Chapter 1: The Chosen Few (Ang Iilang Napili)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sir, bukas na po ang pinto," wika ng isang pulis.

"Sige, simulan na ang pagdakip sa kanya."

Labag man sa kanyang kalooban ay pinapasok niya ang kanyang mga kasamahan. Napapangiwi na lamang siya habang tinitingnan ang kanyang mga tauhan na pursigidong galugarin ang buong lugar. Nahuhuli lamang siya kanilang lahat at inaabangan ang kung ano mang mangyayari.

_________________________

Isang binata naman ang nakatingin mula sa loob ng kanyang bintana. Bahgya lamang niyang hinawi ang kurtina ng bintanang iyon upang sulyapan ang pinuno ng mga pulis na ipinadala ng gobyerno upang galugarin ang buong lugar. Isinara niya na ito nang makitang tututukan na ng ilaw ng isang heli ship ang bintanang iyon. Tumalikod lamang siya at tumungo sa kanyang mesa kung saan nakalapag doon ang isang aparato na tila inilalagay sa braso ng kung sino man ang gagamit nito. May pormang bilog itong bakal sa gitna na sumasakto sa kanyang palad. Sinuot niya iyon sa kanyang kanang braso at ikinabit niya ang maliit na wire na umaabot na sa kanyang balikat patungo sa kanyang memory gene. Maya-maya pa ay umilaw ito ng kulay berde, sa kadiliman ay iyon lamang ang nagsilbing liwanag upang makita ang buong kwarto.


"S-Sir...sigurado na po ba kayo?" tanong ng isang matandang lalaki na nakatayo lamang sa gilid ng pintuan ng kwartong iyon. Posturang postura itong nakatayo at nakasuot pa ng coat and tie.


"Brigand. Napakagaling mong butler. Inalagaan mo ako at binantayan. Hindi mo ako pinabayaan, pitong taong gulang pa lamang ako noon. Pero sa tingin ko ay tapos na ang pagtatrabaho mo sa akin. Maraming salamat kaibigan." 


Ngumiti na lamang ang binatang iyon at lumapit sa kanya. Naglakad naman ang kanyang butler patungo sa kanya, may kung ano itong kinuha mula sa kanyang bulsa at nang makuha niya na ang bagay na iyon ay agad niya itong iniabot sa binata. Kinuha niya naman iyon gamit ang kanyang kanang kamay kung saan nakasuot ang kakaibang aparato. Umiilaw pa rin ng berde ang ilang kable nito maging ang bilog na bakal sa likod at harap ng kanyang palad.


Isang pocket watch ang iniabot ng kanyang butler. Agad niya iyong binuksan gamit ang isang boton sa ibabaw nito. Bumukas naman ito at doon ay nakita niya ang isang litrato sa likod ng takip. Isang lalaki na nakangiti ang makikita sa litratong iyon. Agad niya itong isinara nang makaramdam siya ng hindi maganda. Napapikit na lamang siya, napakunot ang kanyang noo at tila napapaluha.


"Alam kong hindi mo ginustong gawin ang lahat ng 'to. Pero dapat mong malaman, siya pa rin ang iyong ama. Dylan...kahit na pagbali-baliktarin pa ang mundo ay hindi mo iyon maikakaila. Ginawa niya iyon para sa kaligtasan mo. Dapat mong maintindihan 'yan," paliwanag ni Brigand, ang kanyang butler.


Kahit nanginginig ang kanyang kamay ay kinuha niya ang pocket watch na iyon at inilagay sa kanyang itim na coat na nakapatong sa kanyang upuan. Isinuto niya iyon, natakpan naman ng manggas ng coat na iyon ang aparato na kanyang suot. Kinuha niya din ang isang pares ng itim na gwantes sa kanyang mesa at isinuot iyon sa kanyang mga kamay. Tinakpan niya din ang kulay berdeng ilaw na nasa kanyang kanang kamay gamit ang gwantes na iyon.


"Handa na ako...Brigand," wika niya.


"P-Pero sir...mas maigi pang tumakas na lang kayo. Iwan niyo na ako dito."


Agad naman siyang lumapit sa kanyang buttler at kinapitan ang kanyang balikat. Matapos noon ay niyakap niya ito at tinapik sa likod.

Project: Black Out (Philippines: Year 2300 Prequel) #Wattys2016 #TrailblazersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon