CODA III

77 24 49
                                        

Nang matapos ang unang pagsubok ay kagyat kaming inakay sa kwartong nakatalaga sa amin. Habang naglalakad ako patungo sa aking kwarto, ay hindi maalis-alis sa aking isipan ang babala ni Three. Hindi ko rin na naitanong sa kanya kung bakit ko iiwasan si Nine dahil kagyat din siyang umalis. Ano ba mayroon kay Nine?

Tinigil ko na ang pag-iisip tungkol dito at pumasok sa aking kwarto. Sa kabutihang-palad magkasama kami sa kwarto ni Sixteen. Napakalaki at napakalawak ngunit lisding ang atmospera sabagkat nababalutan lamang ito ng iisang kulay. Ito ay purong puti na may double-deck na kama. Mayroon ding mesa na may maraming nakapatong na mga aklat at lampara. Ang silid na ito ay partikular na ginawa sa pag-aaral. Napakaliwanag at malinaw na gawa sa kongkreto at de-kalidad na materyales.

Labis akong nagalak, ang aking mata ay kumikislap sa kasiyahan habang ang aking puso ay malakas na tumitibok dahil sa pananabik. Ito ang unang beses na mayroon kaming kwarto at sa wakas ay makakahiga na rin sa kama.

Agad akong humiga sa kama at ikinalma ang aking likuran. Huminga ako ng malalim, dinadama ang lubag na bumabalot sa akin. Pinapakalma nito ang aking galugod na nagdudulot ng anayad. Ganito pala ang pakiramdam makahiga sa malambot na kama? Napakaswerte naman ng mga taong mayroon ito, hindi na nila kailangang humiga sa matigas na simento ng kalsada.

"Kuya."

Agad akong bumangon nang marinig si Sixteen.

"Ano ba ang lugar na ito?" tanong niya.

"Hindi ko nga rin alam, pero isa ang tiyak, nakakatakot ang lugar na ito," sagot ko.

"Pero di bale ng nakakatakot ang importante ngayon mayroon na tayong kwarto at pagkain na makakain, hindi na natin kailangang magnakaw," dalisay niyang wika sa kanyang kumikinang na mata.

"Tara suotin na natin ang atin uniporme," aya niya.

Kinuha namin ang nakasabit na uniporme at sinuot ito. Isa itong komportableng kasuotan na binubuo ng puting long-sleeved na kamiseta at kaparehong puting pantalon, na gawa sa pinaghalong sintetikong hibla at bulak. Naka-imprinta sa likuran ang malaking numero na nagsisilibing aming pagkakailanlan.

"Sixteen," mahina kong wika.

Ibinaling niya ang kanyang nalalaking mata sa akin.

"Hindi mo na ako tatawagin sa tunay kong pangalan?" naguguluhang tanong niya.

"Hindi muna, at huwag mo rin akong tawaging kuya. Napakahigpit ng patakaran at napakalupit din ng parusa. Kaya mas mabuting itatawag natin sa isa't isa i-yung numerong ibinagay nila sa atin," mahinahong tugon ko.

Tumango siya.

"At isa pa, mas mabuting iwasan natin si Nine at Three," babala ko.

Tiningan niya ako sa kanyang nagtatakang mata. "Si Three? Siya yung tumulong sa akin doon sa Maze of death," nalilitong tanong niya.

"Parang mayroong kakaiba sa kanya na hindi ko nagugustuhan. Mas mabuti pang iwasan siya. Ang layunin natin dito ay hindi makipagkaibigan, kundi upang makaligtas."

"Paano tayo makakaligtas dito kung hindi tayo marunong magbasa at magsulat? Mayroon daw klase bukas," naguguluhang tanong niya.

Halos napatayo ako nang umalingawngaw sa aking isipan ang kanyang tanong. Tumama sa akin ang katotohanan at ang mapait na pagsasakatuparan na parang suntok. Hindi kami nagkaroon ng pagkakataong humawak ng mga libro noon, kaya paano kami makakaligtas sa aspeto ng kaalaman? Paano kung pagbabarilin nila bukas ang hindi marunong magbasa?

Maraming hindi kaaya-ayang paglingap at nakakatakot na tanong ang patuloy na pumapasok sa aking isipan. Matinding sindak ang gumagapang sa aking katawan.

Code of Dark Academia (Code #2)Where stories live. Discover now