Second

2.5K 109 4
                                    


She was eight and he was nine. Kung alam lamang ni Thomas na hindi niya muling masisilayan ang anghel na kasama sa loob ng mga susunod na taon, hindi na sana siya tumanggi noong niyaya siya nitong pumunta sa playground noong gabing iyon.


Naglalakad na sila pabalik sa bahay nila dahil katatapos lamang nila noong libutin ang buog village. Punong-puno ang mga pumpkin basket na dala nila.


Napadaan sila sa playground ng village kung saan nagmistulang kaakit akit sa paningin ni Thomas at Ara ang buong playground. Ang swingset, ang monkey bars, ang seesaw. Hindi naeenjoy maglaro ni Thomas ditto kapag umaga dahil sa dami ng batang lagging naglalaro dito.


Naramdaman niyang hinawakan ni Ara ang braso niya. "Let's play!" Yaya nito sa kanya.


Napatingin si Thomas sa dalawang Iron Man na malayo na sa kanila. Pwede naman sana ang gusto ni Ara, pero gabi na noon.


"Bukas na lang. Gabi na!"


Narinig nila ang alulong ng aso mula sa di kalayuan. Agad na napatingin si Thomas sa paligid. Kinilabutan siya. Umihip ng mahina ang malamig na hangin ng Oktubre, hudyat ng papalapit na ang buwan ng Disyembre. Bilog na bilog ang buwan noong gabing iyon. Walang ibang ingay na maririnig sa playground kundi ang alulong nang aso na habang patagal nang patagal, wari ni Thomas ay palakas rin nang palakas.


"Awoooooo!"


Bumilis ang paghinga niya, tumingin sa kalayuan at nakitang nawawala na ang pigura nina Iron Man. Dalawa na lang sila ni Ara doon at natatakot na siya.


"Awoooooo!" Palakas na palakas na ang alulong ng nasabing aso.


Pumulot ng bato si Ara at buong lakas na ihinagis ito sa kumpol ng bougainvilla sa di kalayuan, ang lugar kung saan nagmumula ang alulong ng aso. Tumigil sa pagkahol ang aso at nagtatakbo ito sa kabilang kalsada. Tumawa si Ara.


"Natakot ka ba, Thomas?"


"Ha? H-hindi 'no!" Sagot niya.


Ngumiti nang matamis ang anghel sa kanya, "Wag kang mag-alala, Batman. Ako ang Angel mo."

—-


Nalaman ni Thomas na nabili na nga ng mga magulang ni Ara ang dating bahay nang kaibigan niyang si Marcus. Inihatid lang nila ang ilang mga gamit para sa bahay.  Midyear break noong kaya sumama ang mga anak na sina Djun at Vic.

Pagkatapos nang limang araw mula noong unang gabi na nakilala niya ito, lumipad ang anghel pabalik sa Lubao, may luha sa mga mata nito.


"Mama!! Isama na natin si Thomas!" Sigaw ni Ara habang panay ang iyak noong nasa loob na nang sasakyan ang mga gamit nila.


Kitang kita ni Thomas na hirap na hirap na si Ara na magsalita habang umiiyak. Naawa tuloy siya dito.


He tugged his Mother's hand na pumunta rin doon para magpaalam sa mga bagong kapitbahay. "Mom, can I just go with Ara?"


Nagkatinginan ang kani-kanilang mga ina at saka nangiti. Umupo si Marie upang kausapin ang bunso, "Thomas, honey , not now. Maybe, when you're older, you can go with her.. Kahit saan pa. Di ba Tita Ada?"


Ngumiti si Ada kay Thomas. "Oo naman. Kaya ikaw, Vic, wag ka na umiyak. Babalik balik naman tayo dito.."


Bumitaw ang batang si Ara at lumapit kay Thomas. Hinila niya ito sa may unahan, malayo nang kaunti kung saan nakatigil ang sasakyan ng mga Galang.


Pinunas niya ang luha gamit ang likod ng kamay niya. "Babalik daw kami, Batman. Wag ka na umiyak." Sabi niya habang panay pa rin ang pagbuhos ng luha.


Napasinghot si Thomas, "Hindi naman ako naiiyak. Ikaw kaya yun."


Pinunas ulit ni Ara ang mga luha niya. "Magpalaki ka ha. Para makasama ka na sa akin."


"Oo. Ikaw din, para maabot mo na yung ring nang court at di ka na matalo sa akin." Thomas grinned.


"Promise?"


"Oo. Promise. Peksman!"


Pinunas muli ni Ara ang luha. "Tatandaan ko yan."


"Vic! Halika na. May hahabulin pang meeting ang Papa mo sa Lubao!" Tawag ng nanay ni Ara.


"Babye Batman!" Ara waved her hands.


"Babye Angel!" Thomas waved back.


Ara ran towards her family. Tapos ay sumakay na ito sa sasakyan. Minasdan ni Thomas na lumayo ang itim na kotse nina Ara. He looked forward sa pagbabalik nito.


—-


"Mom, when will they be back?" Tanong ni Thomas sa Mommy niya pagkatapos nilang kumain noong gabing iyon.


Hindi siya nakakuha nang direktang sagot.


"Sa susunod na taon, maghahighschool na si Djun. Dito siya pag-aaralin ng Tita Ada mo. Makakasama niya yung Lola niya na mother naman ng Tito Victor mo." Paliwanag ni Marie sa bunso.


"Paano si Ara?" Tanong ni Thomas sa Mommy niya.


"Si Vic ba?" Ngumiti ang kanyang ina. "Maiiwan sila sa Lubao. Nandoon ang trabaho ng Papa nila."



Iyon ang unang paasa moment ni Thomas sa tanang buhay niya. 

After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon