Hindi na lamang ako naka-imik sa sinabi niya.

"Heto... Tignan mo ito." Sabi ni Daddy habang seryoso ang kanyang mukha.

Nang lumapit akong muli sa kinaroroonan niya ay agad kong binalingan ang screen ng laptop at sa gulat ko ay halos mapatumba ako mula sa pagkakatayo.

"Alam mo ba 'yan, Avy?" Hindi natutuwa ang boses na Daddy sa tanong niyang iyon kundi galit.

Agad akong umiling-iling. "H—Hindi ko po alam 'yan... P—Promise po." Agad kong itinaas ang kamay ko na tila nanunumpa, nanunubig din ang mata ko habang nakatitig ang mata ko sa screen ng laptop.

Mariing napapikit si Daddy sabay sa pagpisil ng kanyang ilong na tila ba naiinis na, "Avy." Mariing sabi niya sabay titig ng malalim sa akin, "May itinatago ba kayong sikreto ni Aivan? Sige na, sabihin mo na. Hindi ako magagalit." Sabi niya sa akin kasabay ng paglalam mg kanyang mga mata.

Hindi ko naman kasi talaga alam ang nasa larawan. Hindi nga ako makapaniwala na mayroon pala kaming ganoong larawan ni Aivan.

Nakapikit ang mata ko non, na mahahalata mo naman na tulog ako, ngunit sa litratong iyon ay katabi ko si Aivan habang nakadikit ang labi niya sa labi ko, parehas kaming naka-sideview sa litratong iyon.

Kahit kailan ay wala naman akong naaalala na may nangyaring ganoon sa amin ni Aivan.

Nakakasama lang din ng loob dahil hindi ko naman alam na may first kiss na pala ako at sa bwisit na Aivan pa na iyon!

"Sige na, Avy. Sabihin mo na ang totoo sa akin." Sabi pa ni Daddy.

Tumulo ang luha ko. "Wala po talaga, Daddy.. pero aaminin ko po sa inyo na halos gabi-gabi po siyang natutulog sa kwarto ko dahil gusto niyang doon siya matulog. Hindi ko lang po masabi sa inyo dahil ayoko lang po talaga ng gulo. H—Hindi ko naman po alam na may gagawin siya. Hindi ko po talaga alam." Umiiyak na sabi ko.

Sa kakaiyak ko ay hindi ko na namalayan na akap-akap na pala ako ni Daddy. "H'wag ka nang umiyak. Hindi naman kami galit ng Mama Cassie mo sa'yo. Sige na, tahan na—" Hindi na niya natapos pa ang sasabihin niya dahil may humila na sa akin.

Gulat na gulat akong napatingin kay Aivan.

"Bakit yakap-yakap mo si Avy ha?" Sabi niya at saka ako ipinwesto sa likuran niya. Naguguluhan ko siyang tinignan.

"Aba't! Sumasagot ka na talaga?!" Si Daddy 'yon na tila galit na galit na talaga.

Sa likuran ni Aivan ako naka-pwesto, parang tinatago niya ako sa posisyon namin kaya naguguluhan na talaga ako sa kanya. Hindi ko siya maintindihan.

"Eh yakap mo si Avy eh!" Sabi ni Aivan, "Bakit mo yakap si Avy?"

Binalingan naman ako ng tingin ni Daddy, "Avygail.. Umakyat ka na sa kwarto mo. Pupuntahan ka ng Mama Cassandra mo."

Mabilis akong umakyat sa kwarto ko.

Pagkasara ko ng pinto ay muling bumulusok ang luha ko. Nakakainis! Wala akong kaalam-alam na tuwing gabi pala kapag nakikitulog si Aivan sa kwarto ko ay hinahalik-halikan na niya pala ako! Kung alam ko lang sana na may gagawin pala siya sa akin ay makikipagpatayan pa talaga ako sa kanya para lang hindi na siya makapasok sa kwarto ko.

Prince Of The Womanizers (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon