" Please forgive my rudeness, Sir Blake," buong respeto niyang saad habang yumoyuko.

"Sino siya kuya? Bakit nirerespeto siya? Pareho rin naman kaming bata ha?" mahinang tanong ng batang babae.

Tinitigan ko siya ng blanko. Tama siya; magkasing edad lang siguro kami.

"Hindi niyo kailangang alamin kung sino ako. Ang dapat niyong pagtuonan ay kung paano kayo mabubuhay sa lugar na ito," saad ko at nagsimulang maglakad papunta ng front door.

The two massive and tall gates of Dark Academia slowly open, and we are greeted with harsh, glaring lighting that creates a stark, horrific environment. The main entrance is spacious . The walls are painted in a light grey with a matte texture, reflecting the facility's sterile nature. The floors are polished with vinyl. Everyone begins walking inside.

Inihanay sila ng mga guwardiya at nilagyan ng microchip ang bawat isa upang magsilbing detector at security measures; kung magtatangka silang lumabas ng Dark Academia, they will be shock to death . Nilagyan din sila ng pansamantalang tattoo ng mga numero sa kanilang mga leeg na magsisilbi nilang pagkakakilanlan. Ang kanilang pagkakakilanlan ay ayon sa mga numerong mayroon sila. Hindi na sila nag-abalang bigyan sila ng mga pangalan dahil karamihan sa kanila ay mamamatay din naman.

"Dad, saan ba sila galing?" tanong ko.

"Some were from the San Elena and Prihem orphanages. The others were just abducted on the streets"

Abducted? They seriously go with any length to ensure that a large number of children enter the Dark Academia.

Maraming mga bata ang nagwawala at umiiyak. Hindi ko naman sila masisisi, bago lang sila sa lugar na ito, kaya't inaasahan talaga na sila ay mababalot ng pagtataka, pangamba at takot.

Saan tayo?

Gusto ko ng umuwi ng orphanage

Sana kunin tayo rito ni sister

Sabi nila mag-aaral lang tayo rito bakit parang nakakatakot ang lugar na ito.

Ayoko rito, nakakatakot

Sunod-sunod na pagtataka ng mga bata sa kanilang nanginginig na mga boses.

They were stuck in place, quivering with terror and confusion as their eyes searched everywhere. Suddenly there was a tremendous cry that shook the entire facility, startling us.

"GUSTO KO NG UMUWI, PAALISIN NIYO AKO RITO," malakas na iyak ng bata habang malakas na tumakbo.

Isang malakas na putok ng baril ang yumanig sa buong lugar, na ikinagulat ng lahat.

Bigla akong tumalikod upang tingnan kung sino ang bumaril.

It was Dad.

Ibinaling ko ulit ang aking titig upang tingnan ang bata, na malakas na bumagsak sa sahig na nakahiga sa lawa ng kanyang sariling dugo.

Lahat ay nanginginig sa takot, humihikbi nang tahimik sa kanilang mga posisyon habang hindi gumalaw dahil sa takot na baka sila ang isusunod na papatayin.

"Kung sino ang duwag ay papatayin. Kaya tumahimik kayo at sumunod sa amin," pagbabanta ni Dad sa kanyang malalim na boses.

Everyone began to wipe their tears and fix their positions since they were afraid of being killed.

Habang sila ay nakikipaglaban sa kanilang takot, itinuon ko naman ang aking oras upang maglakad-lakad, tinatamasa ang estruktura ng pasilidad. Napakahusay nila sa paglalapat ng aking disenyo sa realidad. Higit pa sa inaasahan ko ang kanilang nagawa. Tunay na kahanga-hanga ang pasilidad na ito. Masyadong mahigpit ang seguridad. Napaka-advanced din ng teknolohiya upang mapaunlakan ang iba't ibang pagsasanay.

Sa gitna ng aking pagkamangha, isang batang lalaki ang lumapit sa akin. Siya yung lalaking sumuntok sa mayordomo kanina.

"Salamat pala kanina," dalisay niyang saad sa kanyang mahinahong boses. A transitory smile adorned his face, and his eyes glistened with gratitude.

I looked at him blankly. The number 15 was tattooed on his neck. His name is Fifteen. I'm not sure why he thanked me; they were just moved to this horrible facility with no promise that he would survive minutes later. He should not feel grateful, especially since he is only a subject at this facility. He could definitely die anytime, and saving him earlier will only prolong his agony here.

"Thanks? For what?" I asked confusedly.

"Para sa iyong kabaitan. Feel ko mabait ka," seryosong tugon niya.

Napataas ang aking kilay, at pinako ang naguguluhan kong tingin sa kanya. Mabait? Seryoso? Ang batang ito ay tunay na mangmang, umaasa sa kanyang sariling mga pagpapalagay at sapantaha. Sa ganitong pag-uugali at pag-iisip, walang alinlangan na mamatay siya ng maaga sa pasilidad na ito. Hindi dapat tayo basta-bastang maniniwala sa ating mga unang impresyon; sa halip, dapat tayong laging mag-isip at kumilos nang makatwiran. Halos mapatawa ako; Paano ako naging mabait? Eh ang Dark Academia ay ideya ko.

Biglang bumukas ang unang kwarto sa sulok na ikinaistorbo namin.

"Subjects of Dark Academia, kindly proceed to the first room as the first phase of elimination begins now." malakas na anunsiyo sa speaker na umalingawngaw sa buong pasilidad.

This is most likely the Maze of Death, where different lethal traps have been implanted. In this phase, strong spatial analysis and problem-solving abilities are required.

" Sige mauna na ako, kailangan ko ng pumasok sa loob. Kita nalang tayo pagkatapos ng larong ito," pagpapaalam niya.

Napangiti ako. Mataas ang kumpiyansa niya sa kanyang sarili.

"Good luck Fifteen," aniko.

------------------------------------------------

A/N : Handa na ba kayo para sa Maze of death?

Stay tuned, dahil makikilala niyo ang mga kakayahan ng mga bata sa Dark Academia

Code of Dark Academia (Code #2)Where stories live. Discover now