Chapter 19- Ruin everything

Start from the beginning
                                        

I didn't say anything.

She snorted. "At halata ring may nangyari sa inyo kanina sa office mo."

"Putangina, Sheena, bumaba ka na!" I snapped, making her laugh.


"Fine, fine! Goodnight, boss CEO."


She stepped out and shut the door, leaving me alone in the car.


Tahimik.

I sighed, rubbing my temple.

Gusto ko pang balikan si Mikha. Alam ko 'yon.

Pero gusto pa ba akong balikan ni Mikha?


Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin, pero bago ko pa mapigilan ang sarili ko, natagpuan ko na lang ang sarili kong nasa harap ng apartment ni Mikha.


Nakatayo ako malapit sa isang puno, nakatago sa dilim, habang pinagmamasdan ko ang pintuan ng apartment niya. Tahimik ang paligid, tanging tunog ng malalayong ingay ng sasakyan ang maririnig.



Ano bang ginagawa ko rito?


Napailing ako, pinapagalitan ang sarili ko sa isip. Hindi ako lasing, pero bakit parang wala ako sa tamang katinuan?


At doon, sa hindi ko inaasahang pagkakataon, bumukas ang pinto ni Mikha.


Napahigpit ang kapit ko sa jacket ko nang makita kong may lumabas na lalaki mula sa loob ng apartment niya.


It was Drew.

Napakuyom ako ng kamao.

Si Drew. Yung lalaking sinasabi ni Mikha na kaibigan lang daw niya.

Pero anong ginagawa niya rito? At higit sa lahat-bakit siya lumabas mula sa apartment ni Mikha nang ganitong oras?


Nakatayo lang ako sa ilalim ng puno, naninigas ang katawan habang pinagmamasdan si Drew. He looked too comfortable, too familiar with the place-at hindi ko gusto 'yon.


Parang wala lang sa kanya nang isinara niya ang pinto, pagkatapos ay nag-inat at naglakad papunta sa sasakyan niya na nakaparada sa harapan.


I swallowed hard.


Gusto kong sabihin sa sarili ko na wala lang ito, na hindi ko dapat ito bigyan ng kahulugan. Pero paano? Mikha was mine-at kahit pa hindi ko alam kung anong meron pa sa amin ngayon, ang sakit pa rin.


Bakit nandito siya?


I clenched my fists, trying to push away the ugly feeling creeping into my chest. Selos ba 'to?

Napatingin ako sa bintana ni Mikha. May ilaw pa sa loob.

Pumikit ako sandali, huminga nang malalim, at pilit na pinakalma ang sarili. Hindi mo siya pagmamay-ari, Aiah.

Pero kahit anong sabihin ko sa sarili ko, hindi ko kayang iwasan ang hapdi na nararamdaman ko ngayon.

Muling bumukas ang gate ng apartment ni Mikha. Ilang sandali pa, nakita ko siyang lumabas.

Napahigpit ang hawak ko sa aking sarili.


Tumakbo siya papunta kay Drew, may inabot na bagay-isang maliit na paper bag. Nag-usap pa sila, at kahit hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila, kitang-kita ko kung paano ngumiti si Mikha sa kanya.

Putangina.


Napapikit ako, pilit nilulunok ang bumibigat na pakiramdam sa dibdib ko.

No strings attached |(UNDER REVISION)Where stories live. Discover now