"Ha?"

"Este!" nabatukan ko ang aking sarili. "Papasok na po sa school."

"Papasok eh, anong oras pa lang? 'Di ba, alas neuve ka umaalis dito?"

Humugot ako sa aking bulsa ng wallet. Kumuha ako ng limang daan na papel doon na natira ko pa sa naibigay sa akin ni Rom at saka ibinigay kay Amang. "Gamitin nyo po iyan sa sabong. Naipon ko po iyan sa aking baon. Malay nyo po swerte iyan dahil galing sa akin."

Sarkastiko syang napangiti. "Alam mo anak..."

Naku mukhang hindi ko sya masusuhulan!

"...maganda yang maaga kang pumapasok."

Sumibat naman ako palabas ng bahay hanggang marating ang kinaroroonan ng itim na sasakyan. Sa loob niyon ay prenteng nakaupo si Lord K ngunit umibis sya pababa nang matanawan nya akong paparating. Binuksan nya ang pinto ng kotse at iginaya nya ako papasok.

Si Pabebe ko ba talaga ang lalaking ito?

Pagkaupo ko sa backseat ay marahan nyang isinara ang pinto. Umikot sya sa kabilang pinto at doon pumasok. Ang gentleman naman. Kalmado ang kanyang pagkilos na para bang sanay nya ng gawin ito gayung ito ang unang beses. At bakit ganito? Parang mas lalo yata syang gumuwapo? Kahit may suot na maskara, ang guwapo-guwapo pa rin nya. Ops! Handsome was a lame word to describe him. He was more than that. 

Bumaling sya sa driver. "To the flower shop."

Flower shop? Siguro ibibili nya ako ng bulaklak? Napaisip bigla ako. Parang ginagawa nya iyong mga sinabi ko sa kanya na dapat ginagamapanan ng isang BF. Well, mukhang natututo na sya. Pihadong matutuwa nito sa Aling Sita na may malaking ilong.

Ilang minuto lang ay narito na kami sa isang flower shop. Ito lang naman ang pinakamalaking tindahan ng mga bulaklak dito sa aming lugar. Bumaba si Lord K ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Bakit kaya kapag pinagbubuksan nya ako, pakiramadam ko'y binubuksan nya rin iyong panty ko?

Tigilan mo, Ruby! Mahiya ka! Wholesome ka dapat ngayon!

Napatingin ako sa mga bouquet ng roses na display. Kumikinang ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang mga ito. Never pa kasi akong nakakatanggap ng mga ito since birth. Wala pang nakakapagbigay sa akin ng ganito karaming bulaklak. Kahit ang mga ex ko ay hindi afford ito. At saka hindi naman ako kagandahan para pag-aksayahang bilhan nito.

"Flowers for you." Tinig ni Lord K na nasa aking likuran.

Nakangiti ko syang nilingon. "Alin sa mga ito?" pagkatapos ay bumaling muli ako sa mga bulaklak na nakaayos sa bouquet. Napalabi pa ako habang namimili at nang may ma-spot ako, nilapitan ko iyon. "Pwede itong bouquet na ito?" kinuha ko iyon at parang sanggol na idinuyan sa aking mga bisig.

Lumapit sya sa akin at saka pumamulsa. "Not only that one."

"Ha?"

Hinila nya ako sa pulso at dinala nya ako sa loob. Inilibot nya ang kanyang mga mata sa buong paligid na puno ng mga bulaklak. "But all of these."

Napatingin na rin ako sa paligid na kung aakalain ay isang hardin ng mga pulang rosas. "Bibilhin mo lahat ng bulaklak dito?"

Tumingin sya sa akin sanhi para mapatingala ako sa kanya. "I'm not just buying flowers... I also bought this flower shop for you."

My mouth fell open. "B-binili mo... ang flower shop na 'to?"

"I did. Before I went to your place." Pumitas sya ng isang rose sa hawak kong bouquet at inilagay nya iyon sa aking tainga. "These flowers are for you."

Papatayin nya ba ako sa kilig? Kung gaano kasi karami ang mga bulaklak rito ay higit pa roon ang kaligayahang nadarama ko. Ang isang bouquet lang ay okay na. Pero ang isang buong tindahan? Nakakaloka.

Love Me HarderWhere stories live. Discover now