"S..sandali. Ma.. May pupuntahan muna ako," uta-utal kong bigkas sa aking hinahabol na hininga.
Agad akong lumabas ng kwarto habang pilit na tinutulak ang nanginging kong paa. Dapat akong maghingi ng tulong na turuan kami, nang sa gayon ay mayroon na kaming pangunahing kaalaman. Isa lang ang taong kwalipikado upang tulungan kami. At yun ay si Five, dahil naikwento niya sa akin noon na palagi silang nag-aaral sa kanilang orphanage. Luminga ako sa paligid ng silid; sa kabutihang palad, madali ito dahil may numero sa pintuan. Bawat isa ay nakapares at nakatalaga sa isang silid. Agad kong hinanap ang silid ni Five.
Nang mahanap ko na ito ay agad akong kumatok, mabilis din niya itong binuksan.
"Fifteen," masayang bati niya.
"Anong kailangan mo?" nagagalak na tanong niya.
"Pwede mo ba kaming tulungan?" nahihiya kong tanong.
Kumurap siya ng dalawang beses at pinako ang naguguluhang mata niya sa akin. "Tulong?" nalilito niyang tanong.
Napalunok ako. "Hindi kasi kami marunong magbasa at magsulat ni Sixteen, pwede mo ba kaming tulungan?"
Nagsimulang magningning ang kanyang mata sa kasiyahan at isang dalisay na ngiti ang naipinta sa kanyang mukha.
"Oo naman, utang ko kaya ang buhay ko sayo," masayang tugon niya.
Sabay kaming naglakad patungo sa aking kwarto.
"Sixteen, siya pala si Five, siya ang tuturo sa atin," pagpapakilala ko.
Iwinagayway ni Five ang kanyang palad.
Umupo kami sa mga upuan at pumalibot sa malaking mesa. Nagsimula kami agad dahil wala na kaming gaanong oras. Binuksan ni Five ang libro at namahagi ng mga bolpen at papel.
Matiyaga niya kaming tinuruan ng abakada at ang tamang tunog nito. Tinuruan niya rin kami kung paano magbasa ng pantig-pantig at pati na rin ang mga pangunahing operasyon sa matematika.
Itinuon namin ang aming mata kay Five at determinadong nakikinig. Nilabanan ko ang pagod at antok sapagkat ang layunin ko ay magkaroon ng kaalaman. Kaya't ginawa namin ang aming makakaya. Tumingin ako kay Sixteen; siya ay labis na sabik at determinadong mag-aral.
Pagkatapos ng anim na mabunga at produktibong oras ay nagpaalam na si Five dahil kailangan niya ng magpaghinga. Samantalang kami ni Sixteen, ay patuloy pa rin sa pagbabasa at pag-aaral ng aklat.
Determinado kaming nag-aral. Sinikap kong unawain at isaulo ang lahat na impormasyon. Dahil sa aming matinding konsentrasyon ay hindi na namin namalayan na alas-6 napala ng umaga. Wala man lang kaming pagkakataon upang makatulog.
Nang handa na akong umidlip, isang malakas na anunsiyo ang gumulat sa akin.
Good day, Subjects of Dark Academia. Kindly leave your rooms and follow the guards to your classroom, as the first class begins right now.
Agad kaming lumabas at naglinya at sinundan ang guard tungo sa aming classroom.
Pagpasok ko, ramdam ko ang matinding kaba habang tinitingan ang napakalawak at puting-silid aralan. Ang mga silya at lamesa ay maayos na nakahiwalay, isang metro ang pagitan, at walang paraan upang makipag-usap sa iyong katabi dahil sa malaking distansya. Sa harap ng silid ay may malaking puting board at podium. Umupo kami ayon sa aming mga numero.
Nabalutan ng kadiliman at lamig ang silid- aralan nang pumasok ang isang matandang babae. Nakasuot siya ng itim na damit na umaayon sa kanyang puting buhok. Nagsuot din siya ng makapal na itim na salamin sa na nagbigay ng isang nakakabagabag na aura. Mabagal siyang naglalakad sa kanyang mayukyok na postura.
"Good morning, everyone. I'm Mrs. Martha, your teacher . Slow learners are not allowed in my class," saad niya sa kanyang nakakakilabot na boses.
Binuksan niya ang kanyang bag at kinuha ang nakatambak na papel.
"I will give you a pretest to assess your knowledge," saad niya at nagsimulang ipinamahagi isa-isa ang mga papel.
"Finish this within 30 minutes."
Ang binti ko ay nagsimulang kumatal-katal habang patuloy na dumadaloy ang malamig kong pawis. Habang nagsisikap akong pigilan ang mabilis na tibok ng aking puso, isang matinding lamig ang bumabalot sa akin.
Pagsusulit? Agad? Kahit na nagsunog ako ng kilay buong gabi ay hindi pa rin ako kampante sa aking kaalaman.
Isang malakas na tunog ng orasan ang hudyat ng pagsisimula ng pagsusulit, at lahat ay nagsimulang yumuko at humawak ng kanilang panulat.
Sinumulan ko ring tingnan ang papel. Ang pagsusulit ay nahahati sa tatlong bahagi: Agham, Ingles at Matematika.
Sa kabutihang-palad, nabasa at nasaulo ko ang impormasyon kanina sa agham. Ang mga tanong ay lubos na tiyak. Lahat ng impormasyon ay nasa aklat, kaya't madali para sa akin. Agad kong natapos ang agham at nagsimulang sagutan ang Ingles. Ang ilang mga tanong ay talagang teknikal at mahirap, ngunit pinagsikapan kong intindihin ito.
Lumipas na ang sampung minuto at nasa kalagitnaan pa lang ako ng Ingles. Ang biglang pagtayo at paglakad ng isang estudyante ang gumulat sa amin. Siya ay walang iba kundi si Nine.
Tapos na niya agad? Wala pa nga ako sa Math. Lumakad siya papunta sa guro at buong kumpiyansang pinasa ang kanyang papel. Sino ba talaga itong si Nine?
Matapos ni Nine ay sinundan din ito ni Three.
Napakagaling talaga nilang dalawa. Tama nga ang hinuha ko na dapat kaming mag-ingat sa kanila.
Humigop ako ng malalim na hininga bago ipagpatuloy ang pagsagot. Natapos ko ang Ingles at pagkatapos ay lumipat ako sa susunod na pahina upang sagutin ang matematika.
Nagsimulang lumabo ang aking paningin habang tinitingnan ko ang isang kakaibang ekwasyon. Lumunok ako; ang tanong na ito ay tila hindi angkop para sa aming edad. Para itong tanong sa antas kolehiyo.
May pinaghalong x at y sa numero; kakasimula ko palang ngang aralin ang mga pangunahing operasyon ng matematika . Paano ako makakasagot dito?
Kahit na durugin at pigain ko pa ang utak ko, ay wala talaga akong masasagot dito sapagkat hindi ko alam ang angkop na formula rito.
"10 minutes left," anunsyo niya.
Patuloy kong pinipiga ang aking ulo at pinapalapad ang aking mga mata habang tinitingnan ang tanong. Paano ba to? Ano ang isasagot ko rito? Ni hindi ko nga alam kung bakit mayroong mga titik dito.
Sa kabila ng matindi kong pagsisikap, hindi ko magawang sagutin ito. Kaya't wala namang dahilan para magtagal ako sa tanong na ito.
Tumayo ako at nagsimulang maglakad patungo kay Mrs. Martha at pinasa ang aking papel na walang sagot sa matematika. Tinggap ko nalang ang aking kapalaran.
"5 minutes left," anunsyo niya.
Habang nagsimula akong maglakad patungo sa aking upuan, isang tao ang gumambala sa akin.
"Sigurado ka ba sa sagot mo sa likuran?" tanong niya.
Idinako ko ang aking tingin sa taong nagtanong sa akin.
"Nine?" mahina kong bigkas.
"Siguradong-sigurado," pagsisinungaling ko.
Ngumisi ako at inayos ang aking postura. Dapat magmukha akong kumpyansa nang sa gayon ay hindi niya ako mamaliitin.
"Finish or not finish pass your paper."
"I will announce your scores tomorrow. Class dismiss," anunsiyo ni Mrs. Martha.
YOU ARE READING
Code of Dark Academia (Code #2)
Mystery / ThrillerWelcome to Dark Academia, a school where low-IQ students were executed. Most Impressive Ranking #1 Psychological #2 Killings #3 Thriller
CODA III
Start from the beginning
