CODA I

132 45 127
                                        


Ang maginaw na kahinahunan ng payapang lugar ay sinalsal ng bumubulusok na umaalimpuyong hanging bumabagabag sa mga puno, na nagdulot ng kaluskos ng kanilang mga dahon. Ang patuloy na pag-huni ng kawan ng mga ibon sa buong lugar ay nagsisilbing harmonikong musika na bumabati sa akin tuwing umaga. Walang tunog ng busina ng sasakyan, walang malalakas na boses, at walang ingay ng mabigat na trapiko.

Tahimik akong naninirahan sa liblib na sulok ng mundo, nakakulong sa secret base ng Septhis. Dito, napapalibutan ako ng kalmadong yakap ng kalikasan, at ang makakapal na kagubatan ay tila isang buhay na pader na naghihiwalay sa akin mula sa maingay na sibilisasyon.
Ang abot-tanaw sa aking paningin ay hindi man lang magkaroon ng pinakamaliit na tanawin ng anumang gusali. Kahit ang aking tainga ay hindi makarinig ng anumang abalang tunog ng kalye. It's monochromatic.

Ang walang kulay kong buhay ay nagambala ng ingay ng tatlong van na pumasok sa gate namin. Sigurado ang laman nito ay ang mga ulila para sa Dark Academia.

I halted in my place as abrupt realization and guilt crept all over my body. Ang blueprint ng Dark Academia ay ang aking konsepto. Lahat ng mangyayari sa pasilidad na ito ay magiging kasalanan ko.

Sa gitna ng aking pagpupumiglas sa nanginginig kong katawan at sa malalakas na ingay sa aking isipan, isang malakas na yabag ang gumambala sa akin.

"Blake, come outside and witness the arrival of the Subject of Dark Academia," utos niya.

"Understood Dad," mahinang tugon ko.

Subject? He really sees those orphans as lab rats in the experiment. If this notion can help me get through this never-ending boredom, I won't spend time weighing its effect and ethics.

Agad kong sinundan si Dad sa labas at naglakad sa corridors para makita ang napakalaking pasilidad na para lamang sa Dark Academia. Ang pasilidad ay may madilim na vintage na disenyo at puno ng mga konkretong lumang bato, na nagbibigay ng pangkalahatang solidong hugis. Nagbibigay ito ng napakalamig at nakakatakot na awra.

Huminto kami sa front gate, at sinimulang buksan ng mayordomo ang mga pinto ng van. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang maingat na lumabas ng van ang mga batang nakasuot ng maruruming damit, na nakikipaglaban sa nanginginig nilang mga binti. Mabagal silang naglakad habang magkahawak ang kamay. Iniyuko nila ang kanilang ulo, iniiwasang tumingin sa amin. Ang ibang mga bata ay nag-aalangang gumawa ng hakbang dahil sa matinding takot na gumapang sa kanilang katawan, ngunit pwersahang kinaladkad sila ng mayordomo. Napangiwi sila sa sakit, at kitang kita ko ang nagniningning na luha sa kanilang mga mata.

"BILISAN NIYO," malakas na sigaw ng mayordomo habang patuloy na tinutulak ang mga bata.

"ANO BA YAN LUMABAS NA KAYO," galit na sigaw ng mayordomo sa loob ng van tila may naiwan pang bata roon.

Marahas niyang hinawakan ang braso ng bata ngunit isang mabilis na suntok ang dumapo sa kanyang mukha na ikinagulat ko.

"Huwag na huwag mong sasaktan ang kapatid ko," saad ng isa pang bata.

My feet move in response to the commotion. Napalunok ako nang masilayan ang isang batang lalaki na pinoprotektahan ang kanyang nakababatang kapatid na babae. Ang mga mata ng batang lalaki ay umaapoy ng tapang at lakas; Wala akong nakikitang takot sa mga mata niya. Huminga siya ng malalim at ibinaling ang tingin sa akin.

"TARANTADO KANG BATA KA HA," galit na sigaw ng mayordomo, nang akma niyang sasakalin ang bata ay kagyat akong napasalita.

"One wrong move and I'll fire you," pagbabanta ko sa aking malamig na boses.

Biglang lumipat ang mga mata ng mayordomo sa akin. Ang kanyang mga mata ay kumikinang sa kahihiyan, at ang kanyang bibig ay biglang lumubay. Mahina niyang ibinaba ang kanyang braso.

Code of Dark Academia (Code #2)Where stories live. Discover now