Kaya pala, lagi siyang nagpupumilit na dito siya makikitulog sa akin! At kapag humihindi naman ako ay lagi niya akong pangungunahan ng galit, sa tuwing minsan pa nga ay nagdadabog siya para lang mapilit niya ako na mapatulog siya sa kwarto ko.

"Avygail?"

Agad kong pinunasan ang luha ko nang marinig kong kumakatok si Tita Cassandra, binuksan ko ang pinto at agad naman niya akong niyakap.

Umupo kaming dalawa sa kama ko, "Pasensya ka na sa anak ko ha? Pinalaki ko naman siya ng maayos, paulit-ulit kong pinapangaralan na sana ay maging mabuting bata siya. Eh, mas lumala pa siya kaysa sa ama niya."

"S—Sorry din po... Mas nakakagulo din po ako sa sitwasyon."

"Hindi anak." Sabi niya habang sinuklay ang aking buhok, "Wala ka namang kasalanan dito, at sana kung ano man ang ginawa sa'yo ni Aivan. Sabihin mo sa akin ng bukal sa loob mo. May ginawa ba siya sa'yo bukod sa pananakit niya at paghalik niya sa'yo sa tuwing natutulog ka?"

Nag-isip pa ako ng iba pa, "Kapag po wala kayo dito.. Lagi po siyang pumupunta sa kwarto ko tapos pinapaiyak niya ako... Tapos minsan po, sa terrace— kapag wala po si Yaya at kayo pati si Kuya Ryan ay nakikita ko siya na nagma-marijuana, kasama niya po 'yung kaklase namin na si Eric dahil pinapapunta ni Aivan si Eric para lang gawin nila 'yon... Nalaman ko po iyon dahil, naririnig ko po sa usapan nila at base na rin sa nakikita kong ginagawa nila."

Napatigil ako namg mapamura si Tita at saka tumayo at nakapameywang, "Ano pa?"

"Ngayon ko lang po 'yon sinabi sa inyo dahil pinagbantaan niya po ako na bubugbugin niya po ako kapag nagsumbong ako sa inyo. Alam ko naman po na kaya niyang gawin iyon sa akin, dahil minsan niya na rin po akong nasaktan."

Napayuko at pinagdikit ang palad ko, "Sorry po... Ngayon ko lang po sinabi sa inyo. Sorry po, sorry po." Umiiyak na sabi ko ngunit naramdaman ko ang bisig ni Tita sa akin.

"Bibigyan namin ng leksyon si Aivan. Hindi naman palalampasin ni Blake ang katarantaduhan ng batang 'yon." Sabi niya habang pinapatahan ako, "Sige na, matulog ka na. Magpahinga ka."

Paglabas ni Tita Cassandra ng kwarto ko ay napayakap ako sa katabi kong unan. Hindi mawala sa isip ko ang lahat ng nalaman ko ngayong araw. Una ay mangingibang bansa na pala si Aivan at doon na pala maninirahan. Pangalawa ay nalaman kong maraming videos si Aivan kasama ng iba't-ibang babae, hindi na nga dapat pa akong magulat pero hindi ko maiwasan dahil hindi ko naman talaga inaakala na kaya niyang magrecord ng ganoon. Ikatlo ay nalaman ko na may mga litrato pala kami ni Aivan na hinahalik-halikan niya ako at ang pinakamalala pa ay sa labi ko pa.

Sobra na si Aivan... Napakarami niyang bisyo na sa puntong hindi na talaga nakakatuwa at nakakaganda sa imahe.

Totoo rin ang sinabi ko kay Tita, dahil noong nakaraang buwan lang ay nakita ko na naman si Aivan na kasama si Eric na nasa terrace. Narinig ko ang usapan nila na magmamarijuana raw sila, at huli ko nga sila sa akto na totoo ang ginagawa nila.

Ilang minuto pa ay narinig ko na mula sa kabilang kwarto ang pahapyaw na sigaw ni Aivan, sigurado ako na sinisinturon na naman ni Daddy si Aivan.

Kasalanan din naman kasi talaga ni Aivan — Kung sana kasi ay nagtino siya, sana ay hindi siya mabubugbog ni Daddy.

Tama rin naman ang ginagawa ni Daddy na pagdidisiplina kay Aivan dahil talagang sumusobra na si Aivan. Hindi na kasi tama ang ginagawa niya.

Ilang araw na lang naman ang hihintayin ko para makalayo sa akin si Aivan at para maging matahimik na ang buhay ko?

Dalawang araw na lang naman ay aalis na siya patungong Amerika, at sana ay lubayan na niya ako, ayaw ko na talaga ng gulo.

Mabuti naman at dinalaw na rin ako ng antok.

Naalimpungatan ako nang may marinig akong bumakas-sara ang kwarto ko. Malakas kasi ang instict ko sa tuwing bumubukas o sumasara ang pintuan ng kwarto ko, kaya kahit natutulog ako ay naaalimpungatan ako.

Tinignan ko rin ang bedside clock, 2:00 AM.

Paglingon ko kung sino ang pumasok sa kwarto ko ay si Aivan, kaya agad akong napa-upo sa kama at napalayo sa kanya. Nawala tuloy ang antok ko ng kusa dahil lang sa presensya niya.

May bitbit siyang dalawang bag, 'yung isa ay bitbit niya sa likuran niya habang 'yung isa naman ay wala pa namang laman.

Habang papalapit siya sa akin ay mas lalo kong nakikita ang mga galos niya sa mukha, naka-sando rin siya kaya kitang-kita ko ang mga sugat na natamo sa braso niya sa ginawang pagdidisiplina ni Daddy sa kanya.

Hindi kaya totohanin niya ang sinabi niya sa aking bubugbugin niya ako kapag nagsumbong ako kila Tita? Kaya siya pumunta rito?

Muli akong napa-atras, kinuha ko ang katabi kong unan upang iharang sa katawan ko pero mas mabilis siya kaya bago ko pa iharang ang unan sa katawan ko ay naramdaman ko na ang bisig niyang yumayapos sa akin.

Hindi ako makagalaw sa ginawa niyang iyon. Parang tumigil yung mundo ko ng ilang segundo dahil sa pagyakap niya, first time lang niyang ginawa sa akin iyon. First time pero parang magiging memorable pa dahil ito lang naman ang first at paniguradong last.

Buong akala ko ay sasaktan ako ni Aivan pero yayakapin lang pala niya ako, kaya kahit papaano ay nawala ng kaunti ang kaba ko.

Matapos ang mahigpit na yakap niya ay saka naman niya hinawakan ang kamay ko pagkatapos ay ipinakita sa akin ang bag na walang laman, "A—Anong gagawin ko diyan?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

Nakita ko ang pagtaas-baba ng adams apple niya, "May naipon naman akong pera, sapat na siguro iyon para mabuhay tayong dalawa ng kahit na ilang buwan. Maghahanap ako ng trabaho, pag-aaralin kita hanggang s—"

"Anong ibig mong sabihin?" Ang ibig ba niyang sabihin ay tanan? "Hindi mo yata naiintindihan ang mga sinasabi mo. Bata pa tayo, marami pang pwedeng mangyari sa atin. Kung ang pagtatanan ang solusyon mo para hindi matuloy ang pag-alis mo ay nagkakamali ka, at sa tingin mo ay paano ka makakahanap ng trabaho kung under age ka? Sinong tatanggap sayong kompanya? Ni hindi ka pa nga nakakapagtapos ng pag-aaral. Kung gusto mo akong isama para lang magkaroon ng pagtitripan at paiiyakin sa araw-araw ay huwag na. Matagal ko nang pinagbayaran lahat ng kasalanan ng Mama ko sa'yo. Sa araw-araw na pagtira ko sa bahay na 'to, walang oras na hindi mo ginugulo ang buhay ko, walang oras na hindi mo ako pineperwisyo, matagal ko nang nabayaran lahat ng kasalanan ng Mama ko sa'yo, Aivan. Matagal na at sana, matuto kang mag-move on."

Napayuko siya at pansin ko ang pagtaas-baba ng balikat niya, umiiyak siya. "G—Gusto ko lang na makasama ka... 'Y—Yon lang, at magbabagong buhay na rin naman ako. Ito lang paraan ko para hindi na ako matuloy sa Amerika."

"Para ano? Para paiyakin ulit? Para saktan ng paulit-ulit? Huwag mo akong daanin sa iyak mong iyan, Aivan. Alam kong peke ang lahat ng ipinapakita mo. Sana man lang ay harapin mo ang problema mo hindi 'yung tatakasan mo."

Lumuhod siya sa harapan ko na tila nagmamakaawa, "S—Sige na, sumama ka na sa akin. H—Hindi na kita paiiyakin, hindi na kita sasaktan. T—Titigilan ko na ang pagbabarkada ko. A—Alam kong marami akong kasalanan sa'yo at kung alam mo lang kung gaano ako kaseryoso sa mga sinasabi ko, maniwala ka... Pipilitin kong magbago. Pangako."

Prince Of The Womanizers (Completed) Where stories live. Discover now