Chapter 23 (part 2) : Bagay tayo eh noh? :)

Magsimula sa umpisa
                                    

Medyo di ako katangkaran kaya di ko siya makita. Nagtitip toe na ako kaso di ko talaga siya makita. Nadadagi na rin ako ng mga dumadaan kaya gumilid muna ako. Cellphone? Itetext ko siya. Kinapa ko yung bulsa ko. Shemai (=_________=) Naiwan ko ang aking cellphone. Hais. Mapapansin naman niya na nawawala ako diba? Nandito lang naman ako eh. Babalikan rin ako nun.

kaso....

*15mins passed*

Nakayuko na lang ako tapos nakahawak dito sa may railing n mall.

"There you are!" Pag angat ko ng ulo ko si Warren halatang pawis na pawis. "San ka ba nagsusuot suot? Kanina pa kita hinahanap?"

"Warren, kasi ang sikip kanina nabitawan ko yung kamay mo tapos pagtingin ko wala ka na. Bakit ngayon mo lang ako binalikan? Di mo ba napansin na hindi na ako nakahawak sa kamay mo?"

"Akala ko kasi andun ka sa blue magic. May malaking koalang stuff toy na binebenta dun"

"Bat naman ako pupunta dun ng di ka kasama?!" Naiiyak na ako kasi akala ko iniwan niya ako.

"I know. Kaya nga eto oh binili ko na to" pinakita niya sa akin yung malaking koala stuff toy "Nagiisa na lang kasi" tapos ngumiti siya.

Hinampas ko yung braso niya "Nakakainis ka mas inuna mo pa yang koala na yan akala ko iniwan mo na ako"

"HAHAHAHAHAHAHA. Why should I do that? Youre my valentine right?"

"Eh kasi naman eh malay ko ba?" patuloy pa rin siya sa pagtawa.

"Never let go of me kasi" inabot niya ulit yung kamay niya sa akin.

Kinuha ko yung kamay niya tapos nagsabi siya ng "kasi Im never letting you go"

(>___________<)

(>/////////////////////////<)

Naglakad na kami ulit at lalo kong hinigpitan yung pagkakahawak ko sa kamay ni Warren. Halatang kinakabahan ako habang magka-holding hands kami. Eh kasi naman wag ganun.

"P-lease ne-ver let go of me Some-day kahit na.." yan na lang ang nabulong ko at napayuko na lang ako.

Paano ko sasabihin sa kanya kung ganito ang pagtrato niya sa akin?

Bakit he never fails to make me feel I am loved?

______________________________________________________________________________

Di ko na lang namalayan nasa Ice cream store na kami. Pinaupo niya yung stufftoy sa gitna namin tapos kami magkaharap.

"Bakit tayo nandito?" tanong ko kay Warren

"Hmm kasi baka nagugutom ka na?"

"Eh kakakain lang natin sa loob nung sinehan dba?"

"Dessert" ^_____________^

"Uh Okay" Binuksan ko yung menu.

Lumapit sa amin yung Waiter tapos naglapag ng ice cream.

"Sir eto na po yung coffee crumble ice cream for two na order niyo"

"Thanks" umalis na yung waiter

"Di pa naman tayo umoorder ah?" bulong ko sa kanya

"Di ba ito favorite mo? Gusto ko rin sanang matikman" (^______________^)

".................................." Speechless ako sa kanya nakatingin ng bakit-alam-mo-to look. Una yung koala tapos eto.

"O sige sasabihin ko na sayo. Nagresearch ako. Syempre hindi lang naman pagtatanong kung bagay tayo ang ginawa ko no?" naglean siya papalapit sa akin.

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon