Definitely, Maybe (Side Story) QUATRO

2K 66 7
                                    

"OWEN?!"


Napaatras si Owen noong marinig ang tinig na iyon. Napatingin siya sa pinto kung saan kanina pa nakatayo si Thomas. Una niyang nakita si Thomas, but the guy stepped away revealing the monster standing by the door. It was Kim..


Napailing si Thomas at napakamot sa ulo niya. "Wala akong alam dito, I swear. Pero mabuti pang mag-usap kayo.." Sabi niya. Hinila niya si Kim na tulala pa rin upang makapasok sa loob ng condo. Nanatili ring nakatayo si Owen sa pwesto niya.


"Lalabas muna ako." Sabi na lamang ng dating Green Archer bago lumabas at iniwan sa condo ang dalawa.


Napasuklay si Owen sa kulot niyang buhok tapos napahawak sa batok. Kung nakamamatay ang tingin na ibinigay sa kanya ni Kim, patay na siguro siya. Hindi niya maintindihan kung bakit nagwawala ang mga daga sa dibdib niya. Bumuntong hininga siya bago niyaya ang dalaga na maupo, "Umh.. Upo ka."


Kim rolled her eyes at saka nag-martsa patungo sa couch. Sumunod naman si Owen at saka umupo sa bakanteng silya na medyo malayo kay Kim. Hindi nagsalita ang dalaga, wala rin siyang maisip na sabihin.


"Umh.." He started. "Pumunta ka dito.. sa Condo." Paputol-putol niyang sabi. Nanatiling tahimik si Kim. "May dala kang foods?"


Mabilis na hinawakan ni Kim ang throw pillow sa tabi niya at binato ito kay Owen.


"ARAAAAY!"


"PACKING TAPE!" Sigaw ni Kim.

"PACKING TAPE ANG DALA KO! BA'T MO AKO PINAGTITRIPAN HA?!" Inis na tanong nito.


Pinulot ni Owen ang throw pillow na nahulog sa sahig pagkatapos nitong lumanding sa mukha niya. Niyakap niya ito at saka napayuko, "Sorry. Nalulungkot kasi ako dito."


"Ikaw? Nalulungkot?!" Tumawa si Kim. "Kelan pa?"


Kung may isang bagay man na hindi pwedeng maranasan ni Owen, sa imagination ni Kim ito ay ang makaramdam ng kalungkutan. Masyado siyang masayahin para maramdaman ang ganitong klaseng emosyon. Magalit siguro, possible ngunit ang malungkot.. Hindi ito lubos na maisip ni Kim.


Bahagyang natigilan ang binata sa tanong na iyon. Medyo nainsulto ata.


"Mula nung nawala ka.." Seryosong sagot ni Owen.


Tinitigan siya ni Kim bago ito sumagot, "Gago."


Tumawa si Owen, hanggang ngayon ay wala pa ring epekto sa dalaga ang mga hirit niya. "Sorry na. Wala kasi akong magawa dito. Magdadalawang linggo na ako dito sa Thursday." Nakangiting paliwanag ni Owen.


"San si Ethan?" Tanong ni Kim, umikot pa ang paningin nito sa kabahayan.


"Sa Angeles.."


Tinuro niya si Owen, "Ba't nandito ka?"

After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon