Game Four

2.3K 119 0
                                    


Na-arouse na naman ang curiosity ng Wafs dahil sa biglaang pagpaparamdam ni Mister Donut. Nabigyan na naman ng rason si Kim na hanapin ang mysteryosong Mister Donut. She refused to leave Ara's room.


"Sa dami ng supply niya ng J.Co, pakiramdam ko may pagawaan sya nun. Gusto ko siyang makilala." Dahilan niya.


Kung hindi pa siya napilit ni Mika na bibilhan siya ng pagkain ay hindi pa siya aalis.


Nanatili namang palaisipan kay Ara ang katauhan ni Mister Donut. Gusto niyang isipin na si Thomas ito, dahil na rin sa nakita niya ito  sa kwarto niya kanina..


Pero si Thomas nga ba yun? She asked herself.


Hindi pa rin siya makapag-conclude, pakiramdam nga niya ang bunga lang ng imahinasyon niya si Thomas kanina. Nakatulog si Ara na yun ang iniisip.

—-


Noong natapos ang exams ay umuwi na agad si Thomas sa Pampanga. Hindi kasi siya nakauwi noong sembreak at pati na rin noong Pasko kaya naman excited na siyang makita ulit ang mga nakababatang kapatid at ang bahay nila.


Naiwan naman si Axel sa Maynila dahil sa trabaho nito.


Sa Pampanga magho-Holyweek si Thomas. Martes nang gabi noong makarating siya sa kanila. Nandoon ang Mommy at Daddy pati na rin ang mga kapatid niyang wala nang pasok.


Matutulog na sana siya noong nadesisyon siyang makipagharutan na muna sa mga ito. Marami pang dumadag sa pamilya matapos ipanganak si Thomas.


"Kuya! Ano ba? Nagbabasa ako!" Reklamo ni Katrina, kapatid na babae ni

Thomas noong matamaan ito ng bola na nilalaro nila.


"Nagbabasa?" Napataas ang kilay ng pangalawa sa pamilya. "Kelan pa?"


"Kanina pa po!" Sweet na sagot ni Katrina sa kanya.


Lumapit si Thomas at saka hinablot ang cellphone na kanina pa tinititigan ng kapatid niya. Nakabukas ang isang app na kulay orange ang layout. Parang e-book ito. Sandaling gumala ang paningin niya sa laman ng pahinang binabasa ng kapatid.


Humarap si Victonara at tinitigan siya sa mata. Natunaw ang intestines ni Thomas.


Natigilan si Thomas. Anong kalokohan ang meron sa app na yun?


"KUYA!" Sigaw ni Katrina at agad namang hinablot ang smartphone sa kamay ng Kuya Thomas niya.


"Ano yan?"


"Wattpad! Nagbabasa ako ng fanfiction ng ThomAra!"


"Thomar-ra?" Tanong ni Thomas. Akala niya ay si Arra na ex niya ang tinutukoy nito.


After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon