Kabanata 1

34 8 6
                                        

"Eliza, ano nanaman ba ginagawa mo?" Narinig kong saad ni Ate Faye, dahil abala ako sa pagbabasa at siya naman ay di alam kung ano ang uunahin.

"Kunti nalang matatapos na ako wag ka munang mang istorbo." Saad ko dahil patapos naman ako.

"Aba kanina ka pa diyan, tara na nga. Ma la-late kana oh ako ang papagalitan ng manager mo nito eh." Saka ito lumabas sa kwarto ko.

"Sige lalabas na hintayin mo nalang ako!" sigaw ko at agad na itinabi ang librong binabasa ko.

"And don't worry about Francine!"

Kailan ba ako mag papahinga parati nalang ganto pero kailangan eh, hindi naman kasi madali ang trabaho na pinasok kong ito. Agad akong pumili ng damit na isusuot dahil may meeting nanaman na kailangan kong umattend. Para sa bagong project ko kahit noong nakaraang araw ay pinatawag kami, which is 2 days ago. Kunting makeup lang dahil nakaligo na ako kanina at ayan tapos na, kaya agad naman akong lumabas sa kwarto at bumaba.

"So tara na." Saad ko nang makalabas matalim niya lang akong tiningnan, at umiling ito. Tinawanan ko naman siya.

"Why?" Saad ko.

"Tara na mapapagalitan na talaga tayo naku Eliza." Naglakad na ito palabas matapos sabihin iyon at agad naman akong sumunod upang makapasok na sa kotse.

"Ano ba naman yan pinapammadali tayo ni Ms. Georgia." Saad nito dahil nakatutok ito sa phone niya at saka naman tiningnan ako.

"Hayaan mo muna ate ako na kakausap kay Ms. Georgia, chill lang okay di sila mag sisimula hangga't wala ako no." Biro ko.

"Ikaw ang bahala." Tanging sagot nito sabay irap sakin.

Agad kaming nakarating sa  company at agad din na pumasok syempre sa likod kami dumaan mahirap na mag kagulo pa dahil may mga tao talaga sa labas which is naghihintay sila ng kung sino lalabas na artist.

"Sawakas Ms. Torres nakarating ka din." Bungad agad ni Ms. Georgia sakin nang makapasok ng meeting room.

"Sorry na traffic lang by the way let's start." Sabay ngiti ko dito, kahit same reason ang sinabi ko dati at totoo naman anong magagawa ko sa traffic.

"So ito nga ikaw ang magiging lead again in this series malaking project to kaya alam ko na kaya mo to Eliza." Sabay lingon sakin, may iba ding mga tao dito pero hindi ko pa kilala ang iba at ang iba kilala ko na syempre dahil nakatrabaho ko na din sila.

Madami pang sinabi si Ms. Georgia tungkol sa gagawin naming project at agad din naman samin ibinigay ang script kailangan namin muna basahin ito dahil biglaan din ang meeting na to, dapat kasi bago sila tumawag ng ganito ay mag papadala muna sila ng copy at pag nagustuhan ko, or kahit anong offer di ko tinatanggap agad. Tiningnan ko ang script na binigay samin, base palang sa title parang historical na siya or may pagka historical parang ganun di ako sure or old love story based.

Kwento ito ng isang babae na nakatira sa probinsya at naranasan nito ang nakaka-traumang pangyayari dahil sa panahon na yun at sa lugar na yun madaming namamatay dahil sa mga rebelde at sundalo na may kanya kanyang pinag lalaban.

"I'm sorry Ms. Georgia I'm late." Bigla namang dumating ang isang lalaki at agad ko naman ito nakilala dahil sikat din ito.

"It's okay, Mr. Valencia. Have a seat; it's just the right time to have you here." Ani ni Ms. Georgia dito at ngumiti sakanya.
"Okay this part, we will start with Mr. Valencia." Agad na saad nito nang makasupog ang lalaki ni walang pahinga na alam niyo ang gagawin samantalang ako di nasabihan

"Diba sabi ko naman sayo ba-balikan kita." Basa nito, siya ang magiging lead na lalaki sa project na to, kailangan talaga alam namin ang magiging reaksiyon sa bawat script na binabasa namin.

The Unwritten Script - Series #1Tempat di mana cerita hidup. Terokai sekarang