Chapter 41: First aid

Magsimula sa umpisa
                                    

"Huwag kang mag-alala, Nate, ikaw naman paborita ng Mama ko."

Nate almost jumps from his seat when he heard Warren, but syempre before he could do that ay pinigilan na namin siya.

"I have a game plan, guys." All head turned to Warren. "Sama-sama tayong magdinner mamaya para kapag sinabi natin sa kanila na nasuspend tayo, mas malaki ang chance na hindi nila tayo pagalitan ng sobra."

"Gusto ko 'yan," Hailey agreed. "Because there are eight of them, maghahalo halo ang opinion nilang lahat kaya instead na mafocus ang atensyon nila sa kalokohan natin, mas mabibigyan pansin nila ang opinyon ng iba pang parents."

"It's not like Tito Ice will join them sa pag-iingay. So techinically, seven na lang ang magagalit sa atin."

Napangisi si Nate at itinaas pa ang paa sa isang upuan sa unahan niya. Like a boss. "Mas ayos na sabay sabay silang pito na magalit sa atin kaysa mapagalit natin ang Papa ko. Oras na magsalita 'yon, paniguradong tatahimik silang pito."

"Seryoso? Nakakatakot nga 'yong Papa mo pero mukhang mas nakakatakot pa pala siya sa inakala ko," Tamara said.

"Nakakatakot lang naman 'yon kapag may ginawa kang mali. Kung wala, he's cool."

Nag-agree kaming lahat sa sinabi ni Nate about Tito Ice. But then I remember.. paano si Tamara?

Seems like magkakonekta ang mind namin ni Nate and he voiced out my thoughts, "Ikaw, paano ka?" he asked her.

"Sasabihin ko lang na suspended ako. Magagalit sila sa una pero mawawala rin naman 'yon."

"Sasamahan ka namin. Para mapaliwanag din naman 'yong nangyari," prisinta ni Warren.

"Oo nga. Para fair. May kasama ka rin."

She was about to object kaya lang before she could even do that ay sinuportahan na namin ni Hailey ang plano ng boys. In the end, we all agree na samahan si Tamara sa kanila. Saka it's time to meet her parents na rin. We've been friends for months already kaya I think it's better na makilala kami ng parents niya and vice versa.

"Nasaan si Guevarra?" tanong ni Nate.

Oo nga, ano. He's not here. He didn't enter the clinic din ata. He's probably sleeping somewhere.

"May sugat pa 'yon 'di ba?" Hailey asked.

We shrugged.

"Dapat magamot 'yon," sabi naman ni Tamara.

"Yeah."

The moment na sumagot ako, lahat sila tumingin sa akin as if I did something wrong. Wait, wala naman akong ginawa, right?

Tumayo si Warren at kinuha ang first aid kit na ginamit sa kaniya kanina ni Hailey at inabot sa akin. I was about to ask kung bakit niya 'yon binibigay nang siya na ang sumagot before I could even ask the question.

"Mukhang hindi naman 'yon pupunta sa clinic. Ikaw na lang gumamot sa kaniya. Mukha namang sa 'yo lang din siya kumportable."

"But.."

"Sige na, Pipes. Kawawa naman si Guevarra," dagdag pa ni Nate.

Why do I feel like they're trying to make me feel bad kasi hindi magagamot ang sugat ni Hunter?

I didn't argue na lang at kinuha ang kit na inabot ni Warren.

"It's not like sa akin lang siya kumportable," I said. "Siguro naging gano'n lang kasi I'm the only person who made an effort para kulitin siya. But if you'll try, for sure naman magiging kumportable din siya sa inyo. Sometimes you just have to try. Sige na. I'll look for him na."

The Trouble with the RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon