UPDATE

25 7 0
                                        

Mood: 😐

Tanda ko pa nung nainis ka kase wala man lang akong kapara-paramdam.

Na hindi ko man lang ikaw nabigyang balita kaagad kahit ilang oras lang akong hindi nakatugon.

Iyon ang unang tampuhan kahit alam kong wala namang namamagitan sa atin.

Magkausap lang kumbaga.

Naguumpisa sa kung anong gustong i-buo.

Kinikilala ang isa't isa hanggang sa malaman kung ano ba ang status.

I was happy that you were concerned about me.

But it does not feel right.

In a way na yung iginawad mo ay para bang may something kahit alam mong we were just starting.

Normal ba iyon?

E hindi pa nga nagtatagal.

Ganoon ka ba nangungulila sa akin?

O paraan mo lang iyon para pansinin ka?

Pero pinalampas naman iyon because those misunderstandings can be fixed by stating the truthful reasons.

Kung bakit hindi kaagad ako nakapag-update sa kadahilanang marami akong pinagkakaabalahan.

Very busy person na pati social life walang-wala.

Pero sinusubukan ko namang magbigay ng katiting na oras.

Kahit late and hindi kaagad makatugon, I am trying my best to have the quality time needed.

Yes, it is precious but hard because I cannot commit fully.

Sinisigurado ko naman na hindi ako magpapahuli kahit anong mangyari.

Hindi magtatagal nang ilang araw. Maybe just a day or two because of how important things are.

Pasensya na kung may pagkakataong hindi ko masingit ikaw doon.

Pero given with the situation, alam namang may personal life din ako.

Hays bakit ba ganoon ang nahantong?

Just missed an update tapos nagkaganito na?

Is this actually serious?

Going back, tao lang din naman ako. May buhay at hindi lahat ng bagay pumapaikot sa iyo.

Kaya nung nagkabati na, doon na napaniguradong aayusin ang mga kinakailangan.

At isa sa mga iyon ay ang pag-update.

Dinaig mo pa ang magulang na pagsasabihan tungkol sa araw.

Just to talk about something what did I do?

How was my day? Does it end well?

How are you? Are you fine?

Can you tell me stories, and updates regarding to your day?

Normal ba iyon? Or nasanay lang ako sa ganoong estado dahil hindi naman ako yung tipong pala-salita at mas pipiliing mag-respond?

Has it become a routine that I never thought of?

Ang dali lang sa akin gawa na maraming nagaganap kahit halos sa mga iyon ay paulit-ulit lamang.

Sa iyo kaya anong sa palagay mo?

Na-satisfy ka na ba doon? Naghahanap ka pa?

Not enough ba yung napangakuan? Bakit hindi mo ayusin?

Was the update felt like it needs more? Kung gayon, sana magcontribute ka even right now.

Don't JUDGE MeWhere stories live. Discover now