Twelfth

1.8K 101 6
                                    


Kinabukasan matapos maamin ni Thomas sa kambal ang pinagdaraanan ay agad na nag-isip ang dalawa ng paraan upang tulungan siya kay Ara.


Dahil school fair noon, naging abala si Ara sa mga activity ng SG. Si Thomas man ay ganun din. Tanghali, matapos ang lahat ng morning activities ay nagsimula na ang plano. Sinadya nilang wag magpakita kay Ara kahit panay na ang text nito na kumain na sila. Noong naisaayos na ang plano. Nagmartsa ang tatlong senior papunta sa radio booth ng school.


May dalang beatbox si Owen, si Ethan ay gitara samantalang si Thomas..


"Bakit wala akong dala?" Nagtataka niyang tanong noong nasa tapat na sila ng radio booth.


Itinabi ni Owen ang beatbox niya at saka hinarap si Thomas, inayos niya ang kwelyo nito pati na rin ang buhok at kilay. "Kasi dude, ikaw ang kakanta."


Seryosong sabi ni Owen, kinuha muli ang beat box at saka pumasok na sa loob ng booth.


"The fuck?" Tanong ni Thomas.


Campus wide harana ang naisip ng kambal.  Kabang kaba na pumasok si Thomas sa loob ng maliit na kwarto kung nasaan ang kaklase nilang si Angelo, ang DJ ng radio booth kasama ang partner nitong si Bernice. Isang kanta ng Up Dharma Down ang nasa ere noon.


"Isang kanta lang ha?" Pakiusap ni Angelo. "Baka magalit si Ms. Pam!"


Si Ms. Pam ang guro na in charge sa radio booth.


"Oo! Oo! Alam namin."


"Para san ba 'to?"


"Charity!" Sabay na sagot ng kambal kay Angelo. Napakamot na lamang si Angelo at bumalik na sa upuan niya, pinahiram muna ni Bernice ang mic niya sa tatlo. Muling sinuot ni Angelo ang headphones niya, noong matapos ang kanta ay pinakilala na niya ang mga bisita.


"Klasmeyts, ngayong tanghali nga pala may mga bisita tayo. And they are.."

Nagtitigan ang tatlo. Walang pangalan ang make up band nila. Naghihintay si Angelo. He mouthed to the boys, "PANGALAN."


But Owen was resourceful, lumapit siya sa mic at inanunsyo sa campus ang pangalan nila. "Kami po ang VSG Band."


The twins proudly grinned.


Sh-t. Thomas thought. 


"Owwww. VSG Band!" Sabi ni Angelo. "Your name sounds familiar!"


Hindi naman masyadong halata. Initials iyon ni Ara.


"Yes. VSG Band po. As in.. Voices So Great Band."


Gusto nang batukan ni Thomas si Owen na kanina pa bumibida. Hiyang hiya na siya sa mga pinagsasabi nito.


"These guys wanted to keep their identities a secret but for fun, let's ask for their screen names.."


Muling inere ang mic nilang tatlo. Nagpakilala silang tatlo bilang Tito, Vic at Joey.


"Wooow. Okay, naglakas loob po ang tatlong ito dahil gusto raw nilang maghandog ng isang awitin para sa inyo." Sabi ni Angelo. "Excited na ba kayo klasmeyts?" In-on niya ang sound effects for applause. "Simulan na natin.. High School Department, please welcome, The VSG Band!"


Binigay kay Thomas ang mic sapagkat siya ang magsisilbing vocalist nila. He cleared his throat at saka bahagyang nilakhan pa ang boses para di marecognize ng mga kaklase nila.


"Sa totoo lang po, hindi para sa inyo ang kantang 'to." Simula ni Thomas.


Natawa ang kambal sa background. "This song is for that one person who never fails to make me smile for no good reason at all.. You're the most beautiful mess I've seen, VSG."


Nagsimulang mag-strum ng gitara si Ethan, ganun din si Owen sa beat box niya. Nagsimula na ring kumanta si Thomas.


"You've got the best of both worlds,


You're the kind of girl who can take down a man


And lift  him back  up again.."


——


Natapos ang performance ng VSG Band sa radio booth. Dumagsa ang text messages na magperform ulit sila, may nagtatanong pa kung si VSG raw ba ay si Victonara Salas Galang. Agad na umalis ang tatlo sa radio booth at binalik kay Sir Abuel, Music Teacher, ang hiniram nilang gitara at beatbox. Kapag may nakakasalubong sila at tinatanong kung galing sila sa radio booth, sumasagot ang tatlo na inutusan sila ni Sir Abuel na ibalik ang mga instrument sa Music Room.


Dahil hindi pa sila nakakain noon, nagdesisyon ang tatlo na lumabas na lamang ng school. Nahiya kasi sila sa ginawa nila, batid nila na usap usapan pa rin ang performance nila ng A Beautiful Mess ni Jason Mraz. Nagawa na nila, saka pa sila nahiya.


Malapit na sila sa gate noong nakita nila si Vic na papasok, may dalang plastic na naglalaman ng styro.


Kinakabahan silang huminto noong nagkasalubong na.


"San ka galing?" Tanong ni Thomas.


"Sa labas? Binilhan ko kayo ng pagkain, wala na sa canteen e."


"Kanina pa?" Pasunod ni Owen.


Tumango si Ara, "Kumain na nga ako dun e."


Sabay sabay na bumagsak ang balikat ng tatlong binata. Hindi narinig ni Ara ang harana nila.

After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon