Fifteen's POV
Mula nang kami'y dukutin ng mga taong ito mula sa lansangan, tiningnan ko ito bilang isang pagkakataon upang makahanap ng mas malalim na kahulugan at layunin sa buhay. Ang araw-araw na pamumuhay sa lansangan ay katumbas ng pakikipaglaban sa gutom na unti-unting humihigop ng aming lakas at pag-iisip, at ang uhaw na nagpapalabo sa aming pananaw sa mundo. Ito'y isang matinding pighati, isang labis na pagdurusa. Bawat araw ay tila pakikipaglaban sa impyerno.
Subalit, ang aking lubhang kinababalisa ay si Sixteen, ang pagkakailanlan na binigay nila sa aking nakababatang kapatid. Mas bata siya sa akin ng isang taon; buong buhay namin, nagsama kami, at palagi siyang umaasa sa akin. Kaya gagawin ko ang lahat para protektahan siya, kahit na ang kabayaran nito ay ang buhay ko.
Kagyat na bumukas ang mga pinto pagkatapos ng anunsyo. Agad akong lumapit kay Sixteen upang sabay kaming makapasok. Habang inaabot ko na ang kanyang kamay, isang matipuno at maskuladong guwardya ang sumalubong at pumigil. Kaagad kong iniayon ang aking tingin sa kanya at inayos ang aking nagulumihanang mukha.
" There's one door for each of you. You will enter individually, separately," walang emosyon niyang saad sa kanyang malalim na boses.
Sa sandaling tumagos ang mga salitang iyon sa aking tainga, dahan-dahan itong gumagapang, dahilan para manginginig ako sa pagkabalisa. Magkahiwalay? paano ko siya mapoprotektahan?
Tinitigan ko ang guwardya sa aking nangingislap sa luha na mga mata. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin o gagawin. Gayunpaman, isang bagay ang tiyak: nais kong magmakaawa na payagan nila kaming makapasok nang magkasama.
Sa gitna ng aking pangamba at pagkalito, isang nakakagulat na anunsyo ang gumambala sa amin.
Greetings, subject of Dark Academia. Welcome to the first phase of elimination, the Maze of Death. In this phase, you will enter individually and navigate the 5,500-square-metre maze, where numerous traps were implanted. You must finish this within one hour; if you aren't able to exit within this timeframe, you will be electrified to death inside. And one more thing: you can't go backward because the maze will close with every step. So think before you step.
Sa sandaling matapos ang anunsyo ay kagyat kaming inakay ng guwardiya sa aming entrance. Sa kabila ng aking pagnanasang makawala mula sa guwardya, hindi ko mapapantayan ang kanyang lakas. Agad kong tiningnan si Sixteen, nakatingin siya sa akin sa kanyang kumikislap at namumugtong na mata. Naramdaman ko ang kanyang matinding takot at bagabag. Ang kanyang mata ay nagpapakita ng pagsusumamo para sa tulong.
Napalunok ako nang mapagtantong wala akong magagawa upang matulungan siya.
Timer starts now
Mabilis akong pumasok sa loob. Kahit na magkakahiwalay kaming pumasok, may posibilidad pa rin na magkita kami sa loob ng maze na ito. May ilang pasukan na may iisang labasan lamang, kaya malaki ang probabilidad na may makakasalubong ako sa gitna ng maze na ito dahil pareho kaming humahanap ng parehong ligtas na daan. Kaya't kailangan kong magmadali at hanapin si Sixteen.
Ang araw-araw na pamumuhay sa lansangan ay nakatulong sa akin upang magkaroon ng mataas na survival instinct. Dahil dito, kaya kong matukoy ang pinakaligtas na ruta. Walang-wala ang maze na ito kumpara sa impiyernong buhay namin sa kalye, kung saan nagnanakaw kami ng pagkain at tumatakas mula sa pagtugis ng mga taong ninakawan namin.
Sa sandaling lumakad ako patungo sa ibang direksyon, agad na humaharang ang pader, kaya't wala na akong pagkakataong bumalik. Ito pala ang babala kanina, na dapat laging mag-ingat sa bawat hakbang. Mas mahirap ito kaysa sa inaakala ko; kailangan nito ng matinding pagsasaalang-alang sa desisyon, dahil walang puwang para sa pagkakamali.
YOU ARE READING
Code of Dark Academia (Code #2)
Mystery / ThrillerWelcome to Dark Academia, a school where low-IQ students were executed. Most Impressive Ranking #1 Psychological #2 Killings #3 Thriller
