Fourteenth

1.5K 83 0
                                    


"Susundan mo si Ara La Salle?" Gulat na tanong ni Owen nung kinuwento na ni Thomas ang napagdesisyunan. Kauuwi lang nila mula sa Tarlac matapos ang matagumpay na Palarong Pambansa. Sunog pa si Thomas dahil sa init.


"Hindi nga. Sa La Salle naman talaga ako. Dun si Kuya..." Sagot naman ni Thomas tapos drinibble ang bola at shinoot sa ring. Hindi pa rin siya makapaniwala na magkakasama sila sa isang pamantasan.


Si Ethan ang sunod na nakakuha bola, "E bakit parang ayaw mo? Magkasama pa rin kayo."


Tumigil si Owen at hinarap si Thomas, "P're may request lang ako pag nasa La Salle na kayo.." Seryosong pakiusap nito. "Sana, pag nasa La Salle na kayo.. Utang na loob, ligawan mo na si Ara! Siguro naman sapat na yung apat na taong pinanood namin kayo.."


"Sana maglakas loob ka na. Tapos sana tigilan niyo na ang taguan niyo.. Walang ganung event sa UAAP."


"Taguan?"


"TAGUAN NG FEELINGS!" Sabay na sigaw ng kambal sa kanya. 


Inakbayan siya ni Owen at iniharap si Thomas sa parte ng gym kung nasaan tumutulong si Ara sa volleyball summer clinic ng subdivision nila. "Alam naming malaki ang Maynila. At maraming pwedeng humigit sa'yo pagdating ninyo sa La Salle.. Pero si Thomas Torres ka, p're. Ikaw yung Batman niya.."


Saktong napatingin naman si Ara sa direksyon nang tatlo. Sabay sabay silang kumaway. Ngumiti si Ara. Habang nakatayo doon at pinagmamasdan ang dalaga, naisip niya na tama ang kambal. 

After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon