Game Twelve

3K 112 2
                                    

[Nacha's Note: Hi everyone! Thank you for making this story #74 in Fanfiction. The kind of support this story has received since day one is really overwhelming. I just want to let you know that there are only few chapters left until the finale. Ayoko namang magka-mini heart attack kayo kapag pinost ko na ang final chapter. :D ]


Panay ang lakad ni Thomas sa loob ng bahay nila, kundi ay sumisilip siya sa bintana upang tanawin kung dumating na ang sasakyan ni Kuya Djun. Maga-alas dose na noon ng tanghali.


"Kuya, kanina ka pa ha!" Saway ng kapatid niyang si Katrina.


Napataas ang kilay ni Thomas, "Bakit?"


Lumapit si Katrina sa Kuya niyang nakatayo sa may bintana. "Kanina ka pa palakad lakad sa bahay at pasilip silip dyan sa bintana. Bakit mo ba pinapahirapan ang sarili mo? Bakit di mo na lang tawagan si Ate Ara para malaman mo ang whereabouts niya?" Inis na tanong nito at saka iniwan na siya para bumalik sa pakikipaglaro sa maliliit pa nilang mga kapatid.


Nagulat si Thomas sa narinig mula sa kapatid. Binitiwan niya ang kurtina na kanina pa niya paulit-ulit na hinahawi upang sulyapan ang tahanan ng mga Galang. Mukhang tanga na ba siya dahil namimiss na niya si Ara? Huminga siya ng malalim at saka pumanhik na lamang pabalik sa kwarto niya.


Maghapong nagkulong si Thomas sa kwarto niya. Gabi na noong nagising siya. Wala man lang ngang nag-abala na gisingin siya para maghapunan.


Naalimpungatan ang binata ilang minuto bago mag alas onse ng gabi. Panay ang vibrate ng telepono niya. Kinuha niya ito mula sa mga unang nakatabon dito at agad na tinignan kung sino ang tumatawag sa oras na iyon.


Nakita niya ang pangalan ni Ara. Agad siyang kinabahan. He answered the call.


"Thomas.." Wika ng dalaga.


"B-Bakit Ara?" His voice croaked. Halatang bagong gising.


"Did I wake you up?"


Thomas scratched his eyes para makaadjust sa liwanag ng kwarto niya. "Umh..

No. Why did you call? Anong problema?"


"I haven't seen you in two days." The girl confessed.


Thomas bit his lip, Did she miss me the way I did? Such happy thoughts Thomas had in mind.


"Oo nga." The guy agreed.


"Labas ka, nasa tapat ako ng bahay niyo." Wika ng dalaga sa kabilang linya.


Mabilis na bumangon si Thomas sa kama upang tumakbo palapit sa bintana.

Hinawi niya ang kurtina at nakita si Ara na nakatayo sa harap ng tahanan ng mga Torres, nakaharap ito habang hawak sa kaliwang kamay ang telepono at kumakaway naman kay Thomas ang kanan nito. Thomas had to smile, he was beyond happy after seeing her again. Kumaway siya pabalik sa dalaga, "I'll be there." Sagot niya bago tinapos ang usapan at dali-daling bumaba para

After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon