Chapter 9

420K 9.9K 1.3K
                                    



Play.


I woke up midsleep. Ngumiti ako at muling pumikit pero nakarinig ako nang kaluskos sa paligid.

"Oh gising ka na pala." Bumungad si Clover sa kuwarto ko kaya napamulat ako, kumuha siya ng lotion sa dresser ko at inilagay sa mga braso.

"Paano ako nakauwi?" kunot noong tanong ko habang unti unti akong umupo sa gilid ng kama at pilit inaalala ang nangyari kagabi pero bigo ako. Ang naalala ko ay ang paghilig ko sa bintana ng sasakyan ni Lorcan, that's totally it.

"Buhat buhat ka ng boss mo." May umalpas na nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi, "Ang gwapo ni Mr. Alcantara. Habang buhat ka nga niya kagabi nang dalhin sa kuwarto mo, naimagine ko na ang pag-susumpaan niyo sa harap ng altar! Bagay kayo!"

Napakamot ako ng mukha, "Kami ni Lorcan—"

"Wow, first name basis!"

"Sabi niya Lorcan lang ang itawag ko!"

"Doon nagsisimula yan." Kumindat kindat pa ito. Binato ko ng unan ang kakambal ko.

"Broken hearted yung tao, wag ka ngang ganyan."

"Broken hearted? E bakit nagtagal sa kuwarto mo kagabi? Ano kaya ang ginawa?"

"Ha! Malamang sinermunan ako habang tulog. Napadami ang inom ko. Nakita ko kasi si Eros."

Magtatanong pa sana ang kakambal ko nang mag-ring ang cellphone ko.

"Mabuti naman at gising ka na!" Mahina ang boses ni Lorcan sa kabilang linya pero nakikita ko na pasigaw sana iyon kung may chance.

"Ay, wala man lang 'hello'?"

"Puntahan mo ako sa bahay ko bilisan mo. Emergency." Bulong nya sa kabilang linya.

"Huh? Anong emergency? Okay ka lang ba?" Binalot agad ako ng kaba. Hindi naman siguro siya tatawag ng linggo ng umaga kung hindi talaga emergency.

"Basta, girlfirend mode on. Kailangan ko ng girlfriend, punta ka dito. Ipinasundo na kita sa driver ko. You need to be here in 30 minutes." May urgency sa boses niya kaya nang ibaba na niya ang telepono ay tumakbo na ako sa banyo para sa mabilisang ligo

Pilit akong sinundan ni Clover ng powder at liptint, pati ang buhok ko ay hinahabol niya ng plantsa.

"Ano ba Clover? Baka mamaya nakidnap na yung boss ko, minemakeupan mo pa ako." Inis na sabi ko habang sinusuot ko ang maong shorts na tinernuhan ko ng cropped shirt at sneakers.

"No, haharap ka sa boss mo, kailangan laging maganda!"

Napailing ako at tumigil sandali para matuyo ang buhok, pagkatapos ay tumakbo na ako palabas kung saan naabutan ko ang isang itim na SUV at unipormadong driver sa labas nito. Pinagbuksan pa ako ng pinto at mabilis din siyang umupo sa driver seat pagkatapos.

"Kuya, ano po ang nangyari kay Lorcan?" Nang hindi makatiis ay nagtanong na din ako.

Sumilip si Kuya sa rearview mirror at tiningnan ako mula doon. "Hindi ko nga din alam Ma'am, basta nag-text lang po sa akin na sunduin kayo, hindi pa din lumalabas ng kwarto nya hanggang ngayon."

Mas lalo akong nakaramdam ng kaba nang walang impormasyon ang kanyang driver.

Pumasok kami sa loob ng isang ekslusibong subdivision. Matataas ang mga gate sa bawat tahanan at wala kang masisilayan sa loob. Walang masyadong dumadaan sa kalsada kaya napagtanto kong boring ito kaya equally boring din ang amo ko. Huminto kami sa isang malaking gate na gawa sa kahoy, bumukas agad ito pagkatapat ng SUV na sinasakyan ko at pumasok ito doon.

He Married His Secretary I (PUBLISHED BY PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon