Game Three

3.1K 123 5
                                    

Matapos ang ilang araw, nabalitaan na lang ni Thomas na nakalabas na si Ara sa ospital. Hindi na kasi siya bumalik pa noong gabing isinugod si Ara doon. Sa susunod na linggo na kasi ang Final Exams, at hindi pa tapos ang Finals. Kailangan pa rin daw nitong magpakita ng suporta sa mga kagrupo niya. Sa kasamaang palad, bigong maipanalo ng mga kagrupo niya ang Finals. Nanalong muli ang defending champion matapos ang Finals Game 2.


Hindi naman sana niya dinamdam. Thomas thought to himself habang naglalakad papunta sa dorm ng Lady Spikers.


Kakatok palang siya noong napansin niyang naka-lock ang pinto. Napakamot siya sa ulo, walang tao sa dorm. Hinigpitan niya ang hawak sa plastic na dala.


Ibabalik na sana niya ang tsinelas ni Mika ngayon. Wala naman kasi siyang maisip na rason para pumunta sa dorm ng mga ito, at makisagap ng balita tungkol kay Ara. Ngayon lang niya naalala na hindi pa niya naibabalik ang tsinelas nito.


Sa kasamaang palad, walang tao sa dorm. Kamalasan nga naman.

Paalis na siya noong tinawag siya nang pamilya na boses.


"Hoy! Mang Tomas! Anong ginagawa mo dito?"


Lumingon si Thomas at nakitang patakbong lumalapit si Kim sa kanya. Nakasuot ito nang Lady Spiker shirt nila, at jeans.


"Babalik ko na sana yung tsinelas ni Mika. Kaso nakalock yung dorm niyo, paalis na sana ako."


"Nagpakain si Coach. Bumalik lang ako kasi naiwan ko cellphone ko."


Iniabot niya ang plastic na dala dito, "Oh. Ipasok mo na 'to. Salamat nga pala. Pasabi na lang kay Mika."


Kinuha naman ni Kim ang plastic, nagtatakang tumingin kay Thomas. "Hindi naman siguro si Mika ang puntirya mo, ano? Kasi syempre.. Alam mo naman."


"Ba't ba ang kulit mo Fajardo? Wala nga. Ibabalik ko lang talaga yung tsinelas niya." Iritang sagot niya.


Malutong na tumawa ang dalaga, "HAHAHA! Masungit dapat?"


Thomas rolled his eyes. He cleared his throat, "Okay lang yan Kim. Syempre naranasan din namin ang matalo. Part na yan ng buhay natin bilang athletes."


Kim's eyes blinked as she stared at Thomas. "Kinocomfort mo ba ako?"


Gusto matawa ni Thomas, "Para sa inyong lahat na yun."


"Ahh.." Patango tangong sagot ni Kim. "Pero mas masaya kung pagkain na lang ang ibigay mo. Mas matutuwa kami."


Napangiti na lang si Thomas at napailing sa kakulitan ni Kim. Naalala niya si Ara. "Kumusta si Kapitana?"


"Ayun, going strong sila ni Bang."


Ouch. Thomas cringed as though the pain was physical. Napansin na naman yun ni Kim. Wala talaga siyang takas sa mga mata ng babaeng ito.


After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon