Chapter 20- finally home

Start from the beginning
                                        

"She didn't say that."


"Pero halata naman!" sagot niya, natatawa. "Mikha, come on. If she really didn't care about you anymore, do you think she'd ask?"



Napatigil ako. Hindi ko alam ang isasagot. Tama siya, 'di ba? Kung wala nang pake si Aiah, bakit pa niya tinanong?


Napansin ni Stacey ang panandalian kong katahimikan at mas lalong lumapad ang ngiti niya. "Ayan na! Ayan na!"



Sinamaan ko siya ng tingin. "Ayan na, ano?"



"Aminin mo na kasi. May feelings pa rin kayo sa isa't isa."



Umiwas ako ng tingin. "Hindi ganun kadali."



Stacey chuckled and leaned back. "Hindi nga. Pero Mikha, alam mong hindi mo rin 'yan matatakasan forever."


Napabuntong-hininga na lang ako. If only it were that simple.



Huminga ako nang malalim, pilit na pinapakalma ang sarili ko. "Fine," bulong ko sa sarili ko. "Aamin na ako."



Hindi ko na kailangan pang marinig kung gusto niya akong bumalik. Hindi ko na kailangang umasa sa sagot niya. Ang gusto ko lang ay mailabas ang lahat ng nararamdaman ko-kahit na masaktan ako sa dulo.



Tumayo ako mula sa upuan ko, tinapik ang pisngi ko nang marahan para alisin ang kaba, at humakbang papunta sa opisina ni Aiah.


Wala nang atrasan 'to.


Pagkarating ko sa pinto niya, hindi na ako nagdalawang-isip. Kumakatok na ako bago pa man ako makahanap ng dahilan para umatras.


"Come in," sagot niya mula sa loob.



Pinihit ko ang door knob at dahan-dahang pumasok.


Nakatayo siya malapit sa bintana, hawak ang isang tasa ng kape, at tila malalim ang iniisip. Nang makita niya ako, bumaling siya sa akin, ang ekspresyon niya-neutral, unreadable.



"Mikha," she said, her voice calm but distant. "May kailangan ka?"



Huminga ulit ako nang malalim. "Yeah," I said, stepping forward. "May kailangan akong sabihin sa'yo."


Tumaas ang isang kilay niya. "Ano 'yon?"


Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko, pero hindi ko na kayang umatras pa. Tiningnan ko siya sa mata at sa wakas, sinabi ko ang mga salitang matagal nang gustong kumawala sa puso ko.



"Aiah... mahal pa rin kita."


Nagulat si Aiah. Kita ko sa mata niya ang gulat, pero bago pa siya makapagsalita, agad akong sumingit.



"Wait. Huwag ka munang magsalita," I said, my voice shaking slightly. "Hindi pa ako tapos."



Pumikit ako saglit at huminga nang malalim bago ipinagpatuloy.


"Aiah... ilang taon na ang lumipas, pero ikaw pa rin." My voice cracked, but I didn't care. "Ikaw pa rin ang gusto ko. Ikaw pa rin ang mahal ko. At kung may isang bagay akong sigurado sa sarili ko, 'yon ay ikaw pa rin ang tahanan ko."



Aiah remained silent, her expression unreadable. Pero alam kong naririnig niya ako, alam kong dinidibdib niya ang bawat salitang sinasabi ko.



"I don't care kung kontrolin mo ulit ako." My voice was firmer now. "I don't care if you make all the decisions for me. I don't care if you push me away. Alam kong mali, pero gusto kita. At kahit gaano kahirap, kahit paulit-ulit akong masaktan, gusto ko pa ring subukan."



No strings attached |(UNDER REVISION)Where stories live. Discover now