Chapter Seventeen: Bad Dream

Magsimula sa umpisa
                                    

"Of course not. Ayoko lang mahawa ka ng sakit sa akin."

"Hinding-hindi ako mahahawa promise." At saka ako humiga sa tabi niya na ikinasorpresa niya.

"Anong ginagawa mo? Huwag mong sabihin na dito ka matutulog?"

"Oo. Bakit ayaw mo ba?" 

"Hindi sa ayaw ko kaya lang..."

"Di ba nung nagkasakit ako ay tinabihan mo rin ako at binantayan sa pagtulog ko? I'm just returning the favor."

A grin appeared on his lips. "Halika nga dito." sabay yakap sa akin ng mahigpit. "Walang sisihan kapag napunta na naman ang kamay ko sa dibdib mo."

Ang lakas ng tawa ko dahil doon. "Subukan mo lang. Paggising mo may black eye ka na sa mata."

Siya naman ngayon ang humagalpak ng tawa. "Ang sweet-sweet mo talaga!" At naramdaman ko na lang na hinalikan niya ako sa ibabaw ng ulo ko.

<Riley POV>

Nagising ako nang may kung anong mabigat na bagay ang dumagan sa mga hita ko. Hindi ko tuloy magawang makakilos. Then later I realized I was sleeping with somebody else. Ramdam na ramdam ko ang malambot niyang katawan na nakakulong sa mga bisig ko. She is too close that I could even feel her heartbeat. And that familiar sweet scents of her was irresistable. I couldn't help myself but snipping her over and over again. 

I love being with her, especially at this moment. Hindi ako magsasawang gumising tuwing umaga kung siya lagi ang makakasama ko. And I think I'm ready to spend the rest of my life with her... no one else but her. 

She may not be a perfect woman, but for me she is more than enough to complete my life. I know that there's something in her has changed. Pero mas gusto ko kung anuman siya ngayon. Kahit kung minsan madalas niya akong awayin at pagsungitan, balewala iyon sa kaligayahan na ibinigay niya sa akin. She always makes me smile and never failed to amuse me. Although there were times that she was cold and distant. Then suddenly bigla na lamang siyang maglalambing. Minsan naman ayaw niya akong kausapin. Pero kapag nasa mood naman siya sobrang daldal at kulit naman niya. At doon ko lang din napagtanto kung gaano siya kaselosa. 

But beyond her imperfections, walang nagbago sa nararamdaman ko para sa kanya. Mas lalo ko pa nga siyang minahal ngayon. Hindi man niya madalas sabihin sa akin ang mga salitang inaasam kong marinig mula sa kanya. Alam ko at nararamdaman ko na mahal din niya ako. 

Naramdaman ko na lang ang bahagyang pagkilos ni Samantha. Mas lalo pa siyang nagsumiksik sa akin.

"Sam.." I tried to wake her up. "Hindi ka ba papasok?"

Ngunit wala akong narinig na response mula sa kanya. "Sam..." I  whispered on her ear and then she giggled. Malakas nga pala ang kiliti niya sa parteng iyon. "Bumangon ka na. Baka ma-late ka na sa trabaho mo."

Invisible Girl  (Reprint under LIB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon