Chapter 6- Dancing

Start from the beginning
                                        

Nanikip ang dibdib ko, pero hindi ko pinahalata. Sa halip, nilagok ko ang natitirang alak sa baso ko bago bumaling kay Stacey, na halatang pinipigilan ang tawa.

"Stacey," mariin kong sabi, ang boses ko bahagyang mababa. "Anong ginagawa niya dito?"

Ngumiti siya nang nakakaloka, halatang nang-aasar. "Relax, Mikha. Para 'to sa 'yo!"

"Para sa 'kin?! Tangina, Stacey, anong trip mo?*"

Umismid siya, sabay irap na parang ako pa ang walang utang na loob. "Dapat nga magpasalamat ka, eh."

Napakunot-noo ako. "Magpasalamat? At bakit naman?*"

Lumapit siya, halos idikit ang labi sa tenga ko bago bumulong. "Dahil ako ang dahilan kung bakit ihahire ka na ni Aiah bilang bagong secretary niya."

Parang nabingi ako sa sinabi niya. "What?!"

Napailing si Stacey, waring naiinis na dahil ang bagal kong makuha ang point niya. "Mikha, isipin mo. Nag-apply ka kahapon, nagpa-interview kahapon, tapos ngayon, bigla kang na-hire? Coincidence? I don't think so."

Napatingin ulit ako kay Aiah, na ngayon ay kausap si Sheena at Jho sa may bar, pero halatang aware sa presensya ko. She was composed, too composed-pero kilala ko siya.


Kilala ko kung paano gumalaw ang utak ni Aiah Navarro.

At kung totoo man ang sinasabi ni Stacey...

Putangina.

Bumaling ulit ako kay Stacey, nagtaas ng kilay. "So, anong sinasabi mo? Siya mismo ang nagdesisyon na i-hire ako?"

"Oh, hindi. Ang board members ang nag-decide."

Nagtagal ako ng tingin sa kanya. "Stacey..."

Tumawa siya. "Fine! Siya. Siya mismo ang nagdesisyon. Tinawagan niya mismo ang HR kanina. At guess what? Hindi na raw kailangan ng final interview. Welcome to Navarro Enterprises, girl."

Gusto kong matawa. Gusto ko ring murahin si Stacey. Pero higit sa lahat, gusto kong malaman...

Bakit?

Ano ang iniisip ni Aiah Navarro?

At higit sa lahat-ano ang gusto niyang mangyari sa pagkuha sa 'kin bilang secretary niya?

Napairap ako kay Stacey habang hinahabol ang bwisit na tawa niya.

"Stacey, tangina mo talaga," bulong ko, pero lalo lang lumapad ang ngisi niya.

"Ano ka ba, Mikha? Big night mo 'to!" sabi niya, pinapalatak pa ang dila. "Na-hire ka na sa Navarro Enterprises! At bilang celebration, dapat ipakita mo ang legendary mong sayaw sa harap ng ex mo!"

"Putangina, hindi ako lasing para gawin 'yon!" singhal ko, pero hindi ko naitago ang pagkagulat sa sinabi niya.

"Oh, come on!" pumalakpak pa si Stacey, pilit akong hinahatak pabalik sa dance floor. "Matagal na naming hindi nakikita 'yung nakakahiya mong sayaw! At ngayon, may special audience ka pa!"

Sumabat si Sheena mula sa may bar, bitbit ang bagong shot ng tequila. "Agree ako d'yan! One night only! Mikha Dela Cruz: The Dance Floor Menace!"

"Tangina niyo talaga," bulong ko, pero ramdam kong namumula na ang mukha ko.

Nagkatinginan si Gwen at Colet, sabay sabing, "Sayaw! Sayaw! Sayaw!"

Hindi ako makapaniwala. Akala ko tapos na 'yung mga ganitong trip! Pero eto na naman sila, nangungulit.

At putangina, hindi nakatulong na naramdaman kong nakatingin si Aiah sa direksyon ko.

No strings attached |(UNDER REVISION)Where stories live. Discover now