Chapter 6- Dancing

Start from the beginning
                                        

Dahan-dahan akong lumingon.

Ayun siya.

Nakaupo sa bar, hawak ang baso ng alak, at bahagyang nakataas ang kilay habang nanonood sa eksena namin.

Tangina.

Napangisi ako bigla. Gusto nila ng palabas?

Fine.

Ibibigay ko.

Pabulong akong tumawa at inagaw ang shot na hawak ni Sheena, agad na ininom ito bago tumayo nang buo.

"Okay," sabi ko, tumitindig na ang confidence ko dahil sa init ng alak. "Pero 'wag kayong magsisisi, ha?"

Sumigaw si Stacey. "YES! THE COMEBACK!"

At bago pa ako makapag-isip nang tama, nasa dance floor na ako, handang ipakita kung bakit dapat akong katakutan sa sayawan-lalo na sa harap ng ex kong akala niya hindi ko siya kayang tapatan.


Habang gumagalaw ang katawan ko sa musika, narinig ko ang hiyawan ng mga kaibigan ko. Tumawa ako habang iniikot ang bewang ko, sinasakyan ang trip nila.

"Mikha! Mikha! Mikha!" sigaw nila, lalo pang ginatungan ni Stacey at Sheena ang hiyawan.


Kumalabog ang puso ko sa adrenaline. Takte. Hindi ko na alam kung dahil sa alak o dahil sa mata nilang lahat na nakatutok sa akin-

O dahil sa isang partikular na pares ng mata.

Napalingon ako.

At ayun siya.

Aiah.

Nakaupo pa rin sa bar, hindi gumagalaw, pero ang mga mata niya ay hindi lumalayo sa akin.

Diretso. Matindi. Parang binabasa ang bawat galaw ko.

Napangiti ako nang bahagya, pero hindi ko siya nilayuan ng tingin. Kung gusto niyang manood, edi panoorin niya.

Ipinikit ko ang mata ko saglit, saka muling gumiling, mas sinasabayan pa ang beat.

Narinig ko ang malakas na sigaw ni Stacey. "Tangina, Mikha! Ibigay mo na lahat!"

Bumalik ang tingin ko kay Aiah. Nakatagilid na siya ngayon, hawak ang baso, pero hindi pa rin natitinag ang tingin sa akin.

At doon ko nakita.

Hindi lang siya nanonood.

Pinapanood niya ako na para bang hindi niya gustong tumingin pero hindi niya rin kayang umiwas.

Pagkatapos ng isang huling ikot, tumawa ako at tumigil na sa pagsasayaw. Ramdam ko ang init sa katawan ko, halo ng alak at adrenaline. Pabalik ako sa lamesa namin, hinablot ang isang baso at nilagok agad ang laman nito.

"Solid, Mikha! Akala ko mababali katawan mo kanina!" bungisngis ni Jho, sabay tapik sa likod ko.


"Gago, parang hindi sanay," sagot ko, natatawa rin.

Pero bago pa ako tuluyang makaupo, narinig ko ang boses ni Gwen, diretsong nagtanong, "So, Aiah, anong masasabi mo sa dance moves ni Mikha?"

Napalingon ako, agad na napairap. Tangina, Gwen.


Tahimik ang ilang segundo, tapos saka dumating ang sagot ni Aiah-kalma, pero may bahagyang diin.

"Desperate."

Napatigil ako sa pag-inom. Putangina.

Lahat ng kaibigan namin, sabay-sabay na "Ooooohhh!" na may halong tawa at kantiyaw. Si Stacey, paniguradong tuwang-tuwa sa nangyayari, dahil naramdaman ko na ang pagyakap niya sa akin mula sa likod.

No strings attached |(UNDER REVISION)Where stories live. Discover now