“Bye po.” Noon na niya ibinaba ang cellphone niya.  Halos manginig ang buong katawan niya sa takot at pag-aalala.  Hinihiling na lamang niya’y wala nang iba pang masamang nangyari sa nobyo.

~~

            May kung ilang araw din ang nakalipas bago nakabalita si Corine kay Andy.  Tinawagan rin siya nito sa cellphone niya.

            {I have a great news, Corine!}  Masayang bungad pa ni Andy dito.

            “Talaga po?!”  Agad pa siyang nakaramdam ng excitement.

            {He’ll be home by Friday.}

            “Friday po?”  Hindi siya makapaniwala!  Makikita na niya ang nobyo sa wakas.

            {Nakausap ko si Ian, he said that Liam is okay.  Sobrang busy lang daw talaga sa work.  And yeah, uuwi nga sila ngayong darating na Friday.}  Masaya pang tono nito.  {Gusto mo bang i-surprise siya?  Salubungin natin siya sa airport!  Do you like the idea?}

            “P-puwede po kaya?” 

            {Oo naman!  For sure, matutuwa 'yun.} 

            “Sige po!  Please…”

            {Okay, Corine.  Sunduin na lang kita sa bahay ninyo.  I-text ko na lang sa’yo what time on Friday okay?}

            “Salamat po, kuya Andy.”  Hindi na niya kayang ipaliwanag ang excitement niya.

            {Okey lang 'yun.  I like you for Liam.}  Comforting pang sabi nito.  {I’ll see you on Friday?}

            “Thank you po.”

            {Don’t mention it.  Bye!}

            “Bye po!”  Ibinaba nga niya ang cellphone niya taglay ang malapad na ngiti.  Makikita na niya ang nobyo!  At wala nang mas sasaya pa sa balitang iyon!

            Kaya naman nang dumating ang araw na pinakahihintay ni Corine ay talaga namang nagpaganda siya nang husto.  At siyempre pa, hinding-hindi niya kinalimutang isuot ang necklace na bigay ng nobyo.  At kung mayroon man siyang kinasasabikang mangyari, iyon ay ang pangako nitong pakakasalan siya!  Dahil handang-handa na siya!  Wala na siyang ibang mahihiling pa sa buhay kung 'di ang makasama ito!

            “You look tense, chillax ka lang…”  Si Andy na noo’y nakapamaywang pa sa kanya at nakangiting iiling-iling.  Sa kasalukuyan ay nasa arrival area sila at naghihintay.  “Na-miss mo si Liam 'no?”

            “Itinatanong pa po ba 'yun?”  Nahihiya pang sagot niya. 

            “Mukhang sila na ang parating ah!”  Nagtanggal pa ito ng shades para tanawin nang maayos ang paparating.  “Oh there he is!”  Itinuro pa niya ang naka-shades din na pinsan.

            “Liam…”  Halos tumalon ang puso niya sa pagkakataong iyon.  Sobrang na-miss na kasi niya ang nobyo.  Kahit pa medyo namayat iyon ay hindi pa rin maipagkakaila ang taglay na kagwapuhan nito.

            “Liam!”  Si Andy na malakas pang tinawag ang pinsan at halos tumakbo pa sila ni Corine papalapit!  “Musta, bro?!”  Agad pa nitong niyakap ang medyo nagulat pang si Liam.

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon