2.14

329K 7.5K 974
                                    

Letter.

"Tingnan mo nga naman.. Napakaingrata din niyang biyenan mo. Hindi pa pala siya tapos sa hatred niya sayo, ano?" Maingat na iniabot sa akin ni Clover ang isang tasa ng tsaa at umupo sa couch sa pansamantalang magiging kuwarto ko. Parehas kaming nakasilip sa bintana at tanaw ang swimming pool ng kanilang pamilya. 

There's a void on my stomach but I cannot take a decent meal to eat. Panay ang iyak ko. Kahit ang mga salita ko ay naging limitado simula nang dumating ako sa pamamahay ng mga Jacinto.

"Ikaw na nga ang nag-adjust, ikaw pa ang palalabasing masama. And what? Ikaw ang nagtangka sa buhay ng sarili mong asawa? Pangteleserye na nga ang fact na nagka-amnesia siya, tapos ngayon meron pang plot twist?! Ikaw pala na  mismong asawa ang suspect!"

Pinunasan ko ang luha ko at ibinato ang tissue na basang basa na ng luha. "Sana talaga hindi ko na lang sila pinagbigyan na sila ang mag-alaga sa asawa ko. Sana tiniis ko na lang na ang bukambibig niya ay iba ang mahal niya. Sana hindi na umabot sa ganito."

"Ay ewan ko lang ha, duda akong wala silang maitim na balak kung nag-stay ka. Hayaan mo na nga yon. Kung ako sa'yo, mag-move on ka na lang, uso naman yun ngayon." Susog sa akin ng kakambal ko. Blangko ko siyang tiningnan.

"Paano ako magmu-move on kung iniisip kong mga masasamang tao ang nakapaligid sa asawa ko?"

Malungkot na sinuklay ni Clover ang buhok ko gamit ang kanyang mga daliri.

"You did your part, Calla. Eh anong magagawa mo kung hindi ka nga maalala? Saka sa tingin ko naman, kahit anong sama ng mga yon, hindi naman siguro ipapahamak ni Madam Aleana ang sarili niyang anak, even Margaux, patay na patay kay Lorcan yun, hindi naman siguro niya gagawan ng masama."

Nalungkot ako sa sinabi ng kakambal ko pero alam kong may punto siya. Ano pa ba ang pupwede kong gawin? I want him to remember me but he can't. Iniisip kong panahon na nga para lumayo ako at pabayaan ang tadhana. Pero tinatraydor ako ng puso ko. Parang kinukurot ito sa iniisip na pag-layo. 

Hindi mawala sa isip ko ang mukha ni Tita Aleana at ni Margaux, how fulfilled they are feeling right now. Kinuha na nila si Lorcan sa akin, pati din ba ang dangal ko bilang tao ay babawiin din? Some people could really kill for their passion, others cannot. 

The selfless givers always endure the pain because that's the best version of love that they could give. Pure and innocent. Painful but true.

"Mahal, magsulat ka nga dito kung gaano mo ako kamahal.." Napalingon ako kay Clover at Ashton na naglalambingan sa hapagkainan habang nag-a-almusal. A cellphone was pointing at Ashton. Mukhang kinukuhaan pa ng video ng kakambal ko.

"Bakit?" Nangingiting tanong ni Ashton na kinuha naman ang papel at ballpen at nagsimulang magsulat.

"Para kung makalimot ka, meron akong ebidensya na ako ang mahal mo. Dali, sulat na." Clover giggled. Napangiti ako. I wish I did the same. Hindi sana ako nahihirapan ngayon. My phone rang and it was a call from Granny. Hindi ko inaasahan ang kanyang tawag, tatlong araw na ang nakakalipas nang lisanin ko ang kanyang bahay at akala ko ay talagang tapos na.

"Granny.." Tumayo ako at naglakad patungong garden.

"Kumusta ka na, apo?"

Tipid akong ngumiti, "Okay lang po ako. Inaalagaan naman ako ni Clover. She should. Siya na lang ang pamilya ko."

"Oh, Calla. Don't ever think that way. I am your family, too. Kaya ko lamang ginawa iyon—"

"Naiintindihan ko po, Granny."

He Married His Secretary I (PUBLISHED BY PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon