Definitely Maybe (Side Story) SEIS

1.8K 50 6
                                    


SEIS

Mabigat ang loob ni Owen habang nag iimpake noong gabing iyon. Habang inaayos ang mga gamit, he decided to send her a message.


To Dora: Bukas. 10:00 AM sa Cubao? I will be patiently waiting.

10:28 PM


Tinitigan niya ang conversation history nila ni Kim. Maglilimang minuto na siyang naghihintay ng reply. Marahil ay tulog na si ito.


To Dora: Joke. Hahahhaa. Good night, Kim.

10:36 PM


Hindi naman umaasa si Owen na sasama ito sa kanya papuntang Mabalacat. Besides, he was just joking when he asked her. Going with him elsewhere was the last thing the former Lady Spiker would ever do. Pero aaminin niya, nalulungkot siya pagkat hindi niya makikita si Kim ng ilang araw.


Maaga pang nagising si Owen noong sumunod na araw. Nagpahatid siya kay Thomas sa bus station. Bumili siya ng ticket para sa 10:00 am trip to Mabalacat. Noong nasecure na nila ang ticket niya.


"Sigurado ka bang okay ka lang?" Tanong ni Thomas. "Medyo matagal ka pa maghihintay, 9 am pa lang oh."


"Oo nga," Owen agreed. "Hihintayin ko na lang ang bus."


"Sure?" Thomas inquired.


Ngumiti si Owen at saka tumango, "Oo naman, Bae."


"Gago!" Mabilis na sagot ni Thomas, the former Green Archer glanced at his watch to check the time. "Sige, magkikita pa kami ni Jeron ngayong araw." Paalam niya. "Ingat ka, Owen."


"Ingat sila sa akin."


Owen raised his eyebrows. Tapos nun ay tumalikod na si Thomas upang bumalik sa sasakyan niya. Pinagmasdan ni Owen noong unti-unting lumiit ang pigura ng kotse ni Thomas at hanggang sa mawala ito sa kanyang balintataw. Tinignan niya ang cellphone niya upang i-text sana ang Mama niya na nasa terminal na siya at naghihintay na lang ng bus. Pumunta siya sa messenger at hindi namalayang dumiretso na sa conversation nila ni Kim.


Sinampal niya ang sarili, literal. Napatingin pa si Kuya na nagbebenta ng hopia, mani at popcorn. Sinamaan ito ni Owen ng tingin. He rolled his big dark eyes at saka inexit na lamang ang conversation nila ni Kim. Hindi na nga ito nagreply sa kanya kagabi.

After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon