Chapter 16

392K 9.7K 1K
                                    

            


"Tingnan mo ito, Calla. Paborito mo tong t-shirt na 'to noon." Ngumiti si Clover at ipinakita sa akin ang Star Wars t-shirt ko. Kinuha ko iyon at madaliang inilagay sa 'To Sell' box.

"O? Bakit mo iyon ibebenta?"

"Luma na iyon. Hindi din naman magandang kumakapit pa tayo sa nakaraan."

"Naks, words of wisdom ni Madam! Nakahanap ka na ba ng room space mo? Bukas na ako lilipat sa company pad. Pero siyempre gusto kong masiguro na nasa ayos ka."

"N-nasa ayos naman ako." Lumunok ako. "Huwag mo na akong isipin, balitaan na lang kita."

"Balitaan? Paano kung wala kang mahanap? Di ba nangako tayo na hindi na tayo aabot nang palalayasin pa tayo ng banko sa bahay na 'to?"

"I know. I know. Basta wag mo na akong alalahanin."

"May hindi ka sinasabi. Calla, kilala kita. Kakambal kita. Spill." Wika ni Clover na diretso ang tingin sa akin.

"Wala naman. Meron na din akong tirahan."

"Oh? Saan naman?" Nakataas ang kilay ng kakambal ko.

"M-may pabahay yung company."

Natigilan si Clover para makinig.

"That's nice! Mabait naman pala si Mr. Alcantara. Sinong makakasama mo doon?" Inilagay ni Clover ang ilang bagay na gusto din niyang ibenta doon sa box.

"W-well. Yun naman ay si-- S-si Lorcan din."

Natigilan si Clover sa pag-tiklop ng t-shirt, eksaheradong naging letter 'O' ang kanyang labi.

"M-mag-li-live in na kayo?" Pasigaw iyon.

"No!" I nervously laughed. "Bakit mo naman naisip yun? Ang dumi ng isip mo."

"Calla, ang isang babae at isang lalaki sa isang bubong ay magkalive in."

"Pero wala naman kaming relasyon. We will be housemates! N-naisip ko na maganda na din yon dahil hindi mababawasan yung sahod ko para sa upa sa bahay. Makakatipid din ako sa pagkain—"

"Seryoso ka ba? Naririnig mo ba ang sarili mo? Lalaki iyon, Calla."

"Pero hindi niya ako type. Sinabi niyang hindi." Pagpu-punto ko.

"Pero ikaw? Type mo ba siya?"

Bago pa man ako makasagot ay pumasok na sa pinto si Eros, nakahinga ako ng maluwag. Buhat niya ang ilang boxes na wala nang laman. He's helping us set up our one day garage sale for he's our only friend. Matiyaga siyang naglalagay ng mga damit sa hanger at gumawa pa ng mga lamesa na patungan ng mga ibinebentang gamit.

He smiled when he saw us. "Two-minutes na lang, mag-bubukas na tayo."

Eros always liked my sister. Nang nag-post nga si Clover tungkol sa garage sale ay mabilis siyang kinontak ni Eros. Never man siyang nag-confess, siguradong sigurado akong merong spark sa paraan ng tingin niya kay Clover. They can communicate by just looking at each other.

"Kumain ka na, Calla? Late ka nang nakauwi kagabi ah. Lagi bang ganon?"

Pinanood ko siyang kumuha ng bagong box na idi-display niya sa labas. Ayos na ayos na ang kanyang buhok kahit umaga palang. His full red lips has a natural pout, bumagay iyon sa strong mestizo features niya. Every girls at the university fell hard in this piece of cheese. Hindi ko na din iyon ipinagtaka. Ang ipinagtataka ko ay kung bakit nananatili pa din siyang single hanggang ngayon. Maybe there are some people that meant to grow old alone, siguro ay ganoon din ako. Maaga ko rin lang natanggap na hindi naman kailangan ng asawa para sumaya.

He Married His Secretary I (PUBLISHED BY PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon