"A-anong laman nyan?"

"Buksan mo?"

Umupo ako upang buksan ang zipper nito. Namilog ang mga mata na para bang nasilaw ako sa laman nito. "D-drugs?"

Humawak sa mga kamay ko si Ariel. "Magagawa mo, 'di ba? Iyan na lang talaga ang maitutulong ko, Ruby."

Kaya kong magbenta nito kung gugustuhin ko. Mako-contact ko pa siguro ang mga dating customers ng ex kong si Jayson. Pero matagal na akong tumigil sa ganitong gawain. Nagawa ko lang naman ito dati dahil sa nagipit na ako, pero buong pusong pinagsisihan ko na iyon ngayon. Ayaw ko na. Gusto ko nang kalimutan ang mga maling desisyon ko noon. 

"Kapag napaubos mo ang isang bag na ito, sampung porsyento sa pagkakautang ng tatay mo ang mababayaran." Paliwanag ni Ariel. "Ipinakiusap ko pa talaga kay kuya na ikaw ang gawing dealer at seller niyan para naman kahit papaano ay may maitulong ako sa'yo, baka kasi in the end ay tayo pa rin kapag na-realize mo ng hindi mo pala kayang mawala ako sa buhay mo."

Napatanga ako. Di ko pansin ang huling banat niya. Natuon ang atensyon ko sa mga drugs. Sumatotal, sampung bag ang kailangan kong maibenta para makabayad ng buo. But it takes a lot of time. Hindi naman big timer ang mga dating customer ko na bumibili ng ganito kaya matatagalan bago ko mapaubos ito.

"Ito na lang ang paraan para maisalba mo ang buhay ng pamilya mo. Mapanganib na tao si Don Salvador. Importante sa kanya ang bawat sentimo, kaya hindi nya papaligtasin ang tatay mo dahil may kalakihan ang pagkakautang nito."

Tumitig ako sa mga mata ni Ariel. Pagkuwan ay humugot ako sa aking shoulder bag at inabutan ko sya ng tissue.

Kinuha nya iyon. "A-ano ito?"

"Tissue. Magpunas ka ng laway mo."

...

NANG MAKALAPIT AKO sa bakal na gate ng mansyon ni Lord K agad kong pinindot ang doorbell. Makapag-unwind muna kasama ang mahal ko. Saka ko na iisipin ang mga problema, saka umaasa pa rin kasi ako na may mangyayaring milagro.

At walang makakasira ng araw ko ngayon. Dahil ang araw na ito ay napakahalaga sa akin. Sa amin ng mahal ko. Inayos ko pa ang sarili ko bago ko muling pinindot ang doorbell.

Feeling excited: iyan ang status ko. Kanina pa kaya ako gising para paghandaan ang araw na ito. Pero bakit ganito? Ayaw tumunog nitong buton. Isa pa nga. Pinindot ko muli. Ngunit ayaw pa ring tumunog nito.

"Anong kailangan mo?"

Kamuntik na akong mapatalon nang magsalita ito. Akala ko doorbell itong pinipindot ko, ilong pala. Mantakin ba naman kasing sinalapad ng buton itong nose ni Aling Sita.

Ngumiwi ako. "Magandang araw po, Manang Sita. Nandyan po ba si Lord K?"

Sumimangot siya. "Pasok." Walang emosyon nyang utos sa akin.

Hindi na ako kumibo at tumalima na lang sa kanya. Pagpasok namin sa malaking pinto ay dumerecho kami sa sala.

Pagharap namin sa magarang hagdanan ay inginuso nya ang daan patungo roon. "Umakyat ka na lang." pulado ang kanyang ilong.

"Salamat, ho." Pagkasabi ay naglakad na ako pataas.

Mula sa malalaking bintana ay natanaw ko na ang isang lalaking nakatalikod. Nakapamulsa sya na parang walang ibang ingay na naririnig sa paligid kundi ang sariling paghinga. Halata sa tindig nya na wala syang pakialam sa kahit saan na tila ba nabubuhay na para sa sarili lamang. Nang ilang hakbang na lang ang layo ko sa kanya ay tumikhim ako.

Gumalaw lang ang kanyang panga mula sa likuran nang maramdaman nya ang presensya ko. Hindi nya ako nilingon.

Kumabog ang dibdib ko. Bakit ba sa tuwi na lang nagkikita kami ay nararamdaman ko ito na para bang taon kaming hindi nagkita? Naroon palagi sa akin ang pananabik. Sinikap kong huminga nang maayos. "K-kumusta ka, Pabebe ko?"

Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon