes for a moment, as if she was trying to compose herself. "Mahal pa rin kita, Mikha," she admitted, her voice barely above a whisper. "Pero hindi ko alam kung kaya ko pang ipaglaban 'to."
Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. "Then don't," I said, swallowing hard. "Ako na lang ang lalaban para sa atin."
Tumingin ako ng diretso sa mga mata niya, pinipilit kong iparating ang lahat ng nararamdaman ko. Hindi ko alam kung paano niya ito tatanggapin, pero wala na akong balak umatras.
"Ako naman ang lalaban ngayon," I said firmly, kahit ramdam kong nanginginig ang dibdib ko. "Basta ipangako mo lang na mananalo ako sa laban na 'to."
Hindi agad sumagot si Aiah. Pinagmasdan niya lang ako, parang tinatantiya kung seryoso ba ako-kung kaya ko bang panindigan ang sinasabi ko.
Napakagat siya sa labi at umatras ng bahagya. "Mikha, hindi mo ako kailangang ipaglaban kung ikaw mismo ang susuko ulit."
Umiling ako. "Hindi na ako susuko."
Natawa siya nang mahina, pero walang halong saya. "Ang dali mong sabihin 'yan ngayon. Pero paano kung dumating ulit 'yung mga bagay na dahilan kung bakit mo ako iniwan noon? Paano kung masaktan ka ulit? Paano kung ako mismo ang makasakit sa'yo ulit?"
Huminga ako nang malalim at hinawakan ang kamay niya. "Then I'll take that risk. Kasi kahit ilang beses akong masaktan, kahit ilang beses tayong mag-away, ikaw at ikaw pa rin ang gusto kong piliin."
Tinitigan niya lang ako, hindi pa rin sigurado kung maniniwala ba siya.
"Aiah, gusto pa rin ba kitang mahalin? Oo." Napapikit ako saglit bago muling tumingin sa kanya. "Kaya pa rin ba kitang mahalin kahit mahirap? Kahit masakit? Oo. Kasi ikaw 'yon. Ikaw lang 'yon."
Muli siyang natahimik. Pero sa pagkakataong 'to, hindi niya na ako binitiwan.
Napanganga si Aiah, tila hindi makapaniwala sa mga sinabi ko. Ilang segundo siyang hindi gumalaw, hindi nagsalita.
Hanggang sa bigla siyang napamura. "Tangina, Mikha... ang tagal kong hinintay 'to. Ang tagal kong hinintay na sabihin mo na ipaglalaban mo rin ako."
At bago ko pa ma-process ang lahat, bigla niya akong niyakap nang sobrang higpit. Halos mawalan ako ng hininga sa sobrang higpit ng yakap niya, pero hindi ako nagreklamo. Ni hindi ko gustong kumawala.
Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso niya laban sa dibdib ko, at doon ko lang na-realize kung gaano niya rin ako hinintay-kung gaano niya ako pinagtiyagaan, kahit ilang beses ko siyang sinaktan noon.
"I'm sorry," bulong ko sa kanya, ramdam ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. "I'm sorry for leaving, for giving up. Aiah, I-"
"Huwag mo nang ulitin 'yan," putol niya, mas hinigpitan pa ang yakap. "Kasi this time, Mikha... hindi na kita papayagang umalis ulit."
Napapikit ako, hinayaan ang sarili kong malunod sa init ng yakap niya.
At sa unang pagkakataon matapos ang matagal na panahon... pakiramdam ko, nasa bahay na ulit ako.
(Ang saya na nila pero ang dami pang remaining chapter huhu)
YOU ARE READING
No strings attached |(UNDER REVISION)
FanfictionMIKHAIAH | WATTPAD | COMPLETED When ruthless CEO Aiah Navarro hires her bold and unpredictable ex, Mikha Dela Cruz, as her secretary, their office turns into a battlefield of power, passion, and unresolved desire-where love and war collide, and no o...
Chapter 20- finally home
Start from the beginning
