THIS IS NOT AN UPDATE

309K 5.3K 142
                                    

AGAIN, Paulit ulit na naman ang nadadaanan kong comments

✔️ Ang gulo ng kwento

1.) Ang dami kong patlang para hindi kayo biglain na magbago ang plot sa Part 2. I assumed na nakahinga kayo mula sa part 1 bago magbasa ng part 2. Ang dami kong notes na tulad nito para ipaalala.

1A.) Bakit may Part 2? In all honesty, dapat talaga wala pero naisipan ko lang magpasilip sa naging  buhay nila after marriage. At revision ito, sa mga nakabasa nung hindi pa revised version, alam na nila to hanggang katapusan. Probably they know how I will write the turn of events.

✔️ Hindi mo kasi pinost ang epilogue

2.) Walang kinalaman ang Epilogue sa simula ng Part 2 kaya wag niyo yon alalahanin. Kung babasahin niyo ang Part 2, Yes, may mga tanong kayo kung anong nangyari. Katulad din yon ng tanong niyo kapag nag-uumpisa kayong magbasa ng bagong storya. Ganon din ang inaasahan ko na gagawin niyong intellectual reading sa Part 2. As if reading a new story. Wag kayong magrely sa epilogue na hindi niyo nabasa.

✔️ Ikukwento mo ba kung ano ang nangyari

3.) If this is your first time to read my story, mapapatawad kita. Pero kung pangalawa, pangatlo, baka hindi na. May naisulat akong 37 chapters akong nagkwento at hook na hook na kayo pero flashback lang pala yun. Ganon lang talaga ako mag-plot. Hind giveaway. Bakit? Para may aabangan kayo, para may sabay sabay kayong pag-isipan habang nairereveal ang chapters.

Tandaan: Walang story na isang bagsakan ang CONFLICT at RESOLUTION sa chapter 1. Kaya merong 'Ahhh' 'Ganun pala' moments, kasi unti unting nabubuo yung kwento bawat kabanata. Maging patient tayo. Kaya niyo yan.

Hindi ako galit pero paulit ulit yung tanong. Next update: Sunday, November 5, 2017

He Married His Secretary I (PUBLISHED BY PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon