Chapter 20- finally home

Start from the beginning
                                        

Nginitian ko siya ng bahagya. "Wala 'yon."


For a second, we just stood there, staring at each other. Pero bago pa maging awkward, Drew let out a small chuckle and took a step back.


"Sige na, Mikha. Good night."


"Good night, Drew," sagot ko bago siya tuluyang lumakad palayo.



Naiwan akong nakatayo sa harap ng apartment, watching his retreating figure. At doon ko lang narealize-hindi lang si Drew ang naiwan ng gabing 'to.


Kahit anong pilit kong itanggi, my heart was still left with someone else. And no matter how much I tried, hindi ko pa rin kayang isara ang pintong binuksan niya noon.


Dahil kahit anong gawin ko, si Aiah pa rin.



Papasok na sana ako sa loob nang dumako ang tingin ko sa may puno sa tapat ng apartment. May sasakyan doon-hindi ko alam kung bakit, pero parang may kung anong humila sa akin para tingnan itong mabuti.


Kahit madilim, kahit halos anino lang ang nakikita ko, hindi ko kailangang magduda.

Si Aiah.


Napapitlag ako, parang may kung anong bumagsak sa loob ng dibdib ko. She was there. Watching. At the same moment na kasama ko si Drew.


"Bakit...?" bulong ko, pero bago ko pa masagot ang sarili kong tanong, biglang umandar ang sasakyan.

Napakapit ako sa doorframe habang pinagmamasdan ang papalayong ilaw ng headlights niya.


Aiah, anong ginagawa mo dito?


At higit sa lahat... bakit ka umalis bago pa kita matanong?


_____

Pagdating ko sa office kinabukasan, agad akong nagtaka. Wala si Aiah.

Usually, kahit anong mangyari, kahit gaano kasama ang mood niya, nandoon siya-either nakatutok sa laptop niya o busy sa pakikipag-meeting. Pero ngayon, ang office niya ay tahimik at walang katao-tao.


Napasimangot ako. Hindi ba siya pumasok?


Dumeretso ako kay Sheena na kasalukuyang abala sa pag-aayos ng mga documents niya. "Sheena, nakita mo si Aiah?" tanong ko, pilit na pinapakalma ang sarili.


Hindi man lang siya tumingin sa akin at nagpatuloy lang sa ginagawa niya. "Ikaw ang secretary, bakit hindi mo alam?" sagot niya bago natatawang tinapik ang desk niya.


Napairap ako. "Hindi nga siya sumipot sa office niya. May sinabi ba siya sa'yo?"

Sa wakas, napatingin siya sa akin, may knowing smirk sa mukha. "Bakit, namimiss mo agad?"

"Sheena," matigas kong sabi.


Tumawa siya at itinaas ang kamay niya na parang sumusuko. "Relax. Baka may emergency lang. Alam mo namang hindi 'yan basta nawawala nang walang dahilan."

Napakurap ako. Tama siya. Aiah is always in control-hindi ito yung tipong bigla na lang mawawala. Pero bakit parang may kung anong bigat sa dibdib ko?


At higit sa lahat... bakit parang may mali?


Naglakad na ako pabalik sa desk ko, pilit inaalis sa isip ko ang kung anumang kaba ang nararamdaman ko. Siguro nga, may emergency lang si Aiah-baka may meeting sa labas o biglang tinawag ng higher-ups.


Pero bago pa ako makaupo, natanaw ko siya mula sa hallway.

Aiah was walking towards her office, her expression serious-almost unreadable. I was expecting her to at least glance at me, maybe give me that usual look she does whenever I annoy her. Pero wala. Dire-diretso lang siya, as if I wasn't even there.


No strings attached |(UNDER REVISION)Where stories live. Discover now